SHAWN POV
Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan at heto naka panganak na ako isang napaka gandang anghel,kaya lang nagtataka kami dahil kahawig ito ko Lou I mean basta nakuha nito ang kutis at shape nang ilong. Dahil ba sa kanya ko pinaglihi ang anak ko! Tuwang tuwa tuloy ang manyak.. Para ngang wala man lang nakuha kay Wilson.
Her named was Francheska Lee Dayao Perugino.
Yes sila na naman ang nasunod na family name ni Lou ang gagamitin namin. Wala na naman akong nagawa dahil si lola ko ay sumang ayon sa gusto nila.. De bale si Lou naman ang pagbubuntunan ko lalo ko syang papasakitan at kakawawain hanggang sya na mismo ang makipag hiwalay sa akin. Kung tutuusin kaya ko naman buhayin ang anak ko,unti unti ko na din natatanggap ang pagka wala ni Wilson. Ituon ko na lang ang buong pagmamahal ko sa aking anak.."Lou ikaw muna ang mag bantay kay baby cheska ha iidlip lang ako saglit!" Turan ko habang abala ang pag rerewiew,final exam na nila ngayong taon at mag second year college na ito sa kursong BSBA. Mag two months na ang baby namin, I mean baby ko pala.. Madalas na nagigising ito madaling araw at kailangan gising din ang isa sa amin para kalaruin sya dahil kung wala iiyak ito ng iiyak. Ganun din daw ako nung baby ako sa ni lola.
"Sure mmy..." Maglambing naman nitong turan. Hindi ko na lang ito pinansin at humiga na ako sa aking kama.. Nag aaral sya sa week days at pag Friday night lumuluwas ito papuntang Manila dahil sa pagiging model nito. Hinahayaan ko lang sya wala naman akong paki alam. Kahit nga huwag na syang umuwi okay lang! Bilib din ako kahit ganun ka hectic ang kanyang schedule nakakapag aral parin sya ng maayos. Hayy bakit ba sya ang iniisip ko itulog ko na nga lang..
Naalimpungatan ako ng narinig ko ang pag iyak ng anak ko,hindi ko namalayan kung ilang oras akong naka tulog. Agad akong napa bangon mula sa pagkaka higa at nabungaran kong karga karga ni Lou si baby cheska at matamang sinasayaw habang panay ang hikab.
"Bakit ba iyak ng iyak yan?" Naiirita kong taong.. Habang patuloy ang paghele kay Cheska.
"Sorry Mmy hindi ko namalayan naka idlip pala ako!" Hindi naman nito ng paumanhin..
"Diba nga binilin ko na nga sayo? Para yun lang makaka ligtaan mo pang gawin." Sermon ko parin. Nakaka inis kasi eh! Alam naman nyang kapag umiyak ng ganyan si baby Cheska,hirap nyang patahanin. "Kapag hindi mo napa tigil yan,hindi talaga kita papatulugin kahit exam mo pa mamaya.. Gigil kong turan. Alas tress na kasi ng madaling araw ng sinipat ko ang wall clock.
"Tahan na baby ha! Sorry naka idlip si Mama.." Wika naman nito habang kinaka usap ang anak ko! Todo sayaw parin nito at pilit na pinapatahan si cheska."Sleep na ulit anak,mapapagod ka na sa kaka iyak mo opo.. love na love ka ni mama." Bigla namang nag mimick words si cheska.. "Yes baby tahan na opo nagagalit na sa akin si mommy masungit!" Napa buga na lang ako nang hangin,maya maya ay tumahan na rin ang anak ko. Todo hele parin si Lou.
"Sige na Mmy,matulog ka na ulit, sorry kung naistorbo kita." Baling nito sa akin habang nakatayo at naka pamewang sa naka harap sa gawi nito. Tuluyan ng naka tulog muli si baby cheska at dahan dahan na nitong binababang muli sa may ibabaw ng crib. Hindi na lang ako kumibo at bumalik na muli ako sa pagkaka higa! Ako naman ang ngiting tagumpay ngayon! Sabagay madalas naman na dahil kong alilain ko sya utos utusan ng kung ano ano kahit may mga kasambahay pa kaming kasama.. Sunod sunuran naman ito. Muli ko nang ipinikit ang aking mga mata.
Naramdaman ko na parang may malambot na bagay na humahaplos sa aking pisngi.. napa ungol naman ako ng mahina. "Morning Mmy.. gising na naghanda na ako ng breakfast para sayo." Nang narinig ko ang boses ni Lou ay agad akong nag mulat ng mga mata. Naka tunghay ito sa mukha ko habang marahang humahaplos sa kaliwa kong pisngi. At naka ngiti ng todo.. Bagong paligo ito at naka suot na ng school uniform! Agad naman akong napa bangon at mabilis na pinalis ang palad nito sa mukha. Actually madalas naman nya itong ginagawa minsan nag tutulog tulugan na lang ako.
"Pasok na ako Mmy.." Paalam nito nang akmang hahalikan ang labi ko ay nag iwas ako ng mukha. Sorry ka pag tulog lang ako nagagawa mo akong nakawan ng halik.
"Sige na umalis ka na,umuwi ka nalang agad pagka tapos ng exam mo at marami ka pang gagawin dito sa bagay.." Pagtataboy ko naman sa kanya..
"Yes Mmy,syempre dahil mamimiss ko kayo kaagad ni baby cheska.." Sabay tungo sa gawi ng crib at andun ang masarap paring tulog na anak ko.. "Bye anak alis na si Mama I love you." Turan nito na kina buntong hininga ko na lang! Ayoko mang magsungit sa kanya tuwing umaga parang naka sanayan ko na rin mula ng naging mag asawa na kami.
Tuluyan na akong bumangon at nakita ko ang pagkaing naka hain sa may ibabaw ng side table at tatlong stem ng red roses mukhang pinitas lang nito sa bakuran ng mansyon. Sabagay wala naman itong time na bumili pa sa flower shop dahil final exam nya.. Araw araw naman nya akong binibigyan nito kahit pa nasa Manila ito hindi na kinaka ligtaan na padalhan ako ng bulaklak,suki na nga sya nung isang flower shop sa bayan. Bigla ko namang pinilig ang aking ulo aga aga sya ang pumapasok sa isip ko.
Nagpasya na akong maligo habang tulog pa ang anak ko bago ako kakain at gumawa ng mga gawaing bahay. Namimiss ko na rin ang pagtuturo kaya lang gusto ko munang mag focus sa anak ko kaya nag file muna ako ng isang taong leave. After one year pwede na ulit akong magtrabaho kahit isama sama ko na si cheska sa school. Pag tungo ko nang banyo nakaayos na naman ang gagamitin ko sa pagligo at pagka tapos maligo. Hindi ba napapagod si Lou sa ganitong ginagawa! Napa hugot nalang ako nang malalim na paghinga. Magsasawa din yun..
Nag hubad na ako at tumapat sa shower.. Bigla namang sumagi sa isip ko si Wilson kung buhay kaya sya ganito din ba sya sa akin kahit may anak na kami? Tulad ng ginagawa sa akin ni Lou sa aming mag ina. Si Wilson kasi hindi sya ganun ka sweet na tao ni minsan hindi nga ako binigyan ng bulaklak at noong nagsasama na kami kahit buntis ako,ako talaga yung nag sisilbi sa kanya dahil ako nga yung babae. Masarap din sa pakiramdam yung ginagawa ni Lou na pag sisilbi sa akin kaya lang hindi ko sya magawang mahalin.
Binilisan ko na lang ang pagligo bago pa magising ang anak ko..
BINABASA MO ANG
"BORN TO LOVE YOU" (GXG)
Romancegirl to girl short story. Ito ay isang kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon.. LOU YANONG at SHAWNTEL CRUZ ang napili ko po na main characters dito. Gustong gusto ko kasi sila. *****Do not steal my stories..... Plagiarism is a crime****