Chapter 9

2K 74 1
                                    

LOU POV


                "Ba-baka gusto mong masampal ulit!!" Dun ako huminto ng ilang hibla na lang ako layo nang mukha namin ni Shawn sa isat isa. Gusto ko lang naman sana syang asarin katulad nang ginawa ko nung hinalikan ko sya ng smack sa labi.. Sarap kasi nyang asarin!Grabe buong buhay ko sya palang yung naka sampal sa akin.







              "Alam mo bang ikaw yung unang taong naka sampal sa akin!" Turan ko pero hindi ko parin nilalayo ang aking mukha sa kanya. Napa singhap naman ito habang naka titig sa aking mga mata. Kung hahalikan ko kaya sya ulit makaka tikim kaya ako ulit ng sampal?







           "Alam mo din bang i-ikaw ang unang naka halik sa labi ko!" Napa awang naman ang labi ko sa sinabi nito.. totoo kaya ang sinasabi nya, hindi pa ba sya nahalikan ni Wilson? Ako yung labi ko laspag na yung labi lang naman, kung sino sino nang nahalikan ko pero syempre lahat lalaki. Si Shawn lang yung unang beses din na babaeng nahalikan ko. Lalo tuloy akong na challenge sa sinabi nito. Kaya sumilay tuloy ang ngiti sa labi ko..







              So,ako pala yung first kiss nya! Willing akong masampal ulit matikman ko lang ulit ang mga labi nito.. Kaya mabilis akong kumilos at hinawakan ang magka bilang pisngi nito tsaka siniil ng halik ang kanyang mga labi. Sorry sya kung sya ang napag didiskitahan ko ngayon.







            "Uhhmmpp-" Narinig kong turan nito. Nanggigigil kong halikan ang napaka lambot nitong labi naramdaman ko ang dalawang palad nito na dumapo sa dibdib ko.. Ako naman ang nagpaka wala ng ungol dahil nahawakan nito ang dibdib ko. Pilit nito akong tinutulak habang sa may dibdib ko parin naka hawak. Kinabig ko naman ito sa batok para lalong paglalimin ang halik ko sa kanya. Shit! Nakaka wala ng katinuan ang mga labi niya.




            Kaya lang kailangan ko na ding sumagap ng hangin kaya binitawan ko na ang mga labi nito..  Kapwa kami hinihingal ng isang mag asawang sampal ang dumapo sa mukha ko. Bago sya umalis sa harapan ko,sapo ang magkabilang pisngi ko na nasundan ko ito ng tingin. Ang hapdi ng pisngi ko grabe..






            Tinatahak nito ang direksyon patungo sa labas ng gubat. Teka huwag niyang sabihing- iniwan nya ako dito,kaya mabilis ko itong hinabol bago pa syang tuluyang maka layo.. Agad kong hinawakan ang isang braso nito para pigilan sya.








             "Ang bastos bastos mo." Pinag babayo nito ang dibdib ko. Agad ko naman itong sinasangga ng mga palad ko. "Bakit ka ba ganyan!! hindi porket laki ka sa yaman may karapatan ka ng paglaruan ako." No of course not!
Agad ko naman itong inalo lalo na nang nakita kong  hilam ng luha ang kanyang mga mata.  Hinawakan ko ang magkabilang pulsuhan nito saka ko sya niyakap ng mahigpit. Todo ang paghagulgol nito habang yakap ko parin sya ng mahigpit.. Hindi ko alam kung ilang minuto kami sa ganung posisyon ng napa kalma ko na rin sya..








           Wala itong kibo ng inalalayan ko sya sa paglakad at bumalik kami sa may kubo. Inalalayan ko din sya hanggang sa pag upo tsaka ako umupo sa kanyang tabi.







            "Hindi ka man lang ba hihingi ng sorry!!" Basag nito sa katahimikan.  Sabay titig sa mukha ko na agad ko namang pinahid ang natitira pa nyang luha na umagos sa kanyang pisngi.








           "Para saan? eih.. napagbayaran ko naman agad yung ginawa ko. Dalawang sampal." Turan ko naman. Mabilis naman itong nag iwas ng tingin.







