Chapter 8

56 3 0
                                    

Chapter 8

Pagkatapos ng Intramurals ay naging normal na ang lahat, regular class na naman at maghapon na namang uupo sa upuan at makikinig sa Teacher. Kasalukuyan kaming nasa Music Class ngayon.

"To Nicole's band, congratulations for that wonderful performance. You did great guys. Next time mas galingan nyo pa ah?" Kinakausap kami ngayon ni Ma'am Chona about sa aming Performance noong Intrams. "And to Mr. Milton and Ms. Ramos, congratulations. Lakas ng dating nyo on stage. Lahat ata kinilig, pati Principal natin. Madalang kasi magkaroon ng performance na ganun. Ang galing. Good Job." Nagpalakpakan naman ang lahat at nagpasalamat na lang kami ni Zeus. "And of course to you Ms. Gatchalian, ikaw ata ang nag stand out sa lahat ng performances." Palakpakan naman agad kami sa sinabi ni Ma'am. "Ang galing mo kumanta, wala kaming masabi. May panlaban na agad tayo just in case na magkaroon ng singing competition sa Foundation natin, alam nyo na." Naghiyawan naman ang lahat sa sinabi ni Ma'am.

Madami pang sinabi si Ma'am Chona, pagpapasalamat sa amin at mga bagong gagawin namin bukas, mabilis naman kaming pinalabas ni Ma'am dahil nagugutom na daw sya. Kaya tuwang-tuwa naman kami, pero hindi na namin nakasama si Eunice dahil, kakausapin pa daw sya ni Ma'am , kaya nauna na kami ni Zeus.

"Ahm, Hailyn?" Biglang umimik si Zeus sa tabihan ko habang naglalakad kami patungong classroom. "May gagawin ka ba mamaya?"

"Hindi ko alam kasi, may klase pa naman tayo this afternoon, bakit?" Tanong ko naman sa kanya. Biglang natahimik si Zeus at tumingin tingin sa paligidi kaya napatingin na rin ako sa paligid. "May hinahanap ka?"

"Ah, wala. May klase pa nga pala tayo." Napakunot noo naman ako sa kaniya, ano 'yon? Hanggang sa makarating na kami sa classroom namin.

"Hailyn? Nakita mo si Eunice?" Tanong naman agad sa'kin ni Charles.

"Kinakausap pa sya ni Ma'am Chona,kaya pinauna na nya kami, andyan na yun mayamaya." Sabi ko naman kay Charles at saka umupo na ako sa upuan ko which is sa katabi ni Laurence and he's here.

"Hi, kamusta?" Nahihiya ata itong si Laurence sa'kin na ewan eh. Bahagya akong natawa sa sinabi niya, para namang hindi kami nagkikita araw-araw.

"Hey! What's with you?" Natatawang sabi ko at hinampas ko pa ang braso ni Laurence.

"Bakit ba? Nangangamusta lang eh." Natatawa na rin nyang sabi. So cute, I missed his dimples. Oo nga, parang hindi na kami nagbo-bond ni Laurence, madalas si Zeus na talaga kasama ko. Baka 'yon ang nararamdaman niya ngayon.

"Magkasama lang tayo kahapon, okay?" Irap ko naman sa kanya at tumawa lang siya sa akin, but I saw sadness in his eyes but nevermind. "Andyan na si Ma'am, wag ka na maingay." Bulong ko naman kay Laurence. Natahimik na ang lahat.

"Ay shit, ang boring na naman." Bulong ko sa sarili ko at umaktong nakikinig sa Teacher namin pero lumilipad ang utak.

Matapos ang nakaka-antok na klase ng Teacher namin. Wala daw balak kumain ang mga kaibigan ko. Kaya okay, no choice ako na lang ang lalabas. Dali-dali akong lumabas papunta sa canteen. Damn it, I'm so fucking hungry.

"Hail!" Bumilis tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses ni Zeus kaya napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kaniya.

"What?" Medyo mataray kong sabi sa kaniya at bahagya naman siyang natawa.

"Heh, taray mo na naman. Gutom ka ano?" Natatawang sabi nya at inirapan ko na sya. Hays. Si Zeus pa, alam na ata nito kung kelan ako gutom at busog. Ay 'di pala ako nabubusog.

"Yeah, may pagkain ka ba dyan? Anlayo pa ng canteen eh." Naupo naman ako sa isang bench at hinimas-himas ang tiyan ko.

"Tsk. Oh Peanut butter sandwich." Abot nya sa'kin at nanlaki na naman ang mata ko, syempre paborito ko eh.

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now