Chapter 6

57 3 0
                                    


Chapter 6

Habang kumakain kami ay sige lang ang kwentohan namin. Ayos rin pala kapag hindi ako nagpapaapekto sa mga pinaparamdam sa akin ni Zeus at Laurence, biruin niyong nakatagal ako ditong kasama silang dalawa na hindi man lang ako mapakali. Like, ang normal lang, walang kabog sa dibdib, walang kaba kaba, just normal.

"Salamat sa libre mo Hailyn, nabusog kami." Pagkasaning-pagkasabi ni Jim ay dumighay pa ito ng malakas. "Excuse me."

"Buti naman at nabusog kayo 'no? Kasi hindi na 'to mauulit." Nagtawanan sila at napairap lang naman ako sa hangin. "Muntik na maubos baon ko eh, buti na lang talaga dinala ko wallet ko. Pasalamat kayo at—" naputol ang sasabihin ko ng sumabad si Zeus.

"Gwapo kami 'di ba? Oo alam namin yun. Buti na lang talaga at gwapo kami." Mayabang na sabi ni Charles. Hay naku, mga puno talaga sila ng hangin sa katawan. Wala ng bago.

"So, tapos na tayo kumain. May iku-kwento ka daw sa'min Jay?" Tanong ni Zeus kay Laurence. Tumingin pa nga ito sa akin at saka ngumiti, lumabas pa ang dimple. Hay naku, tupig po mahihimatay ata ako.

"Yeah, what is is?" Malamig ang tono ng boses ni Von. As usual. Wala pa ring bago.

Humingang malalim si Laurenxe at kinwento niya ang mga nangyari kanina at talagang sinama niya pa yong pagdating ko at kahit yong advice ko sa kaniya.

"Buti na lang pala nadun si Hailyn 'no? Baka mangyari na naman yong nangyari sa'yo one year ago, when Angelica left you. Tol, bakit naiiwan ka ba parati?" Tanong naman ni Angelo at napakunot-noo naman ako ng marinig ko ang sinabi niya. Ano daw? Ano kaya yun?

Because I'm a little bit curious I asked, "Wait, what happened one year ago?" They're all serious here. We're all serious here. Kaya talagang, medyo kinakabahan ako.

"Kasi ano, nu'ng iniwan siya ni Angelica, he cried all day. He even try to kill himself." Napasinghap ako. Oh, my God. Ganoon ba talaga itong magmahal si Laurence at naiisip pang patayin ang sarili? D'yos, sobrang bata pa naman nito para sa ganoon. Sobra sobra naman ata yong ganoong pagmamahal.
"At alam mo ba kung ano ang gagamitin sana niyang panaksak sa sarili niya?" Napalingon ulit ako kay Charles.

I don't know if he's still serious but I'm curious so I asked, "Ano?" 

"Ballpen!" At saka humagalpak sila ng tawa, as in silang lahat talaga. Kahit si Von na tahimik, talagang napatawa rin. Syempre maliban sa akin na nawala na ang ngiti at excitement sa katawan. Alam niyo yun, yong seryoso ka tapos biglang pinagti-tripan ka lang pala. Ayun, nakakawaang gana.

"Seryoso ako dito eh, tapps yun lang pala?" Natawa na naman sila at napahinga akong malalim saka humarap kay Laurence. "Next time Laurence, don't try to kill yourself kung ballpen lang din naman, mas mabisa kung knife. That's an advice." Nagtawanan na naman sila at pati si Laurence natawa na rin naman.

"Oo nga Tol, ang gandang ideya nun Hailyn." Aba at sumang-ayon pa talaga itong si Jim sa akin ah.

"Gago ka talaga!" Binatukan ni Zeus si Jim. Kaya nagtawanan na naman kami.

"No, I'm just kidding Laurence. Huwag mong kitilin ang buhay mo just because sinaktan ka lang ng mahal mo. Isipin mo, paano na lang yong mga taong maiiwan mo dito sa mundo?" Napatango-tango sila sa akin at tinapik-tapik ko naman ang balikat ni Laurence. "Hindi sagot yan diyan, sa tingin mo ba babalik siya kapag nagpakamatay ka? 'di ba hindi rin naman?"

"Oo nga naman, kapag ayaw niya sa'yo, eh di sa iba ka na lang." Dagdag naman ni Johnre na patawa-tawa lang sa gilid.

"Hoy, tama na nga yang mga babae na yan. Alam niyo, masaya maging single, huwag na muna kayo mag-jowa." Napatango-tango naman sila sa akin. Napatingin ako sa relo ko. Oh, shit! "Oy! Alis na ako, may music class pa pala kami! Baka ma-late ako. Wala ba kayong klase?" Tumayo na ako at ginayak na ang mga gamit ko.

Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now