Chapter 11
"Puyat ka sa pag-aaral o puyat ka sa kaiiyak?" Hindi ko namalayan na nakapalibot na pala sa akin ang mga kaibigan ko.
"Hey, what happened? Are you okay?" Punong puno ng pag-alala ang boses ni Eunice.
"I'm not." Tipid kong sagot pero nakatingin pa rin sa kawalan. Nakita ko sa peripheral vision ko na nagtinginan ang mga kaibigan ko.
"We're always here to listen." Sabi naman ni Chrisca na, hinihimas ang likuran ko.
"Remember what I've told you girls about Laurence and about Zeus?" Panimula ko sa kanila at umayos na ako ng upo.
"Yes, you told us na mahal ka ni Jay, while you love Zeus. That's it right?" Sagot naman ni Patricia. Tahimik lang si Hera at Alexis na nakikinig sa usapan namin.
"Yes, at nag-usap kami ni Zeus." Remembering what happened yesterday is so painful. Ayokong umiyak sa harap nila, so I hold back my tears.
"When we first talked, he told me that he doesn't love me and he only like me. Sabi pa nya tandaan ko daw na magkaibang-magkaiba ang pagkagusto sa pagmamahal itatak ko daw sa isip ko yun. I was so hurt. Kasi parang ang tanga tanga ko sa harapan nya." Kahit pigilan ko 'yong luha ko, tumutulo talaga. Kaya niyakap ako ni Eunice.
"Fuck that dimwit." Nagulat naman ako sa sinabi ni Eunice.
"You know girls, what I've told him?" Tumatawang sabi ko habang pinapahid ang luha ko.
"Alam mo, galit na galit ako sa sarili ko. Kasi punyeta! Ikaw ang kauna-unahang lalaking minahal ko! Yan lang 'yong natatandaan ko sa huli, ewan ko ba pero yan lumabas sa bibig ko eh." Nagtawanan kaming lahat.
"Nakapag mura ka pa ha." Natatawang sabi naman ni Hera. At nagtawanan kaming lahat.
"And you know what girls, after that. Naglakad ako ng naglakad, tapos inalala ko lahat ng mga masasayang alaala namin. Sa sobrang lungkot ko, nadamay 'yong panahon at umulan pa. Sa gitna ng ulan, binuhos ko lahat. Isinigaw ko lahat, iniyak ko lahat ng sakit. Hanggang sa dumating sya."
"Si Jay?" Singit naman ni Alexis.
"Dumating si Zeus, at nag-usap ulit kami. He told me na nakapag-usap daw sila ni Laurence. Hindi nyo naman sinabi na childhood friend pala 'yong dalawa. Sabi ni Zeus sa'kin umiyak daw sa harapan nya si Laurence. Sinabi nya kung gaano ako kamahal ni Laurence. Handa syang ipaglaban ako. Pero ang pinakamasakit, Zeus told me that he love me, pero hindi nya ako ipaglalaban, dahil ayaw nyang masira ang pagkakaibigan nila ni Laurence. Sinabi nya sa'kin how much he love me. Ipinaubaya na nya ako kay Laurence, he told me na I should give Laurence a chance." I again cried.
"So, ano na plano mo?" Tanong naman ni Hera. Pinahid ko ang nga luha ko at humingang malalimm
"Mas mabuti kung wala akong piliin. Hindi naman porke't may pamimilian , kailangan ng mamili." Sagot ko naman sa kanila.
"Hindi mo ba talaga mahal si Jay?" Tanong naman ni Chrisca sa akin.
"I don't know." Sagot ko naman. I actually don't know.
"Alam mo Hailyn, kung mahal ka naman talaga nyang si Jay, kahit hindi mo sya bigyan ng chance o kahit di mo sya pansinin, gagawa pa rin 'yon ng paraan para mapansin mo lang sya. Wait until he make way." At kumindat pa sa akin si Chrisca. Pinsan nga pala nito si Jay kaya siguro alam niya.
I took a deep breath. Hindi ko gano'n kakilala si Laurence, pero pakiramdam ko gagawa talaga sya ng paraan mapa-oo lang ako. I don't know lang, kung anong dapat kung gawin. Siguro, I'll just go with the flow. Kung anong mangyari, kung anong mangyayari, haharapin ko.
YOU ARE READING
Until We Meet Again
Teen FictionI always thought there was something romantic about fighting for someone, about winning them back, eventual happiness. But as the time goes by, I have come to the realization, na kung pilit mong ipaglalaban ang taong mahal mo pero hindi naman siya k...