LOU POV
''F***k." Turan ko nang makarating na ako sa bahay nang grandparents ko. Grabe namang parusa ang pinataw sa akin nang parents ko ni hindi man lang sila pumayag na dalhin ko yung sasakyan ko at heto nag commute lang talaga ako. At ilang gamit lang yung pinadala nila sa akin bahala na daw akong mag provide dito. Hindi daw ako aalis sa lugar hanggat hindi daw ako magtitino. 100k lang yung binigay nila sa aking pera kasama na yung pamasahe ko patungo dito. Pag naubos ko yun nga nga na ako.
"Miss wala po ba kayong barya?" Kakamot kamot nang batok ang driver nang tricycle na nag hatid sa akin dito. Tinaasan ko lang ito nang isang kilay.
"Keep the change!" Sabay kampay pa nang isang kamay ko. Ayoko nang makipagtalo sobrang pagod na ako sa ilang oras kong beyahe. Manila lang naman ako galing hindi Milan. Tumakas ako from Milan at umuwi nang Philippines pagka tapos ko ng señor high school. Ganun ako ka pasaway sa parents ko at hanggang ngayon hindi pa ako tapos ng college naka ilang palit na ako nang course ayoko na nga mag aral. Bakit pa ako mag aaral may trabaho na ako isang model sa isang clothing line.
Pinasadahan ko nang tingin ang kabuuan nang malaking bahay. Tingin pa lang nanghihina na ako sa inip sobrang boring nang lugar na ito. Dito daw ako nararapat para ma appreciate ko ang mga bagay bagay. Na importante lalo na daw ang pag aaral.
"Señorita Lulu andito na pala kayo. Tulungan nito sya sa mga gamit niya at dalhin sa kanyang silid." Wika nang isang matandang babae. Uso pa pala ang ganitong tawag dito na señorita pasimpleng namilog ang dalawang mata ko. Natatandaan ko sya nung bata pa ako andito na sya at nagtatrabaho ngayon andito pa parin sya.
"Wala po akong dalang gamit kundi itong back pack ko lang at ako na lang ang magdadala." Cold kong tugon. "At isa pa huwag niyo na ho akong tawaging señorita.. Lou na lang po." Dagdag ko pa.
Nginitian lang nito ako ni hindi natinag sa katarayan ko. "Halika na sa loob nang bahay apo, magpahinga ka muna alam kong na pagod ka sa beyahe. Ipaghahanda ko lang ang pananghalian natin." Wika nito. Tinawag nya akong apo!
"F***k" Mura ko nang mahina. Ewan ko kung narinig nito. Expression ko lang naman ito eh! Iginiya na ako nito papasok sa loob nang malaking bahay. Dumiritso naman ako sa may living room,mabilis na tinanggal sa likod ko ang aking dalang bag at pinatong sa ibabaw ng isang single couch. Tsaka ko binagsak ang katawan ko sa mahabang sofa I'm so tired. Pinikit ko ang aking mga mata.
"Ako nga pala ang Lola Sonia mo kung natatandaan mo pa ako. Matagal na akong naninilbihan dito sa mansyon." Turan nito. Really mansyon talaga! Marami nang ganitong malalaking bahay sa Milan at mga moderno na ang pagkakagawa. "Itong dala mo ipapanik ko muna sa kuwatro mo,maya maya pagkakain mo sasamahan ka nang isang kasambahay para maihatid ka sa magiging kuwarto mo.
Dun ako biglang nagmulat nang mata sa sinabi nito. Nairita ako pero hindi ko pinahalata.
"Okay lang ho ako,kaya ko na pong mag isang tumungo sa room ko basta hayaan niyo lang na naka bukas yung pintuan para alam ko kong alin dun ang magiging silid ko. At alam ko din po kung saan ang kitchen kaya ko na rin ho kumain mag isa." Turan ko habang hinihilot hilot ang aking sentido. Sanay akong mag isa,snay akong maging independent. Narinig ko naman itong napa buntong hininga at walang kibong umalis sa harapan ko.Ayoko namang mag mukhang bastos sa harapan niya kaya lang nagsasabi lang ako nang totoo. Muli ko namang pinikit ang aking mga mata. Isang araw palang namimiss ko na yung buhay ko sa maynila,kahit mag isa lang ako sa aking apartment paglabas ko naman marami akong building na nakikita,maraming pasyalan. Walang boring na lugar. Dito mukhang mamamatay yata ako naiiyak ako pero pinipigil ko lang. Wala namang silbi ang pag iyak eh,hindi naman ako matutulungan.. Mag isip na lang ako nang pwede kong gawin habang nandito ako para hindi ako masiraan nang bait..
Hindi ko alam kong ilang minuto akong nakasalampak nang upo dito sa may sofa at nakapikit ang aking mga mata. Nang bigla akong nag mulat at biglang may naalala. May kalaro ako noong batang babae at batang lalaki na ka edad ko din. Saan na kaya sila? Ano na kanyang itsura nila ngayon? Nagpasya na akong tumayo at tumungo sa magiging kuwarto ko,wala na yung dala kong bag sa pinaglagyan ko kanina. Malamang pinanik na nila sa itaas.
Napangisi naman ako nang makita kong may bukas na pinto ng isa sa mga kuwarto,buti at marunong sumunod ang mga tao. Marahil ito ang magiging kuwarto ko kaya tuloy na ako sa loob. Nakahinga din ako nang maluwag nang mapagmasdan kong kompleto naman ito sa kagamitan at may sarili ding banyo dito sa loob.. Pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa ibabaw nang kama ni hindi pa ako nakakapag palit nang damit ni hindi ako nag abalang magtanggal nang sapatos. Muli kong pinikit ang aking mga mata. Wala akong ganang kumain sa sitwasyon ko ngayon..
Hindi ko namalayang naka tulog na pala ako at nang nagmulat ako nang mata ay hapon na pala nang sinipat ko ang isang wall clock na naka sabit sa dingding. Nagpasya na akong bumangon sa higaan at naligo. Problema ko talaga tong dala kong gamit wala pang pang isang linggo. Ano yun paulit ulit ko na lang isusuot kapag nilabhah ko at natuyo..
Nagpasya na akong muling bumaba pagka tapos kong naligo. Medyo kumakalam na din tong sikmura ko kaya lang sobrang stressed ko mas mainam kung mag yosi muna ako. Bitbit ang isang kahang sigarilyo at lighter at lumabas ako nang bahay at tinungo ko ang green house. Binabati ako nang mga maids pero dene deadma ko lang sila. Hindi ko naman sila mga kilala.
Hithit buga lang ang ginawa ko. Mamimiss ko yung trabaho ko,yung everyday routine ko sa buhay. Fuck.. Mura ko sa isip ko. Nasa ikatlong stick na ako nang may dumating na isang motorsiklo at huminto sa may tapat nang main door. Umibis mula doon ang isang babae na angkas niyon habang ang kasama nitong lalaki ay hindi naman umalis mula sa pagkakasakay nito. Iniyakap nang babae ang dalawang braso nito sa batok ng lalaki.
Fuck.. Mabilis kong inubos ang pangatlong yosi ko at humakbang patungo sa dalawang taong naglalampungan..
"Uso din pala kahit dito sa probinsya ang PDA.." Turan ko kaya na interrupt ang ginagawa nung dalawa. Mabilis na kinalas ang mga braso nung babae na nakayakap sa batok nung lalaki. At kapwa sila naka awang ang mga labing nagbaling nang tingin sa akin.Lou Yanong as Brenna Lou Perugino
BINABASA MO ANG
"BORN TO LOVE YOU" (GXG)
Romancegirl to girl short story. Ito ay isang kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon.. LOU YANONG at SHAWNTEL CRUZ ang napili ko po na main characters dito. Gustong gusto ko kasi sila. *****Do not steal my stories..... Plagiarism is a crime****