             "Ibang klase ka talaga..." Narinig kong sabi nito..  Bago tumayo at tahimik nang muli na niligpit ang pinagkainan namin. Pinagmamasdan ko lang naman ito. In fairness ang sarap ng labi nya,lihim akong napa hawak sa labi ko. Inaamin ko naman sa sarili ko na minsan na attract ako sa babae pero di ko naman yun pinagtuunan ng pansin. Hindi ko din naman ma imagine ang sarili ko na nakikipag relasyon ako sa isang babae. Napa hugot na lang ako ng malalim na pag hinga,nang naisipan ko ulit maligo kaya agad kong hinubad ang suot kong robe at basta nalang hinagis sa may papag.






               Hindi na ako nag paalam kay Shawn nang muli akong tumungo sa talon. Parang gusto ko ding mapag isa at magmuni muni muna. Alam ko namang mali yung ginawa ko kanina kaya lang para kasi akong nahipnotismo sa mga labi nito. Lalo na nang nahalikan ko na ulit parang may kuryenteng dumaloy sa aking mga ugat at nag init din bigla ang aking paki ramdam..









           Ginawa ko lahat nang alam kong paraan ng paglangoy nag aral din kasi ako ng swimming noong bata ako. Nang napagod ay nanatili muna ako sa tipak ng mga bato sa gilid ng talon. Ayoko munang umahon habang pinagmamasdan ko si Shawn na naka upo sa may kubo at matyagang nag hihintay sa akin. Naramdaman nya yatang naka titig ako sa kanya kaya napa baling ang tingin nito sa gawi ko kaya lang agad din itong nag iwas ng tingin.. Halatang sobrang sama ng loob nito sa akin. Bukas babalik ako dito pero huwag ko na syang yayain. Pwede ring dito din ako magpa lipas ng magdamag mukhang safe naman dito. At pag aari naman ng grandparents ko ang lupain na ito.









               Muli na naman akong naligo,nag sawa sa paglangoy.. Hanggang nakita kong bumababa na ang sikat nang araw..







            "Lou tama na nga yan! Hindi ka na nagsasawa kaka langoy." Hiyaw ni Shawn at naka pamewang ito na nakatayo paharap sa gawi ko.. Napa ngiti na lang ako at nagpasya na din akong umahon. Medyo naka ramdam na din ako ng ginaw at pagod at tsaka gutom na din..












               "Oh.." Agad nitong inabot ang tuwalya ng makarating na ako ng kubo. "Tignan mo nga yang mata mo namumula na.. tss!!" Wika pa nito. Kinalkal nya siguro yung laman ng dala kong bag at nakita nya itong bath towel..  Ewan ko pero naka ramdam ako ng kilit ng sandaling yun kahit galit sya concern parin ito sa akin. Agad ko namang pinahid ang basa kong katawan. "Magpahinga ka na at para maka uwi na tayo." Malamig pa nitong sabi,halatang dumidistansya ito sa akin. Hindi ko naman ito masisi baka nadala sa ginawa ko.








                  Nang matapos kong gamitin ang tuwalya muli kong sinuot ang robe kanina.
"Kain ulit tayo nagutom ako." Wika ko at kinalkal ko ulit ang laman ng dala naming basket Tupperware..







             "Sige lang..! Mag bihis ka na din pagka tapos." Tipid na sabi nito at umalis sa may kubo.  Naglakad patungo sa may talon at umupo sa may batuhan. Hinayaan ko na lang ito at kumain na lang ako ng sandwich at uminum ng dala naming incan soda na nakalagay sa maliit na cooler para hindi mawala yung lamig.







             Nang matapos akong kumain,nagpalit na ako ng damit.. Inayos ko na ang mga dalahin namin sakto namang pabalik na si Shawn sa kinaroroonan ko. Walang kibo itong binitbit ang iba naming dala.







              "Shawn.." Tawag ko sa kanya..






               "Huwag mo akong  kakausapin hanggat hindi ka humihingi ng sorry sa ginawa mo." Wika naman nito bago humakbang palayo.
Napa hugot na lang ako nang malalim na paghinga..
Ayoko nga!

"BORN TO LOVE YOU" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon