SHAWN POV
"Bakit mo naman pinaalis yung tao.." Buntong hininga na turan ni Lou pagka alis ni Ivy.. Ano yun mas gusto pa nyang kasama ang babaeng kesa sa akin! Ako kaya ang asawa nya. Malaman laman ko lang na nilalandi ng higad na yun tong asawa ko. Humanda sya sa akin...
''Bakit naalala na mo ba sya?" Malumanay ko paring tanong kahit sa totoo lang gusto nang lumabas yung katarayan ko nanggigigil ako sa babaeng higad na yun. Lumapit parin ako sa kanya at umupo sa kinauupuan ni Ivy kanina..
"Hindi... Hindi pa! Pero magaan ang loob ko nung kausap ko sya.." Tugon nya na lihim kong kina singhap. Ang dami gustong sabihin,itanong sa kanya kaya lang naalala ko yung sabi ni Lola na hindi sya pwedeng pwersahin.. "Masaya syang kausap!" Dagdag pa nyang sabi..
"Kumain ka na ba?" Pag iiba ko naman sa usapan. Hindi ako interesado na pag usapan ang babaeng higad na yun.
"Yeah,kumain na kami ni Ivy kanina.." Ouch..Buti pa si Ivy gusto nyang kasabay. Namumuro na talaga yung babaeng yun sa akin. Balik topic lang naman pala kami Malapit na talaga akong mainis pinipigil ko lang.
"Ano namang napag kwentuhan ninyong dalawa?" Tanong ko nalang. Mas okay na yung kinakausap nya ako kesa naman deadmahin lang nya ako. Narinig ko naman ang pag hugot nito ng malalim na paghinga..
"Sabi nya na.. nagtatrabaho daw ang pamilya nila sa farm na pag mamay ari ng grandparents ko kaya doon kami nagkakilala at inalok ko daw syang maging modelo dahil yun ang trabaho ko.." Pag kukwento naman nito pero hindi naman naka tingin sa akin..
"Eih ikaw maari mo din ba akong kwentuhan?" Tsaka ito nag baling ng tingin sa akin.. "Bukod sa sinabi niyo na magka babata tayo at asawa kita!" Alanganing pa sya sa huli nyang sinabi.Sabihin ko bang mahal mahal nya ako at walang sawa syang iparamdam iyon!. Kahit lagi ko syang sinasaktan. Ako naman ang napa hugot ng malalim na paghinga bago ako nag salita.
"I'm sorry hindi ako naging mabuting asawa sayo.."Buntong hininga kong sabi. Actually hindi pa kasi ako nakaka move on that time sa pagka matay ni Wilson-"
"You mean I forced you to marry me!" Napangisi nitong putol sa sinasabi ko.
"Hindi naman sa ganun kaya lang....." Paano ko ba ito ipapaliwanag sa kanya.
"So! Hindi ba masaya ang pagsasama natin... fuck.. Bakit hindi nalang tayo mag hiwalay kong ganun!"
"Hindi..." Kontra ko kaagad sa sinabi nito. "Mahal mo ako Lou mahal mo kami ni baby cheska,wala kang ibang ginawa kundi mahalin kami ng anak ko.. Ako lang itong nag matigas.. Dahil hindi ko pa tanggap na sa babae ako nagpa kasal.." Pranka ko nang turan. Mas mainam na sabihin ko ang totoo kesa nagsinungaling ako tapos bigla bumalik yung alaala nya.
Nakita ko ang pag tagis ng bagang nito.."In short hindi mo ako mahal ganun ba! Bakit ka pa andito,bakit mo ko inaalagaan at binabantayan dapat wala ka nang paki alam sa akin-"
"Lou... Mahirap ipaliwanag! Kaya gusto kong habang hindi pa bumabalik yung alaala mo hayaan mong alagaan kita at iparamdam ko sayo na mahalaga ko sa akin." Turan ko at napa ngiti ng mapait sabay pag bagsak ng masaganang luha sa aking mga mata. "Hayaan mo nalang sana ako!" Bigla naman itong nag baling ng tingin sa ibang direksyon.. Biglang naputol ang pag uusap namin ng biglang dumating ang parents nito.. Mabilis akong pasimpleng nagpunas ng luha.. Tumayo na ako sa kinauupuan ko para si mommy Veron naman ang umupo doon para kamustahin ang kalagayan ng anak.
