LOU POV
Labag man sa kalooban kong bumangon sa higaan kaya lang kailangan dahil maaga kaming luluwas ni Ivy ngayon. Mariin ko munang hinalikan sa noo si Shawn bago ako tuluyang umalis ng higaan. Sarap pa ng tulog ng asawa ko mukhang napagod yata,napangiti at napapa iling na lang ako habang hubot hubad akong tinungo ang banyo..
Mga sampong minuto lang akong naligo,mabilis lang yun kailangan ko munang mapag handa ng breakfast ang aking asawa bago man lang ako umalis. Kahit yun man lang sana ang mamimiss nya sa akin kapag nasa malayo ako. Mabilis na akong nag suot ng bathrobe at lumabas nang banyo habang tinutuyo ko ng tuwalya ang aking buhok. Kaya lang napa kunot noo ako ng makita kong wala na din si Shawn sa kama namin at nakaayos na iyon. Samantalang si baby cheska ay sarap parin ng tulog nito..
Nagpasya akong magbihis na lang. Hanggang matapos na akong mag ayos nang sarili ay wala parin si Shawn. Hindi pa ito bumabalik ng kuwarto namin.. Pag baling ko sa wall clock ay 6:30 am na pala sobrang bilis nang oras 7sharp kasi ang usapan namin ni Ivy.
Habang himbing paring natutulog ang aming anak ay marahan ko itong kinarga at pinaka titigan. Hindi ko naman napigilang mapa luha ng sandaling iyon.
"Mamimiss kita anak,sobra!" Wika ko.. Kahawig ko talaga sya promise.. "Mahal na mahal kita baby,mahal na mahal ko kayo ng mommy mo-" Turan ko nang biglang bumukas ang pintuan ng kuwarto.. Pumasok si Shawn at mukhang bagong paligo din ito.
"Morning Mmy.." Bati ko rito."Morning too.." Tugon naman nito pero hindi ito maka tingin sa akin ng diretso..
"Nagising ba kita kanina? Sana sumabay ka na sa akin na naligo." Sabi ko sabay baba ulit kay baby cheska sa crib..
"Asa ka naman." Pabulong naman nitong turan na kina tawa ko naman ng mahina. Parang kagabi lang todo ungol sya tapos ngayon nag susungit.
"Naka pag ayos ka na ba? Kumain ka muna ng agahan bago ka umalis.." Lihim naman akong napa ngiti ng sandaling iyon."Sweet naman ng misis ko pinagluto pa ako ng breakfast.."
"Asa ka namang gagawin ko yun,bumaba lang ako at nakita kong naka luto na sila ng breakfast.." Depensa naman nya. Agad ko naman itong nilapitan at hinapit sa baywang..
"Mamimiss kita Mmy.." Anas ko sa kaliwang tainga nito,narinig ko naman syang napa singhap sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit..Hindi naman ito tumugon sa yakap ko pero ayos lang yun,naka score naman ako kagabi..
Bigla namang may kumatok sa pintuan ng aming kuwarto..
"Señorita nandyan na po si Ivy sa ibaba..'' Dinig kong turan ng isang kasambahay dahilan para kumalas na ako sa pagyakapos ko kay Shawn.."Mukhang excited na yung kasama mo ah! Sige na bumaba kana ayos na kami ni baby cheska dito.." Malamig nitong pakitungo sa akin kina buntong hininga ko naman..
"Mmy..." Akmang hahalikan ko sya pero nag iwas ito ng mukha..
"Sige na.."Pagtataboy parin nito.. Kahit masama ang loob kong umalis ng ganito,wala naman akong magagawa.. kahit anong gawin kong suyo sa kanya baka abutin pa ako ng syam,syam sa beyahe..
____________________________________
Mabilis lumipas ang araw,isang linggo hanggang dalawang linggo na ako dito sa Manila habang kasama ko parin si Ivy sa unit ko. Hindi nga ako nagkamali nagustuhan agad sya ng manager ko at mabilis din itong natuto. Masaya ako at natulungan ko ito,sabak agad ito sa isang TV commercial.
Hindi din naman ako manhid para hindi mahalatang may gusto ito sa akin. The way na asikasuhin nya ako kapag nasa unit kami,pagsilbihan nya ako. Kaya lang faithful ako sa asawa ko. Kahit sinusungitan parin nya ako kapag tinatawagan ko sya mahalaga sa akin ay sinasagot nya ang mga tawag ko. At kahit ang ending ay awayin nya ako dahil kay Ivy. Hindi ko parin maiwasang umasa na kaya ginagawa nya iyon dahil nag seselos lang sya kay Ivy. Tuwang tuwa naman ako kapag inaasar ko ito.
