SHAWN POV
"Ayaw mo bang tumuloy muna sa loob nang mansion?" Alok ko sa boyfriend kong si Wilson nang makababa na ako sinakyan kong motorsiklo,inangkas nya ako. Hinatid kasi ako nito galing sa isang public school kung saan ako nagtuturo nang elementarya class adviser ako nang grade 3 students section 1. Sakay ang kanyang motorsiklo matyaga nya akong hinahatid sundo sa aking trabaho halos araw araw kahit pa may ginagawa ito gumagawa lagi nang paraan masiguro lang nitong safe ako palagi.. May sarili kasi itong talyer malapit sa bayan na minana nya sa kanyang ama makaraang pumanaw tatlong taon na ang nakalipas.
"Next time na lang ang sungit ng lola mo eh!" Kakamot kamot naman nang batok nitong turan. Napatawa na lang ako nang mahina. Parang hindi naman sya nasanay sa lola ko ganun na talaga yun magsalita dati pa akala mo masungit pranka lang kasi ito mga bata palang kami. Magka babata kasi kami nitong si Wilson at sabay kaming lumaki dito sa Sagada. Nasubay bayan namin ang paglaki nang bawat isa,nagdalaga at nagbinata hanggang sa nahulog na rin ang loob namin. Kami na marahil ang naka tadhana na magkasama habang buhay. Sabagay ako,hindi ko nakikita ang sarili ko sa iba,kundi kay Wilson lang.
"Di ka na nasanay kay lola ganun talaga yun." Sabi ko naman habang ikinawit ko ang mga braso ko sa batok nito. Mahal na mahal ko itong lalaking to' sigur hindi ko kakayanin kapag mawala sya sa akin. Parang istorya nang buhay ni don Faustino at senyora Marylou. Alam naman ni lola ang tungkol sa aming dalawa hindi naman ito tumutol at sobrang tagal na nga nang relasyon namin. Gusto na nga rin naming magpa kasal nasa namang edad na nga kami kaso ayaw pa ng lola ko,huwag daw kaming padalos dalos nang desisyon lalo na kapag kasal ang pinag uusapan.
"Sa sabado nalang dadalaw ako rito." Wika naman nito at napatango tango na lang ako bilang pag payag sa sinabi nito. Hinalikan nya ako sa pisngi at noo bago ito tuluyang umalis. Pinagmasdan ko muna hanggang tuluyang mawala sa aking paningin ang motorsiklo bago ako nagpasyang pumasok sa loob ng mansyon.
Sosyal no! Sa isang mansyon kami nakatira. Si lola ko kasi ang mayordoma dito sa mansyon hanggang pumanaw na ang mag asawa ilang taon na ang nalalipas. Naunang namatay si don Faustino dahil sa malubhang karamdaman, makalipas and dalawang taon sumunod na rin ang asawa nitong si senyora Marylou mukhang hindi yata nakayanan ang pagka wala nang kanyang asawa. Na depressed kumbaga. Ang nag iisa naman nilang anak na lalaki mula nang nag asawa ay sa ibang bansa na sila nanirahan ni wala na akong balita. Si lola ko siguro merong alam dahil sya na ang namamalakad dito sa mansyon.
Bata pa lang ang lola ko nang nag simula itong nag trabaho dito sa hirap na rin nang buhay hanggang sa nagdalaga, nagka gusto daw sya noon sa isang dayo nagkaroon nang pagkaka unawaan hanggang sa nagbunga. Sa kasamaang palad noong sinabi daw nang aking lolo na lilisanin niya ang lugar na ito at gustong isama ang lola ko hindi daw sya pumayag kaya hindi pa man pinapanganak ang aking Ina nang umalis ng walang paalam ang aking lolo. Ang nanay ko naman nabuntis noong nag aral ito nang kolehiyo sa syudad at tinakbuhan din sya nang tatay ko. Nang pinanganak nya ako basta na lang daw nya ako iniwan kay lola at mula noon hindi na nagpakita. Hanggang ngayon wala na kaming naging balita sa kanya. Kaya kami na lang ni lola ang pamilya at nangako ako sa sarili ko na kahit anong mangyari hinding hindi ko sya iiwan. Hindi ako tutulad sa lolo ko at sa nanay ko.
