Chapter 12
Mabilis na lumipas ang mga araw. Actually, It's been a month since me and Zeus haven't talk. At sa mga araw na lumipas na 'yon, ay kasama ko si Laurence. He's at my side para ipaalala sa'kin at iparamdam na hindi ako nag-iisa, na kamahal-mahal ako at naramdaman ko na mahal na mahal ako ni Laurence. Mayabang si Laurence, yes, mataas ang tingin sa sarili, napaka-pilyo, puno ng hangin ang katawan, palatawa, palabiro, at parating nasasaway ng mga Teacher. Pero kahit na ganoon ay parang mas nakilala ko siya, parang nahuhulog na rin ng tuluyan ang loob ko sa kaniya. Mahal ko na ata si Laurence. No, mahal ko na nga siya. I love him, yes I do. Pero 'yong pagmamahal ko sa kaniya, may pero pa rin eh. Because whenever Zeus is around, I feel something in my chest that is so painful.
"Zeus!" Biglang nawala ang iniisip ko ng biglang may tumawag sa tabihan ko sa pangalan ni Zeus. Parang nawala bigla sa isipan ko si Laurence kung gaano ko na siya kamahal ngayon. Parang biglang bumalik sa isip ko ang itsura ni Zeus. Parang bumalik sa isip ko yong mga masasayang alaala namin ni Zeus. Parang bumalik sya. At aamin na ako, apektado pa rin ako sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya. Nasasaktan pa rin ako at kumikirot pa rin ang puso ko kahit aminin ko sa sarili ko na mahal ko na si Laurence. Eto na nga ba 'yong sinasabi ko eh. Mahal ko nga si Laurence pero nasasaktan pa rin ako sa tuwing makikita ko si Zeus.
"Zeus, may intermission daw kayo for Acquaintance Party?" Tanong ni Eunice kay Zeus. Nagkunyari naman akong nagce-cellphone, habang nakikinig sa usapan nila.
"Oo. Nga pala may meeting daw tayo, ngayon nakasalubong ko si Ma'am Chona, maghahanap daw siya ng mga mag-iintermission. Pero isa kana do'n syempre, but you'll do the Solo Prod. Hahanap pa si Ma'am ng kakantang isa na ipa-partner sa'kin eh." Sabi naman ni Zeus na ngayon ay nakaupo na sa tabi ni Eunice, kasalukuyan kaming nasa isang bench. Nakatungo pa rin ako habang nagce-cellphone.
"Kelan Ball?" Tanong naman ni Eunice kay Zeus.
"By August daw, matagal pa naman pero malaking party daw ito eh. Kaya kailangang paghandaan." Sagot naman ni Zeus. "Alam mo naman Principal natin, gusto bongga ang lahat." Natatawang sabi ni Zeus. He seems so fine. Baka may babae nang nagpapasaya sa kanya. Ah, meron na nga daw palang laman ang puso niya. Haha. Oo nga pala.
"Tara na kayo, mukhang nagmamadali rin si Ma'am eh." Sabi naman ni Zeus, at tumayo na siya.
"Tara na Hailyn?" Akit naman ni Eunice sa akin kaya napatunghay ako at bahagyang ngumiti pero hindi ko nililingon si Zeus. Inayos ko na ang gamit ko at saka tumayo. Habang naglalakad kaming tatlo nagkukwentuhan sina Eunice at Zeus. Nakikinig lang naman ako sa kanila, nasa gitna namin si Zeus ngayon, habang ako naman ay nakatingin lamang sa daanan.
"Ohz gosh! May nakalikutan ako sa classroom, 'yong list ng mga bayad na sa T-shirt, kailangan na nga pala ni Ma'am 'yon. Mauna na kayo ha?" Hindi naman na ako nakaimik pa dahil dali-dali na umalis si Eunice. What a timing. This is so... Awkward. And I hate this kind of feeling. Para akong natutuyuan ng laway. Tumikhim na lang ako ng mahina habang patuloy pa ring naglalakad. Medyo madahan lang ang paglalakad namin ni Zeus.
"Kamusta na?" Parang may kung anong isang bagay na kumurot sa puso ko. Kamusta lang yan ah, pero iba na agad 'yong nga nararamdaman ko. Nariyan 'yong saya na para bang nasasaktan ako na— ah basta! Ewan, halo-halo.
"Ahh... ahm...okay." Punyeta, bakit nauutal ako? Kinakabahan ako sa ganito ah. Ilang buwan rin naman kasi na hindi kami nakakapag-usap ni Zeus eh.
"Kamusta kayo ni Jay?" Tanong niya ulit, habang patuloy pa rin kaming lumalakad. Napapahawak ako ng mahigpit sa bag ko. Habang pakiramdam ko naman ay nanginginig na ang kamay ko at namamawis na rin ang kamay ko. Pero no'ng tinanong niya ako about kay Laurence ay parang napangiti ako at maging ang puso ko ay ngumiti rin.
YOU ARE READING
Until We Meet Again
Novela JuvenilI always thought there was something romantic about fighting for someone, about winning them back, eventual happiness. But as the time goes by, I have come to the realization, na kung pilit mong ipaglalaban ang taong mahal mo pero hindi naman siya k...