LOU POV
Umaga nang sabado,pagbaba ko nang hagdanan galing sa aking kuwarto ay nahagip ng paningin ko si Shawn. Parang may malamig na hanging humaplos sa dibdib ko nang sandaling yun. Anim na buwan na ang kanyang dinadala at halata na ang umbok ng kanyang tyan. Abala itong hinihimas iyon at parang kinaka usap ang baby sa kanyang tyan.
Napa ngiti naman ako habang patuloy sa paghakbang pababa. Matyaga ko syang hinahatid sundo sa trabaho sa araw araw at sa paglipas ng mga panahon,lalo akong naging pursigedo sa aking plano.
Naka usap ko na si Lola Sonia ang tungkol doon,ni hindi naman ito tumutol bagkus ay tuwang tuwa pa ito sa pinag tapat ko. Mas gusto pa daw niya kesa naman kay Wilson noon.
Hay sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.Kahit sa parents ko ay pinag tapat ko ang totoo,masaya ako dahil sa pag suporta nila sa desisyon ko. Sa tinagal tagal na din nang paninilbihan ni Lola Sonia sa pamilya namin,panahon na din daw para suklian ang katapatan niya sa pamilya Perugino..
Plano kong bumalik na sa pag momodelo habang pinag papatuloy ang aking pag aaral at bubuo ng masayang pamilya kasama si Shawn at ang magiging anak nya- anak namin pala.. Mahal na mahal ko silang mag ina kaya gagawin ko ang lahat tanggapin lang nya itong alok ko.
Marahan na akong humakbang patungo sa kinaroroonan nito sa may mahabang couch at biglang lumuhod sa harapan nya. Kitang kita ang pagka gulat sa mukha nito sa ginawa ko.
"Ahm.. good morning Lou." Nagawa parin nito akong batiin na lalong kina kabog ng dibdib ko. Marahan ko namang hinimas ang tyan nito. Hindi na nito ako sinusungitan simula ng mawala si Wilson, alam kong ang sama sama ko dahil hindi ko din maiwasang sumaya dahil sa pagka wala ni Wilson nagkaroon muli ng pag asa ang puso ko kay Shawn.
"Good morning to you too baby." Sabay dampi ng labi ko sa umbok na tyan niya at narinig ko naman syang napa singhap. Tsaka ko sya tiningala at ngumiti ako ng malapad. "Good morning too mommy Shawn." Seryoso kong turan sabay dukwang ko at ginawaran ko ng halik sa noo at muling lumuhod sa harapan nya. Nakita ko kung paano sya napa kagat ng pang ibabang labi sa ginawa ko.
Dinukot ko ang isang diamond ring sa aking bulsa ng maong short. Mismong magulang ko ang nag bili nito sana sukat ito sa daliri ni Shawn.. Huminga muna ako ng malalim bago dahan dahang nilahad ang hawak kong sing sing. Na plano na namin ito ni Lola Sonia,kung sakaling mag aalangan si Shawn sa gagawin ko magiging back up ko sya.
"Shawn... I want you to marry me.." Walang kagatol gatol kong turan habang naka titig sa mukha nito. Hindi pa nag zinc in sa utak nya ang sinabi ko. "Mahal kita Shawn at gusto kong panagutan yang dinadala mo-"
"Ano? Teka lang Lou... A-ano nang pinagsasabi mo. Nahihibang ka na ba!!" Tuloy tuloy nitong litanya ng makuha na nito ang sinasabi ko at agad na napa tayo sa kina uupuan.. Nanatili naman akong naka luhod at hinawakan ko ang dalawang palad nito..
"Totoo ang mga narinig mo Shawn.. Pakasal ka sa akin at ipapangako kong hindi ka magsisisi-"
"Nababaliw ka na ba?" Putol nya sa sinasabi ko sabay tawa nito ng pagak. "Kasal? Papa kasal ako sa kapwa ko babae at sayo pa! Hindi maari-"
"Shawn... Sobra na yang pananalita mo sa kababata mo!" Pasalamat ako at sumulpot na rin sa wakas si Lola Sonia. Taimtim akong nagdasal na sana sya ang maka kombinse sa apo nya.
"Paano naman kasi la.. binibigla nya ako at anong trip na naman ba ito!" Katwiran naman niya. Napa buntong hininga naman si lola Sonia sa pagkakataong ito.
"Kina usap na ako ni Lou sa bahay na ito at-"
"At ano la! Pumayag kayo sa kabaliwan ng babaeng yan. Dahil spoiled sya sa magulang nya gawin na lang nya basta basta ang maisipan nyang gawin!!" Kontra parin nito.
"Inaalok ka nang maayos ng tao dahil totoo ang hangarin nya sayo.. At para din ito sa kabutihan mo at sa magiging anak mo.." Paliwanag ni Lola Sonia.
"La... Bakit niyo ako pinagkakaisahan!" Naiiling nitong sabi sabay hablot sa mga kamay niyang hawak ko na para bang bigla itong nandiri sa akin.
"Ikaw naman Lou sabihin mo nga ang totoo anong klaseng trip na naman ba ito!" Baling nito sa akin. Na agad ko ding kina iling. Nangawit na rin ako sa pagkaka luhod kaya napa tayo na ako ng diretso muling humarap sa kanya.."Totoo ang hangarin ko para sayo Shawn.. I love you with all my heart. Gusto kitang pakasalan dahil ito ang sinisigaw ng puso ko. Ayokong mawala ka ayokong mapunta ka pa sa iba! Kaya Shawn.. please isipin mo na lang yung para sa anak mo. Kahit huwag na sa akin! Alam ko naman na hindi mo kayang suklian itong nararamdaman ko sayo." Sincere kong sabi. Kitang kita ko kung papaano mag taas baba ang dibdib nito.
"Bukas darating ang mga magulang ni Lou kasama ang kaibigan nilang judge galing ng Europa na syang magkakasal sa inyong dalawa.. at legal ang kasalang magaganap.."
Doon pumatak ang luha sa mga Shawn,alam kong pakiramdam nyang pinagkakaisahan sya ng sandaling ito. I'm so sorry Shawn mahal lang talaga kita kaya ginagawa ko ang lahat ng ito. Sana ma realize mo din ang lahat ng ginagawa ko.Lakad takbo itong pumanik ng hagdanan habang hilam ng luha ang kanyang mga mata.
"Sundan mo sya apo. Alam kong naguguluhan lang sya at nabigla ng husto.. pero kabisado ko ang apo ko!" Wika ni Lola Sonia.. agad naman akong sumunod sa sinasabi nito,sinundan ko si Shawn hanggang sa kanyang kuwarto. Buti at hindi naman nito ni lock ang pinto.
Naabutan ko syang naka upo sa kanyang kama yakap yakap ang kanyang dalawang tuhod habang umiiyak na parang bata na naagawan ng laruan. Ni ayaw ako nitong tignan ng marahan akong lumapit at umupo sa gilid ng kama.
"Shawn...." Banggit ko sa pangalan nito. "Maniwala ka mahal kita. At handa akong gawin lahat para sayo." Wika ko doon sya nagbaling ng tingin sa akin.. Marahan naman akong lumapit sa kanya at pinahid ang luha sa kanyang magkabilang pisngi gamit ang aking mga daliri.. "Para sayo at para sa magiging anak mo." Dugtong kong sabi.
"Sige pumapayag na ako." Talaga? Kakaibang saya ang naramdaman ko ng sandaling ito .. "Pero ito ang tandaan mo.. hinding hindi kita mamahalin Lou,dahil si Wilson lang ang nag mamay ari ng puso ko. Wala nang iba!" Parang tinarak naman ng punyal ang dibdib ko sa sinabi nito. Mahirap makipag kompitensya sa taong patay na. Pero mag susumikap ako na darating yung araw na matutunan din nito akong mahalin.
"Thank you Shawn..." Nagawa ko paring ngumiti sa harapan nya kahit na tagos ang sakit sa sinabi nito kanina.. Agad kung kinuha ang kaliwang palad nito at marahang sinuot sa pala singsingan nito ang singsing. Narinig ko naman syang napa singhap ng sandaling iyon saktong sakto sa daliri nito at bagay na bagay sa kanya. Nagtaka man ako dahil wala itong singsing na suot nung kinasal sila ni Wilson,benale wala ko nalang iyon baka hinubad na siguro nito.
BINABASA MO ANG
"BORN TO LOVE YOU" (GXG)
عاطفيةgirl to girl short story. Ito ay isang kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon.. LOU YANONG at SHAWNTEL CRUZ ang napili ko po na main characters dito. Gustong gusto ko kasi sila. *****Do not steal my stories..... Plagiarism is a crime****