Chapter 4

2.4K 87 2
                                    

SHAWN POV





                       Ang sama sama nang ugali nya! Maktol ko nang makarating na ako sa loob nang silid ko. Nag walk out ako sa hapag kanina nang bigla itong sumigaw sa harapan ko. Nag tatanong lang naman ano bang masama dun! Sa sobrang inis ko ngayon napa iyak na lang ako,hindi kasi ako sanay na sinisigawan. Ni minsan hindi pa yun nagagawa sa akin nang lola ko. Lalo naman si Wilson sobrang bait nya.






                 Samantalang si Lou,ngayon nga lang kami ulit nagkita pagka tapos nang mahabang panahon sisigawan lang nya ako. Kung galit sya sa mundo huwag syang mandamay.  Pinahid ko ang kumawalang luha sa aking mga mata gamit ang tissue paper.. Bahala sya hindi ko na sya sasamahan sa binabalak niyang gawin mag hiking syang mag isa tignan ko lang..







              Gusto ko lang naman maging malapit ulit kami sa isat isa gaya noong mga bata pa kami kaso ibang iba na yung ugali niya ngayon.. Mas mabuti pa gumawa na lang ako nang lesson plan para mawala tong inis ko sa kanya. Sinuot ko na yung eyeglass ko saka timungo sa aking study table at hinarap ang aking laptop.











                 "Shawn look!!" Nagulat pa ako nang biglang bumukas ang pintuan nang aking kuwarto. Sa sobrang pagka gulat ay napa hawak tuloy ako sa dibdib ko.. Hindi pa ba sapat na sinigawan na nya ako kanina sinundan pa talaga ako dito sa loob nang kuwarto ni hindi man lang marunong kumatok.. Hindi lang masama ang ugali bastos pa.









                 "Ano pa bang kailangan mo?" Mataray kung turan,hindi lang sya ang may karapatang mag taray! Nakatayo naman ito malapit sa kinaroroonan ko habang naka titig sa aking mukha. Nag hihintay lang naman ako sa sasabihin nya. Kaya lang ilang segundo na ang nakalipas ganun parin ang ayos nito. "Lou kung wala din lang sabihin pwede bang iwan mo muna ako marami pa akong gagawin." Wika ko nang hindi parin ito nagsasalita. Kaya muli ko nang binalik ang atensyon ko sa aking ginagawa.








               Muli akong nag tipa sa keyboard nang aking laptop at mukhang hindi parin ito umaalis sa kinatatayuan nya. Narinig ko naman ang pagtikhim nito.








            "Sorry kanina kung napag taasan kita nang boses." Narinig kong wika nito. Buti naman at marunong syang himingi nang sorry. "Ayoko lang nang taong maraming tanong." Dagdag pa niyang sabi. Okay  fine kong yun ang gusto nya. Napa hugot na lang ako nang malalim na paghinga.









            "Okay lang.." Tipid ko na lang na tugon dahil nag coconcentrate na ako sa aking ginagawa. "Next time din kumatok ka muna,hindi yung basta basta ka na lang nagbubukas nang pinto." Dagdag ko pang sabi habang naka tutok parin ako sa aking ginagawa.






             "Sure.." Tugon naman nito. Kaya lang mukhang wala parin itong balak umalis. "Ahm Shawn!" Bigla naman akong napa hinto sa aking ginagawa nang bigkasin nito ang pangalan ko. May kung anong bagay akong naramdaman sa paraan ng pagbanggit niya ng pangalan ko. Kaya lang pilit ko na lang yung binale wala.











           "I'm so bored.. pwede bang mag stay muna ako dito sa room mo?"  Bored! Anong pagkaka iba nang nasa labas sya at nasa loob nang kuwarto ko. Hindi ko din naman sya maasikaso dahil may ginagawa ako.











              "Maiinip ka din lang dito dahil may ginagawa ako." Tugon ko naman. Narinig ko lang syang napa tawa nang mahina.  May nakaka tawa ba sa sinabi ko.










              "At least may magandang view dito." Bubulong bulong nitong sabi pero hindi ko na lang yun pinansin. Kaya lang bigla naman akong may naalala.










            "Basta bawal mag yosi dito sa loob nang kuwarto ko ha!" Yun lang naman,baka kasi biglang magpa usok dito. Napatawa lang ulit ito nang mahina kaya lang hindi na ito kumibo pang muli. Kung kanina ay sobrang inis ko sa kanya bigla namang naglaho iyon na parang bula. Importante naman kasi ay humingi ito ng sorry. Pinag patuloy ko na lang ulit ang aking ginagawa. Bigla nalang akong ginanahan sa pag gawa ko ng lesson plan.











           Hanggang sa hindi ko namalayang naka gawa na pala ako nang lesson plan para sa susunod na linggo. Hindi ko na din tuloy namalayan ang oras hanggang sa marinig ko ang marahang pagkatok nang pintuan. Hinintay ko namang buksan iyon ni Lou,kaya lang pangalawang katok na hindi parin ito kumikilos. Nag inat na lang ako nang braso tsaka lumingon sa likod ko.











                Tuluyan na akong napa tayo sa aking kinauupuan nang makita kong himbing na himbing na natutulog si Lou sa kama ko at yakap yakap pa ang unan kong isa. Yun yung unan na favorite ko ding yakapin.  Napa iling na lang ako at humakbang patungo sa may pinto. Marahan ko itong binuksan.









                "La." Wika ko nang naka tayo ang Lola ko sa harapan najg pinto.









           "Wala si Lou sa kuwarto nya,nakita ko kasing naka awang pintuan ng kuwarto wala sya doon sa loob. Saan kaya nag punta ang batang yun mag hahapunan na tayo." Turan naman nang lola ko. Nilingon ko naman si Lou na sobrang himbing paring natutulog.










             "Andito sya sa loob la. Mukhang hindi na sya mag di dinner sobrang himbing nang tulog." Wika ko saka niluwangan ang bukas nang pinto para makita niya.  Narinig ko naman ang pag tawa nang mahina nang Lola ko halatang tuwang tuwal ito.












            "Masaya ako at maging magka lapit ulit kayong dalawa. Oh sya sige huwag na muna natin syang istorbuhin mukhang pagod na pagod pa sya sa beyahe." Naku kung alam lang nang Lola ko,hindi pa ulit kami ganun ka close sa isat isa.












           "Ah la,hindi na rin po ako makakapag hapunan busog pa ako sa kinain ko kanina at napagod din akong gumawa nang lesson plan." Sabi ko naman dahil yun naman ang totoo.  Naramdaman ko na rin ang antok. Hindi naman na nag pumilit si Lola at nag paalam na rin pagka tapos.











           Pagka  sara ko ng pinto ay agad akong bumalik sa study table at inayos ang mga gamit ko.  Habang panay naman ang hikab ko halatang hinihila na ako nang antok. Pero bago ako nahiga nag linis muna ako nang katawan at nag palit nang pantulog.  Grabe namang himbing ng tulog nang babaeng ito hinayaan ko na lang na matulog ito sa kama ko. Maluwang namang tong kama,kaya pagka patay ko ng ilaw ay dumiritso na akong humiga. Hindi kasi ako sanay na naka bukas ang ilaw..












       Umayos na ako sa pagkaka higa patalikod kay Lou at pinikit ang aking mga mata. Ngayon lang ako ulit may katabing matulog huli pa noong bata ako noong isang kuwarto pa kami natutulog ng lola ko. Nakukuha ko na ang tulog ko nang biglang kumilos ang katabi ko sa higaan
Mukhang nagbago ito nang posisyon sa pag tulog.  Napa singhap na lang ako nang bigla nitong iniyakap ang isang braso nya sa sikmura ko.  Hindi ako makagalaw dahil paki ramdam ko konteng kilos ko lang magigising ko sya? Ang tanong tulog nga ba?

             

"BORN TO LOVE YOU" (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon