LOU POV
"Morning...." Pupungas pungas kong turan at humihikab pa nang bumaba ako at tumungo sa dining area. It's a brand new day at ito ang ikalawang araw ko dito sa bahay nang aking grandparents. Pag gising ko kanina nagulat pa ako nang hindi pamilyar na kuwarto ang nabungaran ko. Wala ako sa kuwarto ko sa aking apartment,hindi rin yung kuwarto ko dito sa bahay. Naalala ko na lang na tumungo pala ako sa kuwarto ni Shawn para humingi ng pasensya nung nasigawan ko sya.
Hindi ko akalain na may pagka sensitive pala ito,dahil lang sa pag sigaw ko umiyak na sya kahit naman papaano mabilis din namang lumambot ang puso ko. Kaya lang pagpasok ko sa loob ng silid nito,natulala naman ako sa taglay nitong kagandahan sa suot nitong eyeglasses. Bagay na bagay ito sa kanya..Hindi ko rin namalayang naka tulog pala ako sa kama nito habang pinag mamasdan ko sya kahapon na abala sa kanyang laptop.
"Magandang umaga din sayo Lou." Ganting bati naman ni Lola Sonia samantalang si Shawn ay hindi man lang ako pinansin,ni hindi man lang tinapunan ng tingin. Naka bihis na ito at halatang papasok na sa kanyang trabaho. "Mag almusal kana apo." Dagdag pa nitong sabi,kaya lang wala sa kanya ang atensyon ko kundi kay Shawn. Nagtataka lang ako kasi akala ko okay na kami kahapon,humingi na nga ako ng sorry. Natulog pa ako sa kuwarto nya tapos niyakap ko pa sya.
Isa din sa dahilan kung bakit ang sarap nang tulog ko,sobrang sarap nitong yakapin at ang bango bango nya. Sobrang sarap sa ilong yung gamit nitong perfume kaya halos yakap yakap ko sya sa magdamag. Hindi ko na lang namalayan nang nagising na ito at wala na sa tabi ko.
"La alis na po ako,andyan na po si Wilson." Paalam nito at humalik sa pisngi ng Lola niya. So,araw araw pa syang hinahatid sundo ng boyfriend nya sa trabaho. Kung dala ko lang yung kotse ko kahit ako na gumawa nun para sa kanya at least mas sosyal sports car.
Aba! Talagang dadaanan lang nya ako at hindi man lang papansinin. "Good morning Shawn..!!" Turan ko nang tumapat na ito sa harapan ko na kina hinto naman nya sa paghakbang. At tumingin sa akin. Sobrang kinis ng balat ng mukha nito kahit walang anumang make up. Bagay din sa kanya ang pagiging morena nya.
"Morning.. aalis na ako baka ma late pa ako." Cold nitong sabi. At tuluyan na akong nilagpasan. Problema nun! Umiral na naman yung kapilyahan ko dahil sa pinapa kita nitong attitude sa akin. Mabilis ko itong sinundan patungo sa main door,bago pa man ito makalabas ay nahablot ko ang isang braso nito.
"Lou!!" Nagtataka nitong turan sa ginawa ko. "Bitawan mo nga ako ano bang problema mo?" Pilit binabawi ang braso nito.
"Di ba dapat ako ang magtanong niyan. na ano bang problema mo sa akin at hindi mo ako pinapansin?" Habang hawak ko parin ang braso niya.
"Lou bitawan mo ang braso ko parating na si Wilson.." Kalmado na nitong turan. Kaya lang hindi naman nya sinasagot yung tanong ko. Ano naman ngayon kung makita ng boyfriend nya. Nag uusap lang naman kami. Sakto namang may huminto nang cheap na motorsiklo sa tapat nang pintuan. "Lou-" Pinandilatan nito ako dahilan para bitawan ko na ang braso niya.
"Bye alis na ako.." Bigla itong dimukwang. Akala ko hahalik sya sa pisngi ko nang may binulong ito sa tainga ko. "Huwag ka nang mangyayakap pag natutulog. Kasi kung saan saan napupunta yang kamay mo." May diin nitong sabi bago tuluyang tumalikod at humakbang palabas. Naka tulala na lang ako habang umangkas na ito sa likod ni Wilson at humarurot na ang motorsiklo.
Nasa isip ko yung mga sinabi nya at yung mainit nitong hininga na tumama sa aking tainga..Kinilabutan ako.. At tsaka ano bang ginawa ko? Natatandaan ko lang naman niyakap ko sya at naka tulog na ako nang mahimbing. Hanggang maka balik na ako nang dining pilit ko paring iniisip yung sinabi nito. Sabay napa tingin pa sa dalawang palad ko.
Habang kumakain bigla na lang akong napa ngiti,mas mainam siguro kong katabi ko ulit sya matulog mamaya baka sakaling maalala ko yung sinasabi niya. At may naisip pa ako.
"Ahm.. ikaw!" Tawag ko dun sa isang kasambahay. Hindi ko kasi alam ang pangalan nya. Agad naman itong lumapit sa gawi ko. "Alam mo ba kung saang school nagtuturo si Shawn?"
"Ay opo señorita.. malapit lang naman po dito." Namilog naman ang mga mata ko ng tinawag nya akong señorita,ayoko nga kasi.. "Pwede niyo pong gamitin yung sasakyan sa likod sa may garahe. Sayang po hindi nagagamit." Napa awang tuloy ang labi ko sa sinabi nito. May sasakyan pala na andito wala man lang nagsasabi. Sabagay hindi naman kasi ako nag tatanong.. Sumilay tuloy ang pilyang ngiti sa mga labi ko.
"Sige salamat mamaya pagka kain titignan ko yung sasakyan na sinasabi mo. Sigurado kang gumagana yun ah!" Paniniguro ko pa. At tiniyak naman nyang gumagana yun dahil lagi naman daw tinitignan at bago pa naman daw ito.
Pagka tapos kong kumain ay naligo muna ako. Heto na naman! Na e stressed na naman ako kapag nakikita ko tong kakarampot kong dalang gamit. Kaya pagka tapos kong naligo agad ko nang nilabhan yung hinubad kong damit tsaka sinampay sa terrace nang aking kuwarto. De bale may sasakyan na maglibot libot ako mamaya pagka tapos ay susunduin ko si Shawn sa naturang eskwelahan. Pilyang napa ngiti na naman tuloy ako. Excited na akong lumabas nang bahay para tignan ang sinasabi nang maid na sasakyan.
'Not bad' nakatayo ako habang naka pamewang sa harapan ng isang pick up na kulay gray. Mukhang alagang alaga ang naturang sasakyan kahit 10 years model na ito keri lang ang importante ay mapapakinabangan pa. Lumapit naman ang isang kasambahay sa akin at inabot ang susi. Very good... Kahit hindi na kailangang sabihin ay ginagawa nila ang trabaho nila.
Agad ko nang tinungo ang sasakyan at agad na sumakay sa driver seat. Full tank naman daw ang kargada nito. Ayos to bawas sa pagka boring. Mabilis kong binuhay ang makina. Matapos painitin ang makina nito ay pinasibad ko na.. Perfect.. ngiting tagumpay na naman ako. Kahit pa siguro saan ako ipatapon ng parents ko,mabubuhay ako makaka survive ako.
BINABASA MO ANG
"BORN TO LOVE YOU" (GXG)
Romancegirl to girl short story. Ito ay isang kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon.. LOU YANONG at SHAWNTEL CRUZ ang napili ko po na main characters dito. Gustong gusto ