Chapter 16
Naalimpungatan ako nang parang may biglang tumusok sa tiyan ko, masakit 'yon, sobrang sakit kaya medyo nagkakamalay na rin ako. Naririnig ko na ang paligid ko ang ingay ng paligid ko. Pinilit kong iminulat ang mga mata ko. Nakikita kong maraming nakapalibot na tao sa paligid ko at halos lahat sila ay nakatingin sa akin.
"Hailyn." Naririnig ko ang boses ni Eunice.
"Hailyn, gising." Kung hindi ako nagkakamali ay boses iyon ni Patricia.
Pilit nila akong ginigising, muli ay may tumusok na naman sa tiyan ko na naging dahilan para magising ako ng tuluyan.
"Hailyn?" Mas nagising ako nang marinig ko ang boses na 'yon? Hala shit, why is he here?
"AAnong n-nangyari?" Tanong ko sa kanila habang utay utay na bumabangon at inalalayan naman ako ng mga kaibigan ko na bumangon.
"Bakit nandito ka?" Tanong ko sa lalaking nasa tabihan ko at halos mamilog naman ang mata ko sa gulat kasi ang alam ko mga kaibigan ko lang naman ang kasama ko kanina eh. Hindi naman siya sumagot at bahagya lang siyang natawa. Napahawak ako sa ulo ko at inalala ang mga nangyari kanina...
~
"Ba't kasi kayo nagsigawan?" Mahinahong tanong ni Charles.
"Ewan ko ba sa inyo, nag-uusap lang naman kami ni Hailyn." Sabi naman ni Zeus.
"Nag-uusap nang pasigaw?" Katwiran naman ni Chrisca, pabalik-balik lang ang tingin namin sa kanila and pakiramdam ko nahihilo ako. I mean, not because pabalik-balik ang tingin namin sa kanila, pero nahihilo ako na parang nandidilim ang paningin ko.
"Kung hinayaan niyo kaming mag sigawan, eh di sana 'di na ayo nadamay pa." Muli ay narinig kong sabi ni Zeus, napatungo muna ako saglit at mariing pinikit ang mga mata ko kasi medyo nanlalabo na ang paningin, hindi ko naman pinahalata 'yon sa kanila.
"Bakit kasi kailangan niyo pang mag-sigawan? Pwede namang mag-usap na lang nang maayos." Katwiran naman ni Eunice.
"Oo nga may pag sigaw pa." Banat naman ni Angelo.
"Alam niyo, kami lang ni Hailyn nag-uusap kanina tapos nag-sigawan na kayo." Sabi ulit ni Zeus.
"Tama na! Wag na tayo magsisihan!" Napataas na ang boses ko. Nakakarindi na kasi ang pagsisisihan nila at parang pakiramdam ko ay napaka-init ng paligid. Napahawak ako sa ulo ko dahil hindi ko na kaya ang sobrang sakit at nagdidilim na rin ang paligid ko. "Nahihilo ako." Sabi ko, nakakaramdam na talaga ako ng hilo..Parang babagsak na ako. Napahawak ako sa braso ni Eunice. At naririnig ko na ang mga pagaalala nilang lahat habang nakawak na sa akin. May mga naririnit at nakikita pa naman ako pero malabo na talaga.
"Hailyn! Hailyn!" Boses ni Zeus ang huling napakinggan ko at ang lahat nga ay dumilim na.
~
"Nawalan ka nang malay, tapos bigla na lang sumulot itong si ahm— Ano nga ulit pangalan mo?" Tanong ni Chrisca sa lalaking nasa gilid ko.
"Tristan." Sagot naman ni Tristan sa kanila at napatango-tango ang mga ito at parang nagulat naman ang girls at nagtinginan.
"Hindi namin sya kilala pero tinulungan niya kaming makarating agad dito, sa clinic." Sabi naman ni Charles.
"Excuse me, how are you feeling Ms. Ramos?" Tanong ng Doctor ng clinic ng Main.
"Ahh, medyo masakit pa rin po ang ulo ko, saka po 'yong tiyan ko." Napatango-tango ang Doctor sa akin.
"May kaso na ba ang family niyo sa Heart? I mean, may nabalitaan ka na ba na one of your family nagkaroon ng sakit sa puso?" Nagulat ako sa tanong ng Doctor, teka... Bakit napunta sa puso eh, nahimatay lang naman ako? At saka kakagaling ko lang naman sa lagnat kaya siguro hindi pa rin kinayanan ng katawan ko.
YOU ARE READING
Until We Meet Again
Novela JuvenilI always thought there was something romantic about fighting for someone, about winning them back, eventual happiness. But as the time goes by, I have come to the realization, na kung pilit mong ipaglalaban ang taong mahal mo pero hindi naman siya k...