Chapter 3
"But when I saw you, I'll be honest with you, naattract agad ako sayo. Kaya kinulit kita, kaya ganito ako sayo. At mas lalo akong nattract sayo kase wala kang arte sa katawan. Wag ka sana ma-awkward saken Laureen, gusto ko lang maging kaibigan mo. Laueeen? Please?"
Hindi ko pa rin makalimutan yong sinabi sa'kin ni Laurence, one week ago. He's attracted to me, pero may girlfriend siya. And I don't know why I'm feeling this way, but knowing na may girlfriend siya, while he's being sweet and gentleman to me? Masakit. Masakit kase, sobrang bilis nu'ng mga pangyayare. At hindi ko na itatanggi sa sarili ko na I'm starting to fall for him. At aaminin ko na mabilis akong mahulog sa isang tao. Sinong hindi mahuhulog sa kanya? Yong mga galawan niya, nu'ng unang araw palang, may sweet moves na agad siya. At gusto niya akong maging kaibigan? Yeah, kaibigan, kase nga may girlfriend daw siya at mahal niya ang girlfriend niya. I really hate this kind of feeling.
Mabilis na lumipas ang araw, isang linggo na agad, at mas naging close pa kami nina Chrisca, Pat at yong boys. Maging si Kristine Eunice Gatchalian ay naging close na rin namin dahil mabait pala eto pero medyo prangka lang talaga siya. Sa isang linggo ay magkakasama na kami parati. Si Patrcia ang number one baliw sa barkada namin. Nakilala ko na rin si Hera, yong babaeng chubby na maganda, kaibigan na rin namin dahil magkaibigan pala sila ni Alexis na pinsan naman ni Charles. At pati na rin yong pinsan ni Chrisca na si Johnre ay nakasama na rin namin sa grupo, kaya nadagdagan kami. Oh diba, dumami na kami.Naging masaya ako araw -araw dahil sa kanila. Hindi na rin ako tinatamad pumunta ng canteen kase kasama ko sila parati. At naeenjoy ko yun.
"Hailyn? Sasabay ka na ba sa'min?" Tanong ni Hera sa akin. Uwian na at halos mag ga-gabi na kasi tuwing Friday, whole day ang class namin until 5:30.
"Sabay ka na, sige ka wala kang kasama dito, mag-didilim na, sa inyo mo na tapusin yan." Sabi naman ni Alexis.
"Hoy, Hailyn tara na." Akit ni Pat sa akin.
"Hindi na, mauna na kayo. Dito ko na 'to tatapusin, magje-jeep na lang ako. Nagpaalam rin naman ako kay Ate. Sige na ingat kayo." Sabi ko sa kanila habang ako'y nakafocus sa essay na tinatapos ko. Gusto ko kase na kapag asa bahay ako, wala akong ginagawang assignments eh. Napalingon ako sa pinto at nakita ko na nakatingin si Laurence sa akin habang nakangiti. Kumaway muna siya sa akin bago tuluyan lumabas. Ngumiti lang ako sa kaniya. Simula noong sinabi niya sa akin na gusto niya akong maging kaibigan, madalas siya yong kasama ko at kakwentohan ko kapag kakain kami sa Canteen. Habang si Zeus ay madalang sumama sa amin, laging maagang uuwi at minsan hindi pa kumakain tuwing recess. Hindi ko alam kung bakit all of a sudden napaka-moody na niya.
"You sure?" Paninigurado naman ni Eunice sa akin. Ngumiti ako sa kanila."Sure." Tumango naman sila.
"Okay, ingat ka dyan ah?" Pahabol pa ni Chrisca.At tuluyan na nga sila umalis habang ako ay nandito pa rin at tinatapos ang essay na ginagawa ko. I love writing essay lalo na kapag tungkol sa sarili at karanasan ang pinagawa o di kaya naman ay isang certain topic na gustong gusto ko. Kaya alam ko na mabilis ko 'tong matatapos kasi tungkol sa
Mayamaya ay natapos ko na rin nga agad ito at inayos ko na ang mga gamit ko. Pero, bago ako maka-alis nakita ko yong gitara nu'ng kaklase ko. Napalingon ako sa paligid ko at solo na lang talaga ako. Napasilip ako sa bintana, medyo maagap pa naman kaya naman tumugtog muna ako ng paborito kong itugtog sa gitara.
Please don't see, just a girl caught up in dreams and fantasies.
Please see me reaching out for someone I can see,
Take my hand, let's see where we wake up tomorrow,
Best laid plans, sometime it's just a one night stand,
YOU ARE READING
Until We Meet Again
Teen FictionI always thought there was something romantic about fighting for someone, about winning them back, eventual happiness. But as the time goes by, I have come to the realization, na kung pilit mong ipaglalaban ang taong mahal mo pero hindi naman siya k...