SHAWN POV
"Pakasal na tayo.." Natulala naman si Wilson sa sinabi ko,ni hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha sa pagka bigla.. Masyado yata itong nabigla sa sinabi ko.. "Ayaw mo ba?" Sabi ko ulit ng hindi parin ito kumikibo.
"Hindi... Syempre gusto ko.. hindi ko lang kasi inaasahang sabihin mo ito sa akin.." Dun biglang nag liwanag ang mukha nito.. Sinadya kong dumaan kami may simbahan ngayon kahit walang misa. Yun kasi ang importante kong sasabihin sa kanya. "Kelan mo gustong magpakasal tayo?" Tila excited na nitong sabi at hinawakan ang mga palad ko.
"Pwede namang ngayon na!" Tugon ko naman at nagtataka itong tumitig sa mga mata ko. Si Wilson lang ang lalaking gusto ko na makasama sa pagtanda. Bubuo ng masayang pamilya,magkakaroon ng mga anak. Handang handa na ako sa bagay na yun..
"Pa-paano,ni wala pa akong singsing man lang!" Agad na akong napatayo sa ideang naisipan ko. Hila ko ang kamay ni Wilson ay nagmamadali kaming tumungo sa harapan ng altar. Buti na lang at kami lang dalawa ang nandito ngayon.
"Magsumpaan tayo na parang ginagawa ng kinakasal. Tsaka natin planuhin yung totoong kasal natin!" Turan ko habang magka harap kami at hawak ang kamay ng bawat isa.. Ito lang ang naisip kong paraan para tuluyan ng maka iwas kay Lou..
Katulad ng ginagawa ng kinakasal,ginaya namin iyon ni Wilson.. nagsumpaan kami sa harap ng altar na magsasama sa hirap at ginhawa. Hanggang matapos ang I do ng bawat isa. Bigla namang kumabog ang dibdib ko ng heto na yung kiss the bride.. Nagka titigan kami ni Wilson at unti unti ng lumapit ang mukha nito sa aking mukha kaya agad kung pinikit ng mariin ang aking mga mata. Naramdaman ko na lang ang mainit na bagay na dumampi sa labi ko. Kaya lang muntik ko na itong ilayo buti nalang naalala kong kasintahan ko pala ang humahalik sa akin. At asawa ko na sya sa mata ng panginoon.
Bigla naman akong napa mulat ng mga mata ng wala na ang labi niya doon. At naka ngiti ito na naka titig sa akin.. "Mahal na mahal kita Shawn gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang sa piling ko at hindi ka magsisisi.." Sincere nitong wika.
"Mahal na mahal din kita." Naluluha kong wika tsaka ko sya niyakap ng sobrang higpit.. Ilang sandali ay masaya na kaming maka hawak kamay na lumabas ng simbahan..
"Sunduin mo ako ng maaga sa sabado ha! Gusto kitang makasama." Maka hulugan kong wika sa kanya bago ako umangkas ng motorsiklo at nagpahatid na ako sa mansyon. Napag pasyahan kong ilihim muna namin ito habang inaayos namin ang totoo naming kasal..
Walang kibo akong pumasok sa loob ng mansyon at nagmamadaling tumungo sa aking kuwarto. Pag pasok ko sa loob ng aking kuwarto ay marahan akong umupo sa gilid ng aking kama at napa buga ng hangin. Tama lang itong naging desisyon ko nasa namang edad naman na kami ni Wilson. At kahit anong mangyari hinding hindi ko naman papabayaan ang Lola ko.
"Shawn..." Bigla naman akong napa hawak sa dibdib ko ng may magsalita sa may pinto. Nakatayo mula doon si Lou dahil nakalimutan ko pala itong isara kanina. Maayos naman na ang kalagayan nito at humihilom na ang kanyang sugat sa binti.
Bigla tuloy akong napatayo at hindi ko ito kinibo. Kunway nag tungo ako sa aking closet para maghanap ng pamalit na pambahay na damit."Alam kong iniiwasan mo ako.'' Turan nito ng tuluyan na itong pumasok sa loob ng kuwarto.. Buti naman at ramdam niya.
"Lumabas ka na at magbibihis ako.." Malamig kong paki tungo sa kanya.. Narinig ko naman ang pag hugot nito ng malalim na paghinga..
"Tungkol doon sa nangyari -"
"Pwede ba Lou diba sinabi ko na sayo kalimutan na natin yung nangyari.." Putol ko sa sinasabi nito. "At huwag na huwag mo na itong babanggitin pa lalo kapag nandito tayo sa loob ng mansyon." Dun ako nagbaling ng tingin sa kanya sabay duro ng daliri ko sa kanya. Naiinis talaga ako kapag nakikita ko ang pag mumukha nito.
"Bakit ba ang laki ng galit mo sa akin ginusto mo din naman yun-"Isang malakas na sampal ang pinaka walan ko at dumapo sa kaliwang pisngi nito.. Ang kapal talaga ng pag mumukha nya. Napa biling ang mukha nito sa sobrang lakas ng pagkaka sampal ko. Kahit nakaramdam ako ng guilt nanaig parin yung galit ko. Mag mula ng dumating sya dito perwisyo na sya sa buhay ko.
"Hindi ko pinagsisihan ko yun!" Matapang parin itong humarap sa akin ni hindi natinag sa pagkaka sampal ko.
"Ako sising sisi at diring diri- uhhmmpp-" Bigla na lang nitong marahas na hinalikan ang mga labi ko.. Pilit naman akong nagpupumiglas habang mariin nitong hawak ang aking batok.. Naalala kong bukas yung pinto baka may makakita sa amin. Kaya lang mautak ito dahil sinandal nito ako sa gilid ng closet. Medyo tago iyon sa may pinto. Habang patuloy ang pag sibasib nito ng halik sa bibig ko.
Pakiramdam ko ang hapdi na nang labi ko.Nanghihina na ako ng naisipan kong sipain ang binti nito na may sugat...
"Ouch!!" Daing nito at sa wakas pinaka walan na nya ako. Kapwa kami hinihingal habang syang ay napa upo sa sahig at hawak ang binti nitong may benda..
"Dapat lang sayo yan dahil sa kabastusan at kamanyakan mo.." Nagngangalit kong turan habang himas parin ang binti nito.. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makita kong may umaagos ng dugo galing sa sugat nya ganun kalakas ang pag sipa ko sa sugat nya. Habang panay parin ang daing niya.. Biglang parang nanikip ang dibdib ko sa nakikita ko ngayon. Lalapitan ko na sana ito-
"Kakainin mo din lahat ng mga sinabi mo sa akin." Turan nito at pinilit nyang tumayo.. "Gusto ko lang naman magka ayos tayo kaya lang sumosobra ka naman.." Iika ika na itong lumabas ng kuwarto habang may mga tumulong dugo sa may sahig.
Nanlambot naman akong bigla at marahan akong tumungo at umupo sa gilid ng aking kama. Alam ko naman ang pagkaka mali ko kaya lang inuunahan kasi ako ng inis at galit tuwing nakikita ko sya.. Nakakainis kasi! Baka mamaya makita ni Lola yung sugat nya na dumugo imbes na pagaling na. Kasalanan naman nya kasi..
BINABASA MO ANG
"BORN TO LOVE YOU" (GXG)
Romancegirl to girl short story. Ito ay isang kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon.. LOU YANONG at SHAWNTEL CRUZ ang napili ko po na main characters dito. Gustong gusto ko kasi sila. *****Do not steal my stories..... Plagiarism is a crime****