Chapter 4

84 3 0
                                    

Chapter 4

Kinabukasan ay maaga akong nagising, it's Saturday kaya half day lang ang class namin. Maaga akong nagising kasi, maaga rin akong binulabog ni Ate dahil maaga rin daw ang kaniyang first class ngayon kaya maaga kaming ihahatid ni Kuya Ford.

Kasalukuyan na kami ngayong nasa homeroom at may mahalagang sasabihin daw ang aming Adviser sa amin, all about the specialization of our class. Para lang 'to sa mga Arts and Design Students. From Grade 11 to 12. And since, isang section lang ang Grade 11 and 12, pagsasamahin daw ito base sa mga pinakang gusto naming pagtuunan ng pansin.

"Good morning, students. So, gaya nga ng sinabi ko sa group chat natin. We have this so called Specialization Program, specifically for Arts and Design only. Ang pwedeng magpa-register dito ay ang mga may grades ng 90 above. And since, wala pa namang grades na binibigay sa inyo, gagamitin muna yong grades last year, which is your grades in Grade 10." Napatango-tango kami habang ang Adviser naman namin ay tumigil saglit at may tinitingnan sa Laptop. "Okay, so meron kayong apat na pagpi-pilian. First is yong Music Class natin, siguro naman alam niyo na yun? Sa Music Class, ang focus dito ay ang boses at ang pag gamit ng iba't ibang uri ng Instruments, so kung mahilig kayo sa music at kung sa tingin niyo eh, kailangan niyo pa ng improvement pag dating naman sa instruments, dito kayo pumasok. At, si Ma'am Chona Vasquez ang inyong Teacher dito."

"Shit, balita ko siya daw yong pinanlaban noon sa Tawag ng Tanghalan na umabot sa Finals. Grabe, ang galing nun!" Napalingon ako kay Eunice at namilog ang mata ko sa narinig ko.

"Oh, my. Totoo?" Napatango-tango si Eunice at namilog naman ang mata ko. Napaharap ulit ako sa unahan ng magsalita na ulit ang Adviser namin.

"Second is the Dance Class. Dito naman yong mga may talent sa pag sayaw diyan. Hindi lang hip-hop ang tinuturo dito. Lahat ng uri ng sayaw tinuturo dito."

"Sir! Meron din po bang tinuturong Korean Dance Step diyan? Gaya ng sa BTS?" Bahagyang napatawa ang buong klase ng magsalita ang aming adik na adik sa BTS.

"Wala, ikaw baka gusto mo gumawa ka ng sarili mong Program. BTS Army kayo." Biro ni Sir at nagtawanan kaming lahat kay Jandy.

"Third is the Media Arts, so kung may mga Arts kayo sa katawan at mas gusto niyong ma-improve ang skills niyo about Media Arts, dito kayo pumasok." Napatango-tango ang lahat. "And last is the Theater Arts. Ang room niyo dito ay ang Little Theatre sa Main. Yong ginagamit ng College tuwing may nga Theater sila. Naku, maganda doon! Para talaga kayong nasa isang Theater. Dito naman ay ang mga mahuhusay sa pag arte!"

"Oy bet ko yan! Gusto ko diyan!" Bulong ni Hera sa gilid ko.

"Mamaya, pwede na rin agad kayo magpa-register. Okay, class dismiss, mag recess na kayo. Vacant na kayo 'di ba?"

"Yes sir!"

Masaya kaming tumayo sa upuan at napahiyaw pa ang iba. Maganda rin naman kapag sabado kasi bukod sa half day lang kami, may isang klase kaming Vacant kaya mahabang oras ang aming recess.

Napalingon ako sa pintuan nang makita kong naunang lumabas si Charles, Angelo, Von, Laurence and Zeus. Wow, kasama nila si Zeus.
Aba, parang himala ah. Walang pumansin sa kanilang dalawa sa akin. Kahit si Laurence, parang hindi ako pinansin ngayon. Hays.

"Hoy, okay ka lang?" Napalingon ako kay Pat sa gilid ko at nakapalibot pala sa akin ang mga kaibigan ko.

"Oo, okay lang. Canteen tayo." Akit ko sa kanila at sumama naman sila. Pupunta naman talaga kaming lahat sa Canteen eh. Kaniya-kaniya silang kwentohan sa daan habang ako eh kung ano-ano pa rin ang bumabagabag sa isipan ko.

Nakarating na kami sa Canteen, at mabuti na lang maagap pa kaya kakaunti pa lang ang nasa loob.

"Ate, burger steak nga po, saka dalawang hotdog, tapos isang kanin lang po." Order ko at umorder na rin naman sila.

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now