Chapter 8

2.1K 71 0
                                    

SHAWN POV



                    "Huwag mo na ulit gagawin yun.." Seryosong turan ko nang nasa sasakyan na kami ni Lou at patungo na kami sa direksyon nang talon. Matatayog na kakahuyan ang dinaranan namin  habang  ang tinatahak naming daan ay halatang hindi palaging dinaranan.  Or hindi talaga dinadaanan ng sasakyan. Madamo damo.









              "Sorry naman daw! Ang ganda kasi ng mga labi. Nakaka akit." Turan lang nito habang naka tutok ang paningin nito sa daan.. "Ikaw nga dyan naakit sa abs ko eh!"







           "Excuse me!!!" Depensa ko naman sa sarili ko. Ang kapal talaga ng pag mumukha nya! "Basta huwag mo na ulit yun gagawin-"






            "Depende..." Katwiran parin nito..





             "Lou...." Nanggigigil kong banggit sa pangalan nito.. "Pwede ba minsan maging matino ka namang kausap!"





             "Matino naman ako ah! Nagsasabi lang naman kasi ako nang totoo. At sino ba kasi nagsabi sayo na titigan mo ako habang natutulog..." Hindi talaga ako mananalo sa isang to' lakas ng saltik.. Napa hugot na lang ako nang malalim na paghinga. Hanggang sa marating na namin ang dead end.. konteng lakad nalang mula dito sa kinaroroonan ng talon.. Wala na akong kibong bumaba ng sasakyan at kinuha ang ibang dala namin sa may backseat.. Binitbit ko yung kaya kung dalhin at tinahak na ang makitid na daan.






              "Shawn.. wait!!" Pigil naman nung isa sa akin dahilan para huminto ako sa paghakbang. Hintayin ko na nga baka maligaw pa.. may kubo naman malapit sa talon sadyang pinagawa iyon  kaya lang private property ito ng mga Perugino kaya hindi basta basta pwedeng maligo ang mga nakatira malapit dito..




                 Naglakad na ito palapit sa akin, ba yan nakaka distract talaga yung abs nya. Kaya muli na akong humakbang bago pa man sya tuluyang naka lapit..  Konteng hakbang lang ay naririnig ko na ang lagaslas ng tubig na bumabagsak sa talon.
Narinig ko naman itong nagsasalita habang manghang mangha sa lugar  hanggang sa marating namin ang kubo sa harapan mismo ng talon.





          "This is wow!! Ang ganda naman pala dito.. kahit araw arawin kong pumunta dito.." Wika nito habang naka pamewang na naka harap sa gawi ng falls..





         "Teka anong ginagawa mo?" Turan ko nang magsimula na nitong hubarin ang suot nitong short.. At nag iwas ako nang tingin. Narinig ko naman itong napa tawa nang mahina. Tuluyan na nitong na hubad ang suot nyang maong short hindi ko naman maiwasang mapa baling nang tingin sa katawan nito. Ano naman kasi ngayon pareho naman kaming babae. Hindi lang kasi ako sanay na nakaka kita ng halos expose ng katawan sa buong buhay ko..






             Hinubad din pala nito ang kanyang sports bra at naka two piece na lang sya.. Buti nga naman at hindi namin sinama si Wilson dito baka lumuwa na din ang mga mata.. Mukhang sanay sanay na itong ipakita ang kanyang katawan..






           "Halika na swimming na tayo!" Aya nito.. no way panindigan kong hindi talaga maliligo.  Sinamahan ko lang naman sya.






           "Sige lang! Okay na ako dito.." Tugon ko at iniiwasan kong magawi ang paningin ko sa katawan nito.. Buti naman ay hindi na ito nangulit pa at naligo na itong mag isa.. Inabala ko naman ang sarili ko na ayusin ang dala naming pagkain  at inayos iyon sa pinaka lamesa ng kubo.









            Nagawi naman ang tingin ko sa may talon ng walang sawa si Lou doon sa paglangoy. In fairness magaling itong lumangoy,para syang Serena  sa talon Sobrang ganda ng hubog ng katawan nito sana lang walang mabubuso sa paligid.. Napa iling na lang ako at napa tawa ng mahina.








          Gusto ko namang magka lapit kaming dalawa kaya lang ibang klase kasi ang ugaling meron ito. Dahil siguro laki sa marangyang buhay,laki sa syudad. Napa buga na lang ako nang hangin ng maisipan kong kumain ng mansanas,dinampot ko yung isa at agad kong kinagat.  Malinis naman ito! Sakto namang umahon na si Lou at patungo na sa gawi ko at agad naman akong nag iwas ng tingin. Baka mamaya sasabihin na naman nya naakit ako sa katawan nya. 









             Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag nguya ng mansanas.. "Sarap maligo!!" Turan nito ng tuluyang maka lapit sa akin. "Penge nga..." Sabi pa at bigla na lang hinablot sa kamay ko yung hawak kong mansanas halos makalahati ko na..  Agad nya itong kinagat dun pa sa part na kinagatan ko.










           "Bakit yang kinakain ko.. Ang dami naman dyan oh!" Sabay turo ko sa lamesa.. Hindi nito pinansin ang sinabi ko at umupo sa tabi ko habang sarap na sarap sa pagkain ng mansanas.







          "Ito yung pinaka masarap na apple na natikman ko." Sabi pa nya na kina kunot noo ko naman.. 'bakit hindi ba masarap ang mga apple sa syudad' naiiling na lang ako..











           "Magbihis ka na nga baka lamigin ka.." Sabi ko dahil naiilang akong tumingin sa katawan nito dahil halos hubad na ito kung tutuusin..









         "Oy concern sya sa akin.." Sabay sundot sa tagiliran ko.








           "Lou ano ba!!" Saway ko dito. Lakas kaya ng kiliti ko. "Concern na pinagsasabi mo dyan! Pag nagka sakit ka ewan ko na lang-"











            "Di alagaan mo ako." Putol nito sa sinasabi ko at pinisil pa yung pisngi ko.









          "Kapal!!" Bulong ko namang sabi,kahit alam ko namang dinig niya iyon.  Binuksan nito ang dalang bag at may kinuha mula doon,naka hinga na ako ng maluwag dahil nag suot na ito ng roba.







             "Hindi pa ako magbibihis kasi mag swimming pa ako mamaya.." Turan nito. Naubos na rin nya ang kinakain kong apple kanina.. Nagpasya na din kaming kumain ng brunch dahil tumataas na din yung sikat ng araw. Hindi na kasi kami nag agahan..












           "Wala ka bang balak umalis sa lugar na ito, I mean pumunta sa city para dun maghanap ng mas magandang trabaho." Bigla naman itong nag open ng topic habang kumakain kami..










            "Maayos naman yung trabaho ko. At isa pa mas  payapa naman yung buhay dito!" Tugon ko naman. Ayoko din iwan ang Lola ko,kami na lang ang pamilya  hinding hindi ko sya iiwan. Katulad ng ginawa ng Lola ko at mga magulang ko. Napa hugot tuloy ako nang malalim na paghinga..










              "Anong ibig sabihin ng buntong hininga na yun?" Puna naman nito.. Naisip ko lang kasi may sumpa ba ang pamilya namin. Kung sakali ba iiwan din ba ako ni Wilson.. hindi ko siguro kakayanin kong mangyari yun..











          "Natatakot lang ako  baka isa araw iiwan ako Wilson.." May lungkot kong turan..









           "Mahal mo talaga sya no!" Seryoso naman niyang sabi. Marunong din naman pala itong mag seryoso sa buhay.








           "Oo naman.. mula pagka bata kami na halos ang magkasama.. Hanggang ngayon. Ikaw kasi iniwan mo kami noon." Bigla naman itong tumitig sa mukha ko sa sinabi ko.  Nilapag nito ang hawak nyang plato. Napangisi at dahan dahan nilapit ang mukha nito sa akin.. Habang hindi pinuputol ang titigan naming dalawa.. A-ano ba binabalak nyang gawin? Nagpanic bigla ang kalooban ko.

"BORN TO LOVE YOU" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon