Chapter 11

2.1K 71 0
                                    

LOU POV


                      Napatayo ako mula sa papag na aming kina upuan at naisabunot ang aking mga daliri sa aking buhok. Ano ba itong ginagawa ko.. Muntik na akong mawala sa sarili ko fuck ... Bigla akong natakot na tumingin sa mga mata nito..







                   "Shawn?" Bigla naman akong napatigil ng may lalaking nagsalita kong saan.. "Shawn andyan ba kayo?" Palapit na ng palapit ang nag mamay ari ng boses.. Hindi ko tuloy maiwasang mapa baling ng tingin kay Shawn saktong napa titig naman ito sa aking mukha..








                "Ahm. Wilson andito kami sa may kubo." Ganting sabi naman nito habang naka tingin sa mukha ko.  Anong ginagawa ni Wilson dito? Nagtataka na tuloy akong tumitig sa mukha nito kaya lang parang ganun din ang reaksyon nang kanyang mukha.





           "Hi.. ah sabi kasi ni Lola Sonia andito daw kayo tapos nakita ko yung  sasakyan doon hindi pa naka off yung makina." Humahangos na wika ni Wilson.. Ang aga naman yata nyang dumalaw kay Shawn..






              "Tamang tama pala andito si Wilson para sumabay ka na sa kanya!" Cold ko namang sabi,pasimple naman nya akong inirapan.. Nagtataka tuloy si Wilson na nagpalipat lipat ng tingin sa akin. 





               Humakbang na ako papunta sa may sasakyan para kunin yung mga dala kong gamit..  Agad namang sumunod yung dalawa nang walang kibo.. napa hinto naman ako nang maalala ko yung susi na inabot ko kay Shawn kanina.





                "Akin na pala yung susi.." Sabay lahad ng palad ko. Tila nagbabanta naman ang tingin nito na agad na inabot ang susi sa akin..







              "Tulungan nalang natin sya na mag baba ng mga gamit niya." Turan naman nito kay Wilson.. "Ewan ko ba kasi itong babaeng ito gusto mag camping sa may talon mag isa.." Kausap nito si Wilson.






               "Gusto mo Lou samahan ka namin?" Alok nito. No way?!  Kaya ko naman mag isa  kung si Shawn lang okay lang pero kung kasama sya ano yun maglalampungan lang silang dalawa!!



                "Im fine here.. Gusto ko talagang mag isa! Kahit huwag niyo na rin akong tulungan kaya ko na to." Wika ko naman.







         "Ang pride.." Dinig ko namang sabi ni Shawn.. Hindi ko na lang yun pinansin at nag simula na akong mag baba ng mga gamit hindi na din ako komontra ng tulungan ako nang dalawa. Hanggang mailagay lahat ng mga dala ko sa may kubo..






               

          Sabay ulit kaming tatlong lumabas ng gubat para iayos ko ang pagkaka park ng sasakyan.




            "Sige Lou alis na kami.. mag iingat ka dito ha!" Concern namang sabi ni Wilson at na appreciate ko naman yun.  Bago sya sumakay sa motorsiklo agad namang umangkas si Shawn sa likod nito at walang kibo.. Bumalik na din ako sa may talon pagka tapos kong maipark ng maayos ang pick up.. Of course kaya ko to ako pa ba!






                   Inayos ko na ang mga gamit ko dito sa may kubo.. Dito na rin ako matutulog mamayang gabi kesa gumawa pa ako ng tent.. Ayusin ko nalang maigi ang tutulugan ko. Ang dami ding pinabaon si Lola Sonia na pagkain para daw hindi na ako magluluto. Total bukas uuwi naman agad ako. Depende,kong mag enjoy ako ng husto dito baka sa sumunod na araw na ako babalik ng bahay.






                Kumain muna ako ng prutas habang nagmumuni muni sa lugar. May naririnig din akong huni ng mga ibon sa paligid.. Ilang araw palang ako dito pero mamimiss ko na ang trabaho ko ang mga naging kaibigan ko sa modelling industry.. Paano kong abutin ako ng isang taon dito tapos ayoko paring mag aral,di another one year ulit..  No way!! Dapat gumawa ako ng paraan na makaalis dito at hindi mag aaral. Napa buntong hininga tuloy ako.












             

               Kesa ma stressed pa ako ng tuluyan ay nagpasya na akong mag swimming nag two piece ulit ako. Wala namang mapa ngahas na tumuntong dito sa talon dahil pinag babawal daw iyon sa mga tauhan sa farm sabi ni Lola Sonia.. Langoy dito langoy doon ang ginawa ko hanggang napagod ng husto at nagpasya na akong umahon hindi ko din alintana kong anong oras na..










                ''Ouch!!!" Daing ko ng malakas ng hindi ko namalayang ang naka usling matulis na bato at nahiwa ang binti ko.. Shit!!agad na lumabas mula doon ang maraming dugo sa sobrang kaba ko agad akong napa takbo sa may kubo at di alintana ang tumutulong dugo sa aking binti..










               "Gosh...." Daing ko at agad kong hinagilap ang dala kong panyo at mabilis kong itinali iyon sa aking sugat para mahinto ang pag durugo. Kanina wala pa akong maramdaman ngayon naramdaman ko na ang sobrang hapdi sa kaliwa kong binti  at parang namamanhid na ito pataas sa hita ko. Pinilit kong mag relax at huwag magpanik,malayo pa ito sa bituka..  Kainis katangahan ko kasi disgrasya tuloy akong inabot ko..  Grabe kumikirot sya.. Umayos ako ng upo at sinandal ang likod ko sa dingding ng kubo..










             Napapikit ako ng husto habang pilit na pinapakalma ang sarili ko dahil mag isa lang ako sa lugar na ito.. Bigla akong nakaramdam ng pang hihina at pagod kaya umayos na ako ng higa,mas mainam siguro kong itulog ko muna para mamaya mawala na yung hapdi at pamamanhid. Mawala na sa loob ko ang itsura ko ang kasuotan ko na halos exposé na ang aking katawan.. Hanggang sa tuluyan na akong iginupo ng antok..









              Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalan ng malay tao.. Pinilit kong gumalaw pero pakiramdam ko namamanhid na ang buo kong katawan at naka ramdam ako ng sobrang ginaw.. Pinilit ko ding imulat ang aking mga mata kaya lang nanlalabo ng husto ang paningin ko parang sobrang init ang sumisingaw sa aking mga mata..







           "Gosh... Mamamatay na yata ako.!" Daing ko sa sarili ko..  Habang pinipilit ko paring kinikilos ang aking katawan.. "Ahhh..!!" Hiyaw ko ng maramdaman kong mas lalong kumirot ang sugat ko feeling ko namamaga na ito ng husto.. nanginginig pa ako sa sobrang ginaw.. Kailangan kong magkaroon ng lakas..









                Katapusan ko na yata...








                   "Lou??? Oh my God!! Anong nangyari sayo... Sabi ko na nga ba kaya masama ang kutob ko.."









               "Shawn..." Nanghihina kong turan. "What are you doing here?" Buska ko kahit sa totoo lang para akong nagkaroon ng lakas ng makita ko sya..











              "Ibang klase ka talaga.. tignan mo nga yang kalagayan mo bakit ba kasi natulog kang hindi nagpalit ng tuyong damit..." Sermon nito sa akin.. "At anong nangyari dyan sa binti mo.." Mabilis nitong kinalas ang pagkaka tali ng panyo.. "Oh my God Lou napano yan!!"














                "I'm fine! Natusok lang..." Tugon ko naman ayokong ipakita na sobrang sakit ng sugat ko..








              "Kaya mo bang tumayo.." Hinawakan nito ang baywang ko para alalayang nakatayo.."God Lou ang init mo.. Sigurado akong nilagnat mo yang sugat mo tapos natulog ka pang ganyan.. Hindi ka nag iingat." Sermon na naman nito.. Mabuti pa umuwi na tayo."  











           "No..."Kontra ko parin.. Tatayo na sana ako ng maipak ko ang kaliwa kong paa.
"Ouch!!" Daing ko at bigla akong natumba at dahil hawak nya ako sumama ito sa pag bagsak ko..  Sya pa itong napa ilalim..

"BORN TO LOVE YOU" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon