Chapter 10
After that night, hindi na ako pinatulog ng mga sinabi ni Laurence sa akin. Iniisip ko kung anong sasabihin ko kay Laurence, iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kanya na si Zeus talaga ang mahal ko. Siguro kakausapin ko muna si Zeus at ipapaalam sa kanya ang nangyari. Ayoko namang masira ang pagka-kaibigan ni Zeus at Laurence. Hays. Ganito na ba talaga kahaba ang buhok ko para mahalin ako ni Laurence, tapos gusto rin ako ni Zeus.
"Hoy! Ano na naman yang iniisip mo bruha!" Natigil naman ang pag-iisip ko ng biglang bumuga sa harapan ko ang mga kumag kong kaibigan. Kasalukuyan kaming nasa likod ng Gym. P.E. Class namin ngayon eh, andito lang kami sa may likod kasi mahangin dito eh.
"Oo nga, share naman dyan." Dagdag naman ni Pat.
"Ano na naman ba yan Hail?" Umupo sa tabi ko si Eunice at saka pinilabutan ako ni Patricia, Hera, Chrisca, Eunice at Alexis na nag-iintay na magkwento ako.
"Eh kasi, nakausap ko si Laurence." Panimula ko sa kanila. "At sinabi nya saken na gusto nya ako." Dugtong ko na ikinagulat ng lahat.
"WHAT?!" Sabay-sabay na sigaw nilang lima.
"Wag nga kayong maingay. Pero oo tama kayo sa narinig nyo, gusto nya daw ako at hindi lang daw nya ako gusto kase mahal na nya din daw ako." Kwento ko pa ulit sa kanila.
"Wait, teka lang. Paanong mahal ka nya agad eh 'di naman kayo nagkakasama? Kase most of the time, si Zeus ang kasama mo." Tanong naman ni Hera sa akin, at ang apat ay napa-isip na rin.
"Ay no. I bet, mahal ka talaga nya. Nakikita ko 'yon sa tuwing magkasama kayo ni Zeus. Nababasa ko sa mga mata nya na mahal ka nya, at nasasaktan syang makita kang masaya sa iba." Sabi naman ni Patricia at napatingin na naman kaming lahat sa kaniya.
"Pero, iniisip ko lang, anong meron naman sa inyo ni Zeus? Kasi nakikita ko kayo na iba na 'yong mga tinginan nyo sa isa't isa. 'di ba nakwento mo sa akin na nagkaaminan na kayo?" Sabi naman ni Eunice sa akin.
"Ano 'yon? Ba't di namin alam?" Sabi naman ni Chrisca na parang nagtatampo.
"Ayon na nga, kasi umamin sa'kin si Zeus bago kami mag-perform noon no'ng Intrams. Gusto nya daw ako. Kaya gulong-gulo ako!" Napatayo na ako at napahawak na sa ulo ko.
"Ang haba ng hair! Peram nga kayong gunting dyaan." Singit naman ni Chrisca sa eksena.
"Wait may dala ako ditong gunting." At kumuha nga ng gunting si Alexis, lahat kami ay nagtatakang nakatingin lamang sa kanya. Seryoso sya?
"Ito oh, aanhin nyo?" Abot ni Alexis kay Chrisca na mukhang walang kaalam-alam sa ginagawa.
"God, kahit kelan talaga 'tong babae na 'to." Natatawang, nahihiya si Hera sa ginawa ni Alexis na ang slow nya talaga.
"Slow" At nagtawanan naman ang lahat.
"Naisip ko lang, mas maganda siguro kung kausapin mo si Zeus. Ano ba nararamdaman mo kay Zeus?" Binalik naman ni Eunice ang usapan, at napaisip ako sa tanong nya.
"Si Zeus? Si Zeus? Gusto ko sya. At mahal ko na sya." Parang napasinghap ang lahat sa gulat sa sinabi ko sa kanila.
"Oh, my God! Kung gano'n, mahal ka ni Laurence habang mahal mo naman ay si Zeus, ay power love triangle!" Natatawang sabi naman ni Pat.
Ito talaga gusto ko sa mga kaibigan ko, sila yong mas namo-mroblema kapag may problema ang isa sa amin. At sila din ang gagawa ng sulusyon.
"Ang tanong, mahal ka din nga ba nya? Kasi alam nyo, magkaibang-makaiba ang mahal ka at sa gusto ka lang." Napatingin ang lahat kay Hera sa sinabi nya at napaisip naman ako kung sinabi ba ni Zeus sa akin na mahal nga nya ako.
YOU ARE READING
Until We Meet Again
Ficção AdolescenteI always thought there was something romantic about fighting for someone, about winning them back, eventual happiness. But as the time goes by, I have come to the realization, na kung pilit mong ipaglalaban ang taong mahal mo pero hindi naman siya k...