Tumuloy na ako sa loob nang napaka laking bahay. Lahat naman kaming narito ay mga tauhan lang kaya kapag wala akong pasok sa eskwelahan tumutulong din ako sa gawain dito sa mansyon hanggang sa farm.. Umakyat na ako sa hagdanan isa sa mga kuwarto sa itaas ang kuwarto ko,mukhang abala na naman ang lola ko na mag utos sa mga tao dito. Nagmadali na akong nag bihis nang pambahay para maka tulong din ako sa ibang mga gawain,mamayang gabi na lang akong gagawa nang lesson plan para bukas.
Bumaba muli ako nang hagdanan pagka tapos,sakto namang andun ang lola ko mukhang haggard na sa kaka utos. Nagtaka tuloy ako sa kinikilos ngayon nang lola ko.
"La may problema po ba?" Tanong ko rito. Bata pa lang ang lola ko ay nag trabaho na daw sya dito sa mansyon na ito dahil sa hirap nang buhay ni hindi na sya naka pag aral.
"Darating bukas ang kaisa isang apo nang mga Perugino at matagal syang mananatili dito." Kampante namang tugon nang lola ko. Bakit sobrang natataranta sya ngayon? "Natatandaan mo pa ba yung kalaro mo lagi noong bata ka pa?" Tanong pa nito. Bukod kay Wilson natatandaan kong may kababata pa kami at lagi naming kalaro noon na babae. Talaga uuwi sya rito? Masaya na sana kaya lang ilang taon bago niya naisipang umuwi dito. 16 years? Hanep din ah.
"Ah oo Lola natatandaan ko po si Lulu." Tugon ko naman kay Lola natatandaan ko parin ang pangalan niya. Ano naman kanyang pumasok sa isip nya at naisipan nyang umuwi rito,kahit nga noong namatay yung dalawang matanda. Ni anino nya dati hindi nagpakita. "La kasama ba ang mga magulang nya?"
"Hindi,kasi nung tumawag sa akin si Florence yung anak lang daw nya ang pupunta dito at mananatili daw ng matagal hanggat hindi magtitino?" Tugon naman ni lola at nagtataka din sa huli nitong sinabi. "Ano kanyang nangyari sa batang itong at kailangang patinuin?" Tanong pa nito sa sarili. "Sobrang bait naman nun nung maliit." Dagdag pa nya. Napa hugot naman ako nang malalim na paghinga.
Ang tao naman nagbabago kapag lumalaki na at depende din sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kaya lang kung dito naisipan nang magulang ni Lulu na lugar magtitino naman kaya yun? Bahala na,basta ako magtatrabaho,lahat ng sinasahod ko sa pagtuturo iniipon ko lahat sa banko para balang araw biglang maisipan mang mga may ari rito na palayasin na kami. Titiyakin kong hindi kami pupulutin sa kangkungan.. Alam ko naman na hindi kami pang habang buhay manatili dito nang lola ko at ayoko din na manatili paring mag trabaho si Lola tumatanda na rin sya.
"O sya bahala ka nang tumulong sa ibang gawain at ipapaayos ko pa ang magiging silid ni Lou." Turan nang Lola ko bago tuluyang humakbang palayo sa kinaroroonan ko.
____ Shawntel Cruz as Shawn Lee Dayao..
BINABASA MO ANG
"BORN TO LOVE YOU" (GXG)
Romancegirl to girl short story. Ito ay isang kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon.. LOU YANONG at SHAWNTEL CRUZ ang napili ko po na main characters dito. Gustong gusto ko kasi sila. *****Do not steal my stories..... Plagiarism is a crime****