"Mom.. hanggang kailan ba ako dito sa hospital?" Tanong nito sa mommy nya..
"Hanggang tuluyang gumaling ang mga galos mo anak.." Malumanay naman nitong tugon. Nagpasya muna akong lumabas ng kuwarto ni Lou para mapag usap ng maayos ang mag ina.
Maglibot libot muna ako sa garden sa labas ng hospital. Magmuni muni,inalala ang mga masasayang pagsasama namin ni Lou kahit na hindi ko na appreciate ang mga bagay na yun. Yun nangyari kay Lou siguro way na rin yun para magising ako sa katotohanan na mahal ko sya.. Na mas mahal ko pa sya kesa kay Wilson,natakot kasi ako sa nararamdaman ko noon. Sarili ko mismo hindi ko tanggap. Pero ngayon gagawin ko ang lahat ayoko na ulit mawalan ng mahal sa buhay..
Lumipas ang mga araw at unti unti nang naka recover si Lou. May mangilan ngilan na ring bumabalik sa kanyang alaala. Masaya kami dahil nakilala na nito ang magulang nya sana kami din maalala na rin nya. Ang lagi nitong binabanggit yung tumakas ito nang Milan at umuwi ng pilipinas namuhay sya mag isa hanggang nakilala sya ng manager nya ngayon at naging isang sikat na modelo. Yun ang unang nagbalik sa kanyang memorya.
Sabi naman ng Doctor nya kadalasan daw na unang bumabalik sa alaala nito ay yung magagandang nangyari sa buhay niya.. Yung pagiging modelo nya. At yung tungkol sa pag punta nya sa mansyon yun ang nabura sa alaala nito dahil nga masama daw yung loob nya noon bakit sya pinadala ng parents nya. Habang buhay na kaya kaming hindi maalala..
Bukas lalabas na ito ng hospital makalipas ang halos tatlong linggo.. Kailangan narin umalis muli ang parents nito dahil maraming trabaho na naiwan.
"Baka hindi ka na namin maihatid pauwi anak. Kailangan na din naming bumalik ng Milan ng Dad mo.." Wika ni Mommy Sonia habang nag aayos na kami ng mga gamit..
"It's okay Mom. Kaya ko naman pong umuwing mag isa!" Tugon naman nito na kina baling ko ng tingin sa kanya at si mommy Veron naman ay napa tingin sa akin.
"Anong mag isa.. syempre kasama mong uuwi sa bahay ninyo ang mag ina mo.'' Turan nito.. nauna na kasing bumalik ng mansyon sila Lola. Kami nalang at yung drive ang naiwan.
"What? You mean sa bahay nila lolo!Mom diba nga ayoko doon ayokong mag aral." Kontra ni Lou. At halata sa itsura nito na ayaw nya talaga.
"Pero anak, gusto gusto mo na doon at nag aaral ka na nga para sa future nang anak ninyo ni Shawn.."
Naningkit naman ang mga mata ni Lou na nagbaling nang tingin sa akin..Sabay iling.
"Uuwi ako sa apartment ko.. Kaya ko ang sarili ko doon.. Ayoko doon sa-
"Ahm- please sumama ka muna sa amin.. Hanggang hindi ka pa lubusang gumagaling.. Para may mag asikaso sayo." Putol ko sa sinasabi nya.."Kapag talaga magaling kana hahayaan naman kita sa gusto mo." Kahit masakit para sa akin ang huli kong sinabi yun lang kasi ang naisip kong paraan para bumawi kay Lou. Maipaparamdam ko sa kanya kung gaano ko sya kamahal.
"Sige na anak. tama si Shawn." Sang ayon naman ni mommy Veron. Nakita ko naman ang pagka dismaya sa mukha ni Lou.
"Okay fine..." Napipilitan nitong sabi..
BINABASA MO ANG
"BORN TO LOVE YOU" (GXG)
Romancegirl to girl short story. Ito ay isang kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon.. LOU YANONG at SHAWNTEL CRUZ ang napili ko po na main characters dito. Gustong gusto ko kasi sila. *****Do not steal my stories..... Plagiarism is a crime****