"Morning Lou.." Bati sa akin ni Ivy isang umaga paglabas ko ng aking kuwarto. Sa may couch kasi ito natutulog dahil nga isang room lang naman tong apartment ko. "Coffee?" Alok pa nito..
"Morning.. thanks ako na bahala sa kape ko." Tugon ko naman.. At nagtungo na sa connecting kitchen nitong salas. "Wala kang work ngayon?" Tanong ko naman habang nag titimpla na ako ng coffee ko.
"Meron mamaya pa yun 3pm, eh ikaw ba?"
"Ah Ivy... Kaya mo na bang maiwang mag isa dito!may photo shoot ako mamaya at balak ko pagka tapos diretso muna ako uuwi sa mag ina ko. Miss na miss ko na kasi sila eh! Babalik din ako next day." Paalam ko rito. Naka plano na ang pag uwi dahil kaarawan ko bukas. 24th birthday ko at gusto kong kasama ang mag ina ko sa araw na iyon.
"Okay naman ako, sa tingin ko naman kaya ko na.. Malaki na ako noh!" Tugon naman nito.. "Kung hindi lang diretso tong schedule ko gusto ko din sanang umuwi. Miss ko na rin sila inay ay itay.. Pero okay lang tiis tiis muna." Dugtong pa nitong turan. Buti naman kung ganun at excited na rin akong umuwi.. Wala yatang nakaka alam sa bahay na kaarawan ko bukas ang parents ko naman ay busy nasa ibang bansa sila ngayon..
Medyo nainis ako dahil late na natapos ang photo shoot inabot na kami ng 10 ng gabi.. Ang balak ko pa naman bago man lang mag 12 midnight makarating ako ng sagada kaso mukhang malabo na at aabutin na ako ng birthday ko sa daan. Pero okay lang ang mahalaga bukas makasama ko ang pamilya ko. Gagawin ko na lang ang pinaka mabilis at maingat na paraan maka uwi lang ako..
Saktong 12 ng gabi ng naisipan kong tawagan si Shawn. Sana gising pa ito o sana hindi ito mag sungit.. Gamit ang Bluetooth headset ko nang nag umpisa na aking mag dial at kaagad naman itong nag ring..
"Hello.. Gabing gabi na tumatawag ka pa. Tapos na ba ang work mo asan kana naka uwi ka na ba?" Sunod sunod naman nitong tanong na kina ngisi ko..
"Happy birthday to me... Happy birthday to me.. happy birthday happy birthday! Happy birthday to me.." Masaya ko namang kanta habang ganadong ganado din ang mag maneho..
"Ano bang kalokohan yan Lou.. Nang istorbo ka ng tulog dahil lang sa kanta mong yan!"
"Birthday ko nga ngayon Mmy and you know what I'm driving right now.. Miss na miss ko na kayo ni baby Cheska.. Iloveyou so much mommy Shawn hintayin mo ako ah!" Masaya kong turan..
"Anong oras ka ba makaka rating?'' Biglang naging malumanay ang pananalita nito na kina galak naman ng puso ko. Siguro kailangan ko pang bilisan ang pagmamaneho para makarating ako kaagad.
"Maybe four to 5 am Mmy!!" Hindi ko siguradong tugon..
"Okay.. hintayin ka namin ng anak na-natin.." Tugon nito na sobrang kina tuwa ko. Ngayon ko lang narinig iyon mula sa kanya.. lagi lang anak ko ang sinasabi nito. Kumanta ulit ako ng happy birthday at naririnig kong napapa tawa na ito sa kabilang linya.. Nang biglang apakan ko ang preno at bigla akong kinabahan dahil ayaw gumana.
"S-sige na Mmy.. Ibababa ko na okay. Ahm. Mahal na mahal kita Mmy. Kayo ni baby Cheska.. b-bye Mmy." Natataranta ko nang turan dahil hindi na talaga gumagana ang brake.. Gosh?!.
BINABASA MO ANG
"BORN TO LOVE YOU" (GXG)
Romancegirl to girl short story. Ito ay isang kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon.. LOU YANONG at SHAWNTEL CRUZ ang napili ko po na main characters dito. Gustong gusto ko kasi sila. *****Do not steal my stories..... Plagiarism is a crime****