Chapter 26

2.3K 75 3
                                    

SHAWN POV



"She's still in coma and with in 48 hours kapag walang response ang pasyente considering brain dead na ito. Masyado kasing na injured ang left skull nya.. I think naman malakas ang patient at lumalaban." Seryosong sabi ng doctor sa akin. Habang patuloy ang pag papaliwanag nito kanina walang tigil naman ang pag agos ng luha sa aking mga mata habang nasa tabi ako ng higaan ni Lou at mahigpit kong hawak ang isang kamay nito..







Napag alaman kung habang kausap ko pala sya sa cellphone nung gabing yun ay nawalan na pala ang control ng pick up.. Luma na kasi yun eh, bakit kasi yun pa ang ginagamit nya. Yung sasakyan pa nya ang naisipan nyang ibenta para sa savings account ni baby cheska..
Lou naman bakit kasi sobra mo kaming mahal ng anak ko...Hikbi ko..







Lumabas na din ang doctor pagka tapos magpaliwanag..
Grabe ang mga galos ani Lou pagka tapos nyang ibangga ang pick up sa isang malaking puno sa gilid nang daan.. At napuruhan yung kaliwang bahagi ng ulo nito. Nakontak na din namin ang magulang nito baka bukas andito na sila.







Pinaka titigan ko si Lou habang ang daming apparatus sa katawan nito. Hindi ko na naman napigilan ang pag buhos ng luha ko ng sandaling iyon.
"Lou please lumaban ka para kay baby cheska. pangako babawi ako sa mga pagkakamali ko.. Ipaparamdam ko na sayo kung gaano ka kahalaga sa akin. Hindi ko kaya kapag mawala ka. Iloveyou.." Sabay mariin kong hinalikan ang palad nito..
Bigla namang bumukas ang pintuan at dalawang hindi pamilyar na mukha ang nakikita ko. Isang matangkad na sexy na babae at isang itsurang lalaki pero halatang beki sa pitik ng daliri nito..








"How is she?" Nagluluhang turan nung babae..







"Ahm.." Agad naman akong nagpunas ng luha ko gamit ang tissue..








"Shonga ka ba nakikita mo na nga ang itsura ng alaga ko nagtanong ka pa!" Turan naman nung isa. Sasagot na sana ako pero inuunahan ako nito..










"So you must be.. Shawn Lee! Kaya pala hindi ka na pinalawalan ng best friend ko." Wika nung babae.. Ngayon interesado na akong makilala ang mga kaibigan ni Lou, gusto ko nang pasukin ang mundo nya.
"By the way I'm Nicolle Burgos best friend ko si lou at si Tito Garry manager namin." Pakilala nito sabay lahad ng kanyang palad kaya agad ko naman itong tinanggap.






             "Shawn..." Tipid ko namang turan. Natutuwa ako dahil kahit ngayon ko lang sila nakilala mukha namang kilala na nila ako dahil kay Lou.. Bigla naman nitong pinisil ang palad ko kaya agad kong binitawan ang kamay nito. Ngumiti pa ito ng makahulugan,halatang kay gusto itong ipahiwatig.. Gosh huwag lang nyang ahasin ang asawa ko kapag talikuran ngayon palang sasamain na sya sa akin..





             "Ahm.." Tikhim ko sabay baling sa manager ni Lou.."Salamat po sa pagdalaw." Sincere kong sabi.







              "Walang anunam.. Sure akong makaka recover din kaagad si Lou.." Pampa lakas loob naman nitong turan. "Yung ibang kaibigan ni Lou sa modelling industry baka pupunta din sila dito.  Napa baling muli ang atensyon ko sa aking asawa. Dati wala akong paki alam sa trabaho nya sa pag alis alis nya pero ngayon.. Mukhang madami yata akong pagseselosan,pakiramdam ko ang swerte swerte ko at ako ang minahal nya sa kabila ng mga nagawa ko sakanya..









____________________________________







                  "How's your feeling anak?" Turan ni Dad Florence ang Daddy ni Lou..  Sobrang galak ng aking puso ng sa wakas nagka malay na si Lou habang andito ang parents nito. Pati tuloy si Lola Sonia napa sugod kasama ang anak ko pero nasa labas sila ngayon ng kuwarto. Ang nasa loob lang ay ang parents ni Lou,ako, ang family doctor nila at isang nurse.. Hindi ko namang mapigilang umiyak sa sobrang galak ng sandaling iyon.





             Hindi parin kumikibo si Lou habang inilibot ang paningin sa kabuuan ng kuwarto..








         "Anak!" Bigkas nito.. Sabay titig sa magulang nya.










               "Yes anak, masayang masaya kami at gising kana.. alam mo bang halos dalawang araw kang walang malay!'' Mangiyak ngiyak ding wika ni mommy Veron.. Confuse itong napa titig sa kanyang Ina. May malaking benda parin ang ulo nito. ''Kamusta ang pakiramdam mo?"







            "Masakit...." Wika nito sabay angat sa isang braso at marahang hinaplos ang kanyang ulong may benda.









           "Lou-" Tawag ko naman sa pangalan nito pero hindi ito kaagad nag baling ng tingin sa akin at nung tumingin ito ay blanko ang kanyang ekspresyon.






             "S-sino ka?" Napa awang ang labi ko nang biglang tanong nito sa akin.. Joke ba ito? "Sino kayo?" Sabay baling sa magulang nya at sa nurse at si doc .. "Sino ako?" Turan din nito sa kanyang sarili.. "Sino ako?" Paulit ulit nitong turan sa kanyang sarili.. Yung kabog sa dibdib ko bumalik na naman... Wala syang maalala?









            "Doc.. Anong nangyayari sa anak namin?" Baling ni mommy Veron sa family doctor nila at mukhang nagpapanic na ang itsura nito at agad naman syang inalo ni Dad.. Oo nga bakit ganun.. bakit hindi nya kami kilala pati sarili nya hindi nya kilala? Anong nangyari..!!






               

        "Mabuti pa siguro hayaan muna natin syang magpahinga.. At mamaya pag nagising syang muli ako ang kaka usap sa kanya.. baka kasi nagkaroon sya ng amnesia dahil sa injury sa ulo nya." Sabi naman ni doc. Ano?  Amnesia.. Ibig sabihin nun wala syang maalala,hindi na nya ako maalala pati si baby cheska? Agad na silang tumalima at humakbang patungo sa may pintuan,maliban lang sa akin na hindi makagalaw sa kinaroroonan ko.. Habang pinagmamasdan ko si Lou na marahang hinihilot ang sentido..







              "Shawn anak..." Tawag sa akin ni mommy Veron...






               "Pwede po bang dumito muna ako gusto ko pong samahan si Lou.." Nakiki usap kong sabi pinaka titigan naman nito ako tsaka marahang napa tango bilang tugon bago tuluyang lumabas ng kuwarto.. Marahan naman akong lumapit sa higaan ni Lou at naupo sa upuan na naroon.






         

                  "L-lou..."Marahan kong wika tsaka hinawakan ang isang palad nito.. Pero parang nandiri nitong binawi ang kanyang kamay at curious itong napa tingin sa mukha ko.







               "Diba sabi ng doctor iwan nyo muna ako.. Sino ka ba?"  Nag iinit ang sulok ng aking mga mata ng sandaling iyon pero laking pigil ko. Napa tikhim nalang ako ng hindi ako kaagad naka sagot.. Dahil biglang naumid ang aking dila.










              "A-ako to si Shawn.. Yung kababata mo sa sagada.. ahm-"








              "Okay.."  Tugon nito at mukhang hindi ito interesado sa sinasabi ko.  "Pwedeng iwan muna ako.. Gusto ko kasing mapag isa!" Turan nito sabay baling ng ulo nya sa kabilang side na para bang pinapa alis na nito ako. Marahan na lang akong tumayo at ng tumingin ako sa mukha nito ay naka pikit na ang kanyang mga mata..  Tuluyan na akong napa talikod kasabay nun ang pag laglag ng masaganang luha ng aking mga mata..








          Ang sakit sa dibdib,yung tipong hindi kana kilala ng taong  huli na ng ma realize mong mahalaga pala sya para sayo.. Sobrang sakit pala sa pakiramdam na hindi ka na nya maalala..

"BORN TO LOVE YOU" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon