Chapter 9

52 2 0
                                    

Chapter 9

Pumunta akong Music Room nang nakasimangot at halata sa mukha ang inis at pagka-badtrip ko. Naiisip ko pa rin ang mga sinabi sa'kin ni Von. Ang kapal niyang mag jump into conclusion! Sino siya para sabihan niya ako nang gano'n? Siguro gano'n talaga ang mga tahimik, mahilig mag obserba! Pero sana naman, tama.

"Okay ka lang?" Nagulat ako sa lalaking nasa tabihan ko ngayon. Naglalakad ako papuntang music room, at hindi ko na namalayang may kasabay na pala ako maglakad.

"Huh? Ah. Oo okay lang ako." Sagot ko naman na hindi sya nililingon. I don't even know him.

"You sure you're okay? Namumula ka na kasi oh." Muli ay sambit nya. Namumula na pala ako? Argh. Sa inis na siguro.

"Naiinitan lang ako. Ahh sige dito na ako ha?" At dali-dali na akong umalis. Sino ba yong lalaki na yun? In fairness ha ang pogi nya, ang tangkad tapos medyo payat nga lang, at mabango.

Pagpasok na pagpasok ko sa Music Room, nakita ko agad si Zeus at para bang napawi lahat ng inis sa katawan ko. Ang gwapo eh.

"Hail! Dito ka sa tabi!" Tawag nya saken. Oh di ba sinong hindi kikiligin sa lalaking 'to. Ngumiti pa nang pagkatamis. Yong panty ko mahuhulog na! Natawa ako sa iniisip ko. Umupo ako sa tabihan nya at saka ngumiti sa kanya. Hindi naman napapawi ang kanyang matatamis na ngiti.

"Uuwi ako ng maaga ngayon ha? Dumating kasi 'yong best friend ng Mommy ko from states. Kaya may dinner kami sa kanila. Okay lang ba, 'di muna kita maihahatid?" Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"Oo naman Zeus , okay lang. Enjoy ka ha." Sagot ko naman sa kanya. Ngumiti na naman sya ng pagkatamis at hindi ko na kinaya kaya tumingin na ako sa unahan. Oh di ba ang bilis mawala ng inis ko dahil kay Zeus.

"Eunice! Dito ka sa tabi ko!" Dumating naman si Eunice at hinihingal pa.

"God, I thought I was late." Hingal pang sabi nito.

"Late ka na nga, buti late din si Ma'am." Sabi naman ni Zeus.

"'Yong mga group mates ko kase ang bobobo. Hindi makuha-kuha pag-explain ko." Naiinis pang sabi ni Eunice. Natawa naman ako dahil gano'n din ako kanina.

"Naku kanina, ang tatanga din no'ng mga group mates ko, 'di rin ako makuha-kuha." Natatawang sabi ko naman.

"God, ang simple lang no'ng ine-explain ko." Sabi pa ulit ni Eunice. Natawa na lang ako at mayamaya ay dumating na si Ma'am Chona.

"Good Morning." Bati nya sa amin habang nakangiti.

"Good Morning Ma'am." Bati naman ng lahat.

"So, let's start our meeting I'm sorry, I'm a bit late. So what's our agenda for today, Madam President?" Ma'am is pertaining to Eunice. She's our president.

"I have three agendas here, first is our T-shirt, so 'yong T-shirt isusuot nyo every time na papasok kayo in this Room. Since two days in a week ang Music Class natin, dalawa ang magiging Class T-shirt. Okay ba kayo do'n?" Sang-ayon naman ang lahat. "Yong kulay is Maroon and Mustard. Yong kulay Maroon is for Tuesday at 'yong Mustard ay pang Friday natin. Okay ba ulit?" Nagtanguan na lang ang lahat. "Okay so next is our schedule, nabago 'yong oras ng pasok natin. On Tuesday, 5:30 - 6:30 , medyo gagabihin na tayo kasi may gagamit pa nitong room kaya tayo yong mag-aadjust. On Friday naman, same sched 7:00-7:30." Madami ang nagreact sa oras ng aming klase, kesyo marami pa daw silang gagawin at malayo ang kanilang dorm. Pero sa huli pumayag narin naman sila. No choice sila mga bes. "So far, 'yon pa lang muna. Hindi pa kami sure ni Ma'am sa ibang Angenda dito, kapag naisingit na lang sa schedule natin, kasi busy na rin naman tayo. Kaya, 'yon na lang muna." Napatango-tango namam kami. Ano kaya 'yon?

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now