Chapter 12

2.2K 78 1
                                    

LOU POV


                     Sakto pa ang mukha ko sa mukha nito at magka dikit na ang ilong namin sa sobrang lapit. Naamoy ko na namang ang mabango nyang hininga na nakaka wala ng katinuan..  Bahagya pang guminhawa ang aking pakiramdam ng magka dikit ang aming katawan. Kahit kompleto ang kasuotan nya ramdam ko parin ang init na nagmumula sa katawan nito..





               "L-lou.." Anas nito sa aking mga labi, sunod sunod naman akong napa lunok ng sandaling iyon..







                "Gusto mo ba akong gumaling?" Ewan ko kong bakit yun ang lumabas sa aking bibig habang tumitig ako sa mga mata nito.. Marahan naman itong napa tango parang na hipnotismo ko yata sya.. Mabilis na nag landing ang labi ko sa labi nito at masuyo ko itong hinalikan..








                "Hmmnn-" Ungol nito sa pagitan ng aming mga labi.
Lalo ko tuloy pinaglalim ang halik naming dalawa.. maya maya ay nag diwang ang kalooban ko ng marahang gumaganti na ito sa mga halik ko.. Naramdaman ko din ang mga braso nitong yumakap sa likod ko.. It feels good! Parang gumagaan ang aking pakiramdam..







                    Lalo na nang tila nanggigigil na itong gumanti sa bawat halik ko sa kanya. Ilang sampal na kaya ang aabutin ko nito.. Ilang saglit pa ay lumipat na sa leeg nito ang mga labi ko na lalo nitong kina ungol.. Pinagsawa ko ang mga labi ko doon-









                "Lou...  H-hindi ito tama.." Narinig kong saway nito sa ginagawa ko.. kaya bigla kong nahinto ang aking ginagawa.. at muling pinantay ang aming mukha.. "Please hindi tama itong ginagawa natin!" Naiiling nitong sabi habang naka titig sa aking mga mata. Bigla na naman akong natauhan sa aking ginawa at marahang kumilos at umalis sa ibabaw nito..






                  Muli kong sinandal ang likod ko sa pawid na dingding. Samantalang si Shawn ay marahan na itong napa bangon mula sa pagkaka higa.







                "You can slap me Shawn." Tinignan naman ako ng masama sa sinabi ko. "Pero hindi mo din maikakaila sa akin na gumanti ka sa mga halik ko." Dagdag ko namang sabi.






             "Gusto mo ba talagang laging nasasampal! Sinasadya mo itong gawin.." Wika nito habang naka upo sa harapan ko. "Kung gumanti man ako dahil hindi na ako maka hinga at kailangan kong sumagap ng hangin!" Katwiran naman nito.






             "I don't know.. siguro dahil inaakit ako lagi ng mga labi mo.." Tugon ko naman.  At totoo naman ang mga sinabi ko.







               "Kalokohan yan." Wika nito tsaka nag iwas ng tingin.. "Pero tsaka na ako maniningil kapag wala ka nang sakit..." Sabi pa nito.. Mainam pala na lagi na lang akong magkakasakit! Napangisi tuloy ako. "Mabuti pa umuwi na tayo at malapit ng dumilim."





              

                "I can't walk.. gusto mo ipasan mo ako hanggang sa may pick up.. Kaya mabuti pa samahan mo nalang akong patulog dito." Wika ko naman. Medyo nabawasan naman na yung sakit ng binti ko, masakit lang kapag igagalaw.  Narinig ko naman ang pag hugot nito ng malalim na pag hinga..
"Bakit ka pala bumalik dito! Nag alala ka sa akin no?"Nabanggit kasi nito kanina na masama ang kutob nya.









            

               "Mabuti pa mag bihis ka na.." Wika nito at kunway hindi pinansin an
g mga sinabi ko.






            "Hindi ko kayang mag bihis mag isa." Sabi ko naman na lalong kina buntong hininga nito. Tahimik na itong nagkalkal ng mga gamit ko sa dala kong bag.. pinagmamasdan ko lang sya hanggang napa kunot noo ito.






          "Wala ka bang ibang bihisan? Puro pang swimming.!" Sabay taaas pa ng dala kong one-piece..







               "Yung robe nalang makapal naman yan.. akin na ako nang bahala." Wika ko at agad naman nitong inabot sa akin ang roba.. Napa kamot naman ito ng ulo parang problema pa nito kung paano ko ito isusuot. Naisip kong huwag nang hubarin ang suot kong swim suit dahil na tuyo naman na ito sa katawan ko. Kayang kaya ko namang isuot iyon dahil sa binti naman ang injury ko.










              "Bukas ba magaling ka na? Alam mo namang may pasok ako sa school ng maaga bukas." Hindi ko namang maiwasang mapangiti dahil ibig sabihin lang nun pumapayag na itong samahan ako ngayong gabi..










                "Depende kong magaling ba ang magiging nurse ko!" Tugon ko naman. Ay agad naman nito akong inirapan.. Hinila ko naman ang kumot at ibinalot sa aking katawan ng maramdaman ko na naman ang sobrang ginaw.. Tahimik na ito at inayos ang dala kong pagkain, naglagay ito ng palaman na cheese sa loaf bread pinagsalikop sa isa at tsaka lumapit ito sa akin.










            "Kumain ka para may lakas ka.. namumutla ka na!" Seryoso nitong wika at may himig ng pag aalala ang boses nito.. Sumunod nalang ako dahil naramdaman ko din ang pang hihina ng aking katawan.. Kinuha ko ang sandwich at agad ko itong kinain kahit wala akong panlasa pinilit ko parin itong inubos. Pinagmamasdan lang naman ako nito.  "Gusto mo pa?" Tanong naman nito pagka tapos kaya lang mabilis akong napa iling.. Mabilis naman nitong kumuha ng bottle water sa sa cooler at inabot muli sa akin..









          "Thank you.." Sincere ko namang sabi bago binuksan at uminum ang lamang tubig.. halos maubos ko din ang laman ng bote. Dun ko lang napansin na madilim na ang buong paligid.. Gusto ko sanang kumilos para maka gawa nang bonfire kaya lang hindi talaga kaya ng isang binti ko mukhang malalim ang pagkaka sugat nito.












               "Kailangan mo nang magpahinga." Turan nito at inalalayan muli akong humiga sa may papag yung inayos kong tulugan.. "Gosh ang init mo parin!" Komento nito ng mahawakan nito ang aking braso.. Nanginginig na din ako sa sobrang lamig na sana mapansin din nya iyon..








             

                "Ang ginaw.." Di ko ma mapigilang bigkasin nang binalot ko ang katawan ko ng kumot at hindi parin nabawasan ang ginaw na nararamdaman ko.










              "Ikaw naman kasi ang tigas ng ulo mo.." Sermon ni Shawn habang umayos naman ng higa sa tabi ko.. Sumiksik ito sa ilalim ng kumot dahil isa lang naman itong dala ko. Pagka tapos ay niyakap nito ang isang braso nya sa akin.. Lalo ko namang siniksik ang katawan ko kanya. I niyakap ko na rin ang braso ko sa baywang nito..









                   "Thank you Shawn..." Wika ko nang medyo nawawala yung lamig dahil sa yakap nya.








               "Basta bawas bawasan mo yang katigasan ng ulo mo dahil napapahamak ka sa ginagawa mo." May himig na pag aalala nitong turan. Laking pasasalamat ko din dahil binalikan nya ako dito,kung wala ito malamang isa na akong matigas na bangkay bukas..
Marahan kong kinilos ang isang braso ko at pinasok iyon sa loob ng kanyang suot na t-shirt at marahan kong hinaplos ang palad ko sa kanyang likod. Masarap sa pakiramdam ang aking ginagawa narinig ko naman ang marahas nitong paghinga habang ang mukha ko ay naka siksik sa leeg nito.. Hagod ko parin ang likod nito ng marahan akong kumilos at pinagpantay ang aming mukha. Tsaka ko hinagilap ang kanyang mga labi gamit ang labi ko. Sa pagkakataong ito ay agad syang tumugon sa mga halik ko..

"BORN TO LOVE YOU" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon