Chapter 5
Nangangalahati na ang palabas at pakiramdam ko ay nasa pinakang intense part na kamo dahil puro hiyawan na ang namumuo sa loob ng sinehan.
"Ahhhh!" Sigawan ng lahat sa loob at halos marinidi na ako dahil kahit nasa taas na bahagi kami ay mas rinig namin ang lahat and shit, nati-triggered ang teng ako. Napahawak ako sa braso ni Laurence at napayuko dahil sa sobrang sakit na ng tenga ko. Pagharap ko sa big screen ay namilog ang mata ko at parang mas napahigpit ang hawak ko kay Laurence dahil sa mga eksenang nakakagulat.
"Natatakot ka ba o may nararamdaman ka?" Tanong ni Laurence sa akin habang hawak niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya. Napalingon ako sa kaniya at naaninaw ko ang nag-aalala niyang mukha.
"Nagugulat lang ako." Sagot ko sa kaniya at naramdaman ko na inalis ni Laurence ang kamay ko sa braso niya at hinawakan niya yun ng mahigpit. Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang mga ngiti niya, at unti-unting nawawala ang sakit ng tenga ko at para bang hindi ko na marinig ang ingay sa paligid ko.
"Aaahhh!" Nagulat ako sa sigaw ni Angelo sa unahan, pero siya lang ang kaisa-isang sumigaw dito sa loob kaya pingatinginan siya ng mga tao at napatawa naman kami dito sa itaas. Binato pa ito ni Zeus ng isang popcorn.
Bawat gulat ko ay alam kong napapadiin ang kapit ko kay Laurence. Hindi naman ako nagugulat sa mga eksena, mas nagugulat ako sa mga sigaw nila dito.
Ganoon lamang ang nangyari sa loob, sigaw dito at sigaw doon, at nanatili ang pagkakahawak ng kamay ko sa kamay ni Laurence. Hanggang sa matapos ang movie at pakiramdam ko ay sumakit ang lalamunan ng mga tao dito sa loob.
"Grabe si Charles! Mas dinaig pa ang babar kung makasigaw at matakot! Ako pa yong naperwisyo eh!" Reklamo naman ni Eunice at nagtawanan kaming lahat.
"Sorry na, eh nakakatakot naman talaga eh."
Pa-sweet voice na sabi ni Charles at nagtawanan lang ulit kami."Eh kamusta naman itong si Angelo, na wala pa ngang eksena sumisigaw na agad?" Nagtawanan na naman ang lahat dahil sa sinabi ko.
"Kain naman tayo."
Kumain kami sa Jollibee at pagkatapos noon ay naglaro naman kami sa Quantum, WOF, at sa Wonder Park, yes lahat na namin pinuntahan at sa buong oras na yun ay si Laurence ang kasama ko, si Zeus kasi ang kasama ay si Hera eh. Minsan kapag napapalingon ako kay Zeus, nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin at pinapag-sawalang bahala ko na lamang yun.
Nagpatuloy kami sa pag-uuli sa loob ng Mall habang kwentohan pa rin naman ang mumuo sa amin. May mga pagkakataon na nagkakanya-kanya kami, kasi masyadong marami kami para magkumpol-kumpol.
"Hailyn." Napalingon ako sa tumawag sa akin, habanh tumitingin ako ng mga damit sa loob ng Department Store. "Asan ang kasama mo?" Napalingon-lingon ako sa paligid ko at nawala na nga sila.
"Ah. Andyan lang yun sa tabi-tabi." Medyo natatawang sabi ko at binalik ko ang tingin ko sa tinitingnan kong damit. "Ikaw? Asan ang kasama mo?"
"Nasa fitting room." Sagot naman niya at napatango-tango lang ako sa kaniya. Tahimik lang ako sa paglalakad at pagtitingin ng mga damit at hindi ako mapakali sa pakiramdam na nasa likod ko lang si Zeus.
"Okay ka lang ba?" Napalingon ako sa kaniya.
"Ha? Oo naman." Sagot ko sa kaniya.
"Ah may—" Naputol ang sasabihin ni Zeus nang makita ko si Laurence.
"Laureen, andiyan ka lang pala." Bahagya akong napangiti sa kaniya. "Oy, Zeus. Hinahanap ka na ni Hera." Napatango-tango lang si Zeus at saka umalis na. "Tara na."
YOU ARE READING
Until We Meet Again
Teen FictionI always thought there was something romantic about fighting for someone, about winning them back, eventual happiness. But as the time goes by, I have come to the realization, na kung pilit mong ipaglalaban ang taong mahal mo pero hindi naman siya k...