SHAWN POV
"Mom... Dad.." Marahang turan ni Lou habang naka titig sa mga magulang nito.. Samantalang ako parang hangin lang sa paningin nya kaya nanatili parin akong walang kibo dito sa may sulok. Matapos syang kausapin ng doctor tsaka nito kami pinapasok muli sa kuwarto ni Lou..
"May naalala ka na ba anak?" Tanong mommy Veron.. Kaya lang marahang napa iling si Lou.
"She's now suffering in PTA. Or ibig sabihin nun ay Post-traumatic amnesia." Paliwanag ng doctor. Halos sabay pa kaming napa takip ng bibig ni mommy Veron. "Malakas ang pagka bagok ng left skull nya kaya ganun ang nang yari. Well,babalik din naman sya sa dati-"
"Gaano po katagal na wala syang maalala?" Hindi ko maiwasang sumabat sa usapan ng sandaling yun..
"More or less than 10weeks.. Unti unti namang babalik ang alaala nya. Depende na yun sa kanya or sa tulong ninyo. Maari ninyo isalaysay sa kanya ang buhay niya bago sya naaksidente malaking tulong yun." Tugon naman ni doc. Pagka tapos ng iba pang paliwanag ay nagpaalam na din ito. Kami na ulit tatlo ang naiwan sa loob.
"Lou anak.. Wala ka ba talaga kahit konte man lang na naalala?" Tanong ni mommy Veron ng lumapit ito sa kinaroroonan ng anak. Tumingin naman si Lou sa mommy nito at marahang napa iling..
"Anak ako ang mommy mo at si daddy mo.. at." Nagbaling ito ng tingin sa akin. "Si Shawn o kababata mo.." Napa titig naman si Lou sa akin pero agad ding nag bawi ng tingin.."Hindi mo lang sya basta kababata anak.. kundi asawa mo sya!" Turan pa ni mommy Veron na biglang kina kunot ng noo nito.
"What???No way!! Ulitin mo nga ang sinabi mo Mom!!" Di makapaniwalang bulalas nito at napa tawa pa ng pagak. "How come? At kahit wala akong matandaan sa past ko I know myself na straight ako." Turan pa nito. Para namang may pumiga sa puso ko ng sandaling iyon. "I can't believe this.." Napapa iling pa nyang sabi..
Napa kurap kurap naman ako at nag init bigla ang sulok ng aking mga mata.."Yes anak.. totoo ang sinasabi ko." Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok si Lola Sonia karga karga si baby cheska na bahagyang umiiyak..
"Umiiyak hindi yata makuha ang tulog...'' Turan naman ni Lola sabay abot sa akin si baby.. Pagka tapos ay muli ulit itong lumabas ng kuwarto alam na rin kasi nito ang kalagayan ni Lou,hinayaan muna niya kaming kami ang kumausap kay Lou.. Pagka karga ko kay cheska agad naman itong tumahan.
"Mmmaaa!" Bigkas pa nito.."See Cheska recognize you.. Kilala ka ng baby ninyo..'' Masayang wika ni Daddy Florence..
"What?? That baby anak namin.. Paano na naman nangyari yun.. fuck.." Gosh sobrang sakit na paulit ulit nya akong nirereject kaso anong magagawa ko wala nga itong maalala. Tanggapin ko na lang na ganun ang reaksyon nya..
"Ahm.. Kasi tatlo tayong magka babata.. Si Wilson yung isa. Tapos naging magkasintahan kami.." Paliwanag ko naman sa kanya,sana pakinggan nito ako. "Nabuntis ako nagpa kasal kami.. tapos habang buntis palang ako namatay sya.. Paktapos inako mo yung responsibility inalok mo ako ng kasal kaya heto mag asawa na tayo at inangkin mo nang anak si baby cheska-"
"Please iwan niyo muna ako,masakit sa ulo!" Sabay hilot ng sentido nito.. "Please lang I want to be alone.." Wala na kaming nagawa kundi lumabas muna ng kuwarto.. Doon ko ibinuhos ang luha ko paglabas ng private room.. Todo alo naman sa akin si mommy Veron at pilit na pinapa lakas ang aking loob..
"Mabuti pa magpa hinga ka rin muna wala kapang maayos na tulog apat na araw na.." Wika ni Mommy Veron.. "Sumama ka na muna sa tinituluyan naming hotel ng Dad niyo malapit dito. Isama mo si baby cheska at si nay Sonia muna ang bahala ka Lou okay.." Kahit ayoko sana kaya lang iniisip ko din si baby cheska hindi rin sya pwedeng matagal na nag lalagi dito sa hospital.
Si lola Sonia muna ang naiwan na nag bantay kay Lou kasama ang isang kasambahay.
Habang nagpapahinga ako dito sa isang kuwarto hindi parin naman ako maka tulog ng maayos. Iniisip ko parin si Lou,sana bumalik agad yung alaala nya dahil nasasaktan ako sa nangyayari ngayon. Ganito din siguro ang nararamdaman ni Lou dati tuwing inaaway ko sya,pinagsasalitaan ko sya ng di maganda..Kinabukasan maaga akong gumayak para pumunta ng hospital,pakiramdam ko nga parang hindi rin lang din ako naka tulog. Parang lutang ang utak ko magdamag..
Sakto namang dumating si Lola,bilin ko din kasi kahapon na maaga nya akong puntahan dito sa unit."Kamusta na po si Lou lola?" Sana naman may pagbabago na..
"Medyo ayos naman. Nagpapa kwento sya sa akin ng mga bagay bagay.. Gusto gustong gusto na rin nyang may maalala sya. Ang sabi ng doctor unti unti naman daw babalik ang memorya nya. Mas mainam daw yung huwag natin syang pupwersahin.." Wika naman ng Lola ko. "Naapaaga na din ang punta ko dito dahil andun naman si Ivy nagbabantay dumating kaninang madaling araw.." Dagdag pa niyang sabi na kina kunot ng noo ko. Ano namang ginagawa ng babae na yun doon. Sa totoo lang sobrang laki ng selos ko sa babaeng yun. Lagi sila noong magka sama sa farm pagka tapos sinama pa nya sa Maynila..
Mukhang kailangan ko na talagang magmadali papunta ng hospital. Baka kung ano pa ang gawing pang be brain wash ng babaeng yun kay Lou..Humahangos akong naglakad sa hallway ng hospital at nang makarating ako sa tapat ng pintuan ng kuwarto ni Lou at walang sabi sabi ko yung binuksan..
Nadatnan ko ang dalawa na nagtatawanan at agad na napa hinto ng nagulat sa pagbukas ng pinto.Pormal ang tingin na pinukol ko sa kanilang dalawa. Bigla namang kumirot ang puso ko dahil mukhang hindi naman apektado si Lou..
"Ahm. Hi Shawn morning.." Bati naman ng babaeng higad..
"Hi,salamat sa pagdalaw mo. Pwede ka nang umuwi andito na ako nang bahala kay Lou.." Seryosong sabi ko kaya mabilis naman itong tumayo mula sa kinauupuan nito sa tabi ng higaan ni Lou..
"Saan ka pupunta?" Wika naman ni Lou sabay hawak sa isang braso ni Ivy.. "Huwag ka munang umalis dito ka lang.." Pigil pa nito. Wow! Ang sakit ha.. ako tong asawa pero bakit mas malapit pa ito kaagad kay Ivy..
Nagpalipat lipat naman ang tingin ni Ivy sa amin ni Lou,napa tingin naman ako sa braso nitong hawak ng asawa ko."Ah.. Lou kasi sabi ko nga diba,kailangan ko ding umalis ngayon may work ako mamayang hapon.." Buti naman higad at nagkakaintindihan tayo.. At marahan ng binitawan ni Lou ang braso nito..
"Okay Ivy, thank you ha! Boring kasi dito gusto ko nang lumabas at umuwi.." Napa buga namang wika nito pero ni hindi man lang nya ako magawang tignan.. Parang pinipiga ang puso ko sa sobrang sakit..
BINABASA MO ANG
"BORN TO LOVE YOU" (GXG)
Romancegirl to girl short story. Ito ay isang kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon.. LOU YANONG at SHAWNTEL CRUZ ang napili ko po na main characters dito. Gustong gusto ko kasi sila. *****Do not steal my stories..... Plagiarism is a crime****