Kinabukasan ay maaga pa rin ako nagising dahil maagap pa rin ang klase namin ngayon. Kasalukuyan ako ngayong nada dining table habang iniintay ang paghahanda ni Ate ng pagkain.
"Kamusta yang paa mo? Ayos na ba?" pagtatanong sakin ni Ate habang nag-hahanda ng aming pagkain.
"Medyo kumupis na. Pero hirap pa rin ako ilakad. Baka bukas kere na 'to." Sabi ko naman habang nag-hahanda na rin kumain.
"Sige, bukas ayos na yan. Kain na muna tayo at baka malate pa tayo."
Kumain na kami ng Ate ko, at pagkatapos ay nagpahatid na kami agad kay Kuya Ford sa school. Habang nasa byahe ay bakatingin lamang ako sa labas ng bintana habang iniisip kung ano ang nga porisibleng mangyari ngayong araw. Sana hindi ako mabwesit. Ayaw na ayaw ko na nabu-bwesit ako kasi tumataray talaga ako eh.Mayamaya ay nakarating na kami sa School, malapit lang naman kasi ang school, at saka maalwan ang kalsada kaya hindi kami natagalan. Actually, pwede nga 'tong lakarin eh, delikado lang. Mula dito sa loob ng sasakyan ay natanaw ko kaagad ang isang matangkad na lalake sa may gate. Hay naku.
"Zeus? Bat di ka pa pumapasok?" Takhang tanong ko dahil malapit na mag-time eh nasa labas pa siya. Wag mo sabihing—
"Sasabayan na kita, alam ko kaseng hindi ka pa rin makakalakad ng maayos." Sinasabi ko na nga ba, iba talaga to si Zeus, grabe na ah. Kinikilig ako sa mga paganito niya. Pinigilan ko ang mapangiti at pinigilan ko ang sarili ko na kiligin. Lord, bakit parang ang bilis naman po nito?
"Hala, di na kailangan andyan naman si Ate eh." Pag-tanggi ko kahit labag sa loob ko kasi sino bang makakatanggi dito sa gwapong lalaking nasa harapan ko.
"Hailyn? Mag-sisimula na daw ang klase namin. Kailangan ko na mauna, kaya mo ba?" Sa main campus pa kasi ang Classroom nina Ate, malayo dito sa Senior High School Building, since college na nga siya."Ako na po ang bahala kay Hailyn." Pagpiprisinta naman ni Zeus. Napatingin si Ate may Zeus at parang sinipat muna ito. Umaliwalas ang mukha niya ng siguro ay maalala niya na si Zeus rin ang nagtulong sa akin kahapon na alalayan ako papuntang kotse.
"Ah sige, pakiingatan ang kapatid ko ah?" Tumango si Zeus at saka ngumiti sa Ate ko. Napailing-iling na lang ako."Tara na?" Tinitigan ko lang ang mala kabuteng lalake na ito na biglang susulpot sa tabi ko.
Hindi na lang ako umimik at naglakad na lang kami ni Zeus. Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa Classroom. Maingay ang buong paligid at ang pinakamaingay ay ang mga lalake. And I think it's Zeus' friends.
"Oy! May paparating." Sabi ng isang lalake na— hala, walang siyang isang mata? Yes, tama nga. Wala nga ang right eyeball nya, ano kayang dahilan?
"At? Naka akbay pa." Sabi naman ng isang medyo malapad ang noo na lalake, hindi kagwapohan pero parang ang angas niyang tingnan.
And I saw a man, na sobrang gwapo , maputi at tahimik. Tss. Sayang ang gwapo pa naman, mukha lang masungit.
"Anong nangyare sayo Laureen?" Kitang-kita ko ang bakas ng pag-alala sa mukha ni Laurence. Napatitig ako sa mukha niya at hindi muna ako nakasagot hanggang sa narealize ko na kanina pa pala siya nag-aantay ng sagot ko at nakatitig lang ako sa kanya. Those eyes, nose, and lips. Shit.
"Ah, kase a-ano, naaksidente kami somewhere, pero, di naman 'to—"
"Okay ka lang? Wala bang ibang masakit sayo? Wala ka bang sugat?" Pag-alalang tanong ni Laurence. Wow ah?
"Okay lang siya, nakikita mo naman diba? Nagka-sprain lang sya." Sabad naman ni Zeus. Hayss!
"Okay lang ako, okay?" Pagtataray ko sa kanya. At napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya dahil nakatitig lang ito sa akin.
"Halika, alalayan na kita." Hindi na ako naka-angal dahil kinuha na niya ako kay Zeus.
Tsk. Hinayaan lang ako ng Zeus na yun. Kainis.
"S-salamat ah? Napaka OA nyo ni Zeus 'no? Gusto nyo ako 'no? Tsk. Wala kayong mapapala saken,tantanan nyo ako." Pagpapranka ko na kay Laurence, at nakita ko na nakasunod pala si Zeus at narinig din nya. Walang sumagot sa kanila, pero ganun pa rin ang reaksyon ng mukha nila. Si Zeus na medyo mukhang naiinis ang mukha at si Laurence naman na puro pag-aalala ang mukha.
YOU ARE READING
Until We Meet Again
Teen FictionI always thought there was something romantic about fighting for someone, about winning them back, eventual happiness. But as the time goes by, I have come to the realization, na kung pilit mong ipaglalaban ang taong mahal mo pero hindi naman siya k...