Chapter 15

52 2 4
                                    

Chapter 15

Kinabukasan ay maaga akong nagising bukod sa excited akong pumasok ay nakakamiss rin pala ang eskwelahan kahit medyo tamad na rin ako mag-aral.

Pakiramdam ko naman ngayon ay kaya na ng katawan ko, maginhawa ang gising ko at parang kaya na talaga ng katawan ko ang pumasok.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng sarili ko nang biglang may kumatok sa pintuan. Si Ate lang naman ang madalas na kumakatok sa pintuan ko.

"Saglit lang." Sabi ko habang papalapit na sa pinto. Nagulat ako at nagulat din si Ate nang makita niya akong bihis na.

"Papasok ka?!" Gulat na gulat na tanong niya.

"Yeah." Sabi ko lang at humarap ulit sa salamin para naman ayusin ang neck tie ko.

"Okay ka na ba? Maayos na pakiramdam mo? Hindi ka na ba nahihilo or kung ano man? Wala na ba masakit sayo?" Sunod sunod na tanong naman ni Ate at bahagya lang naman akong natawa sa kaniya.

"Ate relax. I'm okay na, hindi naman ako papasok kung masama pa pakiramdam ko di ba? Okay na ako ate." Sabi ko kay Ate at nang matapos na ako sa pag-aayos ng sarili ko ay nagpaalam na ako kay Ate at hindi na siya inintay pa na magsalita.

"Una na ako, bye!" Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko at iniwan ko doon sa loob si Ate, nakita ko si Kuya Ford na kumakain sa baba.

"Kain na." Sabi nito.

"Hindi na Kuya, papasok na ako."

"Hindi ka na sasabay sa amin?" Tanong pa ni Kuya Ford at umiling na lang naman ako sa kaniya at saka lumabas na ng pintuan.

Naglakad na ako papunta sa sakayan ng Tricycle at sakto naman na may nakaparada na at para bang iniintay na lang ako.

Pagsakay ko ay umandar na rin naman ang tricycle at nang makarating sa Mall ay bumaba na rin ako at naglakad naman para pumunta sa  harap ng Mall para doon naman mag-intay ng sasakyan papuntang School. Napatingin ako sa relo ko, wow parang ang agap ko ata ngayon masyado ah.

Mayamaya naman ay may dumaan ng Jeep at sumakay na rin ako agad. Mabilis lang ang naging byahe ko at dahil magaap pa nga ata ako ay kaka-unti pa lang ang nakikita kong estudyante.

"Saan na nga ba ang homeroom namin? Limot ko na." Natatawa kong sabi sa sarili ko, halos magkakatulad rin naman kasi ang room dito, nakakalito kaya.

"Psst." Napalingon ako sa likod ko pero wala namang tao. D'yos ko, may multo po ba dito? Ang agap naman po ng multo?

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Mamaya ay nakarinig na naman ako ng isa pang sitsit.
Nilingon ko agad ito at hinintay na baka lumabas kung sino man ang naninitsit na iyon. Punyeta naman oh, kinikilabutan ako, paano kung hindi multo? Paano kung tao na nais akong pag samantalahan at kunin ang mahiwang candy ko, oh, my no! Char, dami kong time para mag-isip no'n, may Guard nga pala ang School na 'to.

Laking gulat ko nang may biglang kumulbit sa akin at punyeta ang gwapo...

"Ahhhh!" Sigaw ko sa gulat. Ikaw ba naman ang makakita ng isang malakapre sa taas at mala Daniel Padilla sa gwapo. Ay in fairness, ang gwapo naman nito! Pwede ko na ibigay ang mahiwang candy kung gusto niya. Charing lang ulit!

"Gulat na gulat?"  Napakalagong naman ng boses neto, so manly.

"Bakit kasi bigla bigla kang sumusulpot sa likod ko?!" Sigaw ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad, medyo gusto kong magtaray sa kaniya.

"Eh bakit ka sumisigaw?" Asar naman niya sa'kin at medyo tumatawa pa siya.

"Eh bakit mo ako sinusundan?" Tanong ko naman sa kanya.

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now