Chapter 13
"Nag-iba ka na. Hindi ka na masayang nakikita mo ako, umiiwas ka na, pakiramdam ko, lumalayo ka na. Pakiramdam ko ayaw mo na sa'kin."
Bumalik na naman sa isip ko ang sinabi ni Zeus sa'kin kahapon. Ano bang point niya? Hindi ba niya naisip na kaya ako nagkaka- ganito eh dahil din sa kanya? Sinaktan nya ako. Nasaktan nya ako. Kaya wala syang karapatang sabihin na nagbago na ako.
Kasalukuyan akong nasa isang bench ngayon nang may narinig akong nag-uusap sa likod ng isang malaking puno na nasa tagiliran ko.
"What if malaman niya? What if makita niya silang dalawa? Hindi na ba kayo naawa sa kanya? Sobrang sakit ang dinanas niya kay Zeus tapos ngayon si Jay naman?"
Bigla akong natigil sa narinig ko. Biglang sumikip ang dibdib ko. Ako ba ang tinutukoy nila? Ako ba ang pinag-uusapan nila?
Mas lumapit ako sa puno, pero nanatili akong naka-upo.
"No! Don't tell her. Please Chrisca, 'wag mong sabihin kay Hailyn ang lahat. 'yon ang bilin ni Jay." If I'm not mistaken, boses yun ni Charles.
"Sabi nya rin na, kung maaari eh parati nyo syang samahan." Boses 'yon ni Von at napapahawak na lang ako sa may parteng puso ko dahil sa bilis ng kabog nito, kinakabahan ako na parang nasasaktan, ewan ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ako, nasasaktan ata talaga ako.
"At yong pinaka huli nyang paalala, don't let her know about this thing. And don't let anyone hurt her." Boses naman iyon ni Angelo. Mapakla akong natawa. Ano daw? Ayaw daw ni Laurence na may manakit sa akin?
"So, you think hindi nya masasaktan si Hailyn kapag nalaman nya 'to? Alam nyo, sabihin nyo d'yan sa pinsan ko, ayusin nya 'tong problemang 'to. Sabihin nya agad, paano kung malaman pa ni Hailyn 'to ng hindi sinasadya?" maririnig mo sa boses ni Chrisca ang pagka- stress nya.
Ano ba kasi 'yon? Bakit kinakabahan ako sa mga pinag-uusapan nila? Bakit parang may mali? Bakit parang gusto kong puntahan sila ngayon at itanong ang lahat sa kanila.
Asan ba kasi si Laurence? Asan na sya? Ilang araw na syang hindi pumapasok eh. Hindi ba sya takot bumagsak? Wala na akong kakwentuhan parati. Gusto ko na syang makita. Gusto ko na makita matatamis nyang ngiti. Gusto ko na syang makitang tumatawa habang naniningkit ang nga mata nya. I really miss Laurence. I miss how he called me her princess. At hindi lilipas ang araw na hindi nya sinasabi na mahal nya ako. Hindi na rin sya nag ti-text sa'kin
"Asan ka na Laurence?" Bulong ko sa sarili ko at pinahid ko na ang mga luha ko.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pumunta na lang sa Music Class, naalala kong may magpa-practice nga pala kami ni Zeus ngayon. Kahit medyo matagal pa naman ang Acquaintance Party, kahit makabisado na lang namin ang lyrics at kung saan papasok ay okay na muna sa ngayon.
Naglalakad lang ako at walang pakealam sa paligid ko. Hindi mawala sa isip ko ang mga narinig ko. Nakatulala lang ako sa kawalan habang patuloy na naglalakad.
What could that be? Ano ang tinatago sa'kin ni Laurence? Ano 'yong hindi ko kailangang malaman na? Kahit pa hindi kami ni Laurence, I think I still have the right to know that. Kasi sinasabi nya sa'kin na mahal nya ako.
"Hey miss, you okay?" Nakarinig ako ng isang pamilyar na boses, pero wala akong panahon para tignan sya. "Hey, you okay? Lagi na lang kitang nakikitang parang wala sa sarili." Muli ay narinig ko ang isang pamilyar na boses na iyon kaya nilingon ko na sya. "Are you okay?" Muli ay tanong ng isang matangkad at payat na lalaki.
"Have we met before?" Imbis na sagutin sya ay tinanong ko sya. Napaka pamilyar ng mukha nya.
"Yes, first day of school at saka dito din mismo. Namumula yong mukha mo no'n, sabi mo okay ka lang at naiinitan ka. And of course you don't remember it." Naningkit ang mata ko at inisip ang pagkakataong iyon.
YOU ARE READING
Until We Meet Again
Teen FictionI always thought there was something romantic about fighting for someone, about winning them back, eventual happiness. But as the time goes by, I have come to the realization, na kung pilit mong ipaglalaban ang taong mahal mo pero hindi naman siya k...