Chapter 7
Pagkatapos nu'ng isang katakot-takot na pag-uusap namin ay halos hindi na ako nakatulog kagabi sa sobrang saya ko at sa sobrang kilig ko. Oh, my God. Hindi ko talaga alam kung tama pa ang ginawa ko, mali ata. Pero hindi ako papaapekto, gagawin ko pa rin ang mga dapat kung gawin, kung bakit ba andito ako. Sinabi ko lang naman na gusto ko rin siya eh, 'yon lang yun. 'Yon pa lang 'yon, at siguro hindi na lang muna ako aasa na le-level up pa 'yon. That's the first level at hindi ko alam kung hanggang do'n na lang talaga 'yon. I am not hoping na lumevel-up but somehow... Oh, my God, no. No, no, no Hailyn, that's a no-no for Mama and Papa.
"Hoy! Baka mahanginan ka! Sige ka, hindi ka na makakakita niyan!" Napabalik ako sa wisyo ng bigla akong tupiin ni Pat. "Lalim ng iniisip mo ah, baka malunod ka." Napairap lang ako sa sinabi ni Pat at humingang malalim. Kasalukuyan kaming nasa canteen. Lamon na naman. Dahil preparation nga for Intramurals, kaniya-kaniya rin kami ng gawain, may sasali sa iba't ibang sports, may bench yellers, at si Chrisca ang panlaban namin for Ms. Intramurals, habang pinasabak naman ng Adviser namin si Von for Mr. Intramurals, 'di ko naisip na papayag siya, pero buti na lang pumayag siya kasi gwapo talaga siya eh. Silang dalawa ang pambato ng buong TAGS. Pinag-isa na kasi talaga ang TVL, Arts and Design, Gen. Academic Strand and Sport Tracks. Kaya naging TAGS na kami and since marami naman ang STEM, ABM at ang HUMSS, sila-sila rin ang magkakasama. Kami lang talaga ang mauunti.
"Iniisip ko lang yong performance sa Intramurals, kinakabahan ako, baka kasi pumiyok ako o kung ano man, ako agad unang sasalang eh." Natawa naman si Chrisca sa sinabi ko.
"Girl, kaya mo yan! Tingnan mo lang ang beauty ko para 'di ka kabahan!" Sabi naman ni Chrisca at dahil do'n ay natawa ako. "At saka, hello? Kamusta naman ako na magpa-pageant pa?"
"Oo nga, tingin ka lang sa amin, sure kami na mawawala na yang kaba mo." Napangiti naman ako sa sinabi ni Hera.
"Anong oras na ba?" Napatingin ako sa relo ko at literal na namilog ang mata ko. "Hoy, tapos na ang Lunch Break! May practice na kami!" Taranta kong sabi at saka inayos ko na ang gamit ko.
"Oo nga pala, may practice din kami sa Volleyball." Tumayo na rin si Pat. Kasali siya sa Volleyball girls. Samantalang si Alexis naman at Hera ay sumali sa Bench Yell and of course si Eunice naman ang sa Solo Performer namin.
Naglakad na kami palabas ng Canteen hanggang sa tumuloy na si Pat, Hera, Alexis at Chrisca sa Gymnasium kasi doon ang practice nila. Samantalang kami naman ni Eunice ay sa Music Room ang punta.
"Nasabi niyo na ba kay Ma'am Chona na, papa-support kayo sa Band nina Nicole?" Tanong sa akin ni Eunice habang naglalakad. Medyo nagmamadali na kami kasi alam namin na late na kaming pareho, pinapagtipon na naman kami ni Ma'am Chona eh.
"Hindi pa, ngayon pa lang, right after ng meeting." Napatango-tango naman si Eunice. "Ahm, Eunice?" Napaharap siya sa akin. "Paano kung malaman mo na, may gusto sa'yo yong taong gusto mo? Tapos, no'ng inamin niya sa'yo, umamin ka na rin?" Natawa siya sa sinabi ko.
"Alam mo, siguro kung ako nga yan, baka hindi ko alam ang gagawin ko, pero siguro, go with the flow na lang ako, 'di na lang ako gano'n papa-apekto. At saka, gusto lang naman eh." Napatango-tango naman ako sa sinabi niya.
"Won't you feel awkward?"
"Syempre awkward 'yon to the highest level. Pero syempre, sa una lang 'yon hanggang ss masanay ka na." Napatango-tango ulit ako. "Ikaw ba yan? At si... Zeus o Laurence?" Namilog ang mata ko at napatingin sa kaniya kaya napahalakhak pa siya. "Aminin mo na Girl!" Napahingang malalim ako. Siguro kay Eunice ko na lang muna sasabihin 'to.
"Si Zeus." Nakita ko ang pag-awang ng labi mi Eunice at narinig ko pa ang pag "ha?" niya. "Umamin siya sa akin kahapon, eh gusto ko rin naman siya kaya umamin na rin ako."

YOU ARE READING
Until We Meet Again
Teen FictionI always thought there was something romantic about fighting for someone, about winning them back, eventual happiness. But as the time goes by, I have come to the realization, na kung pilit mong ipaglalaban ang taong mahal mo pero hindi naman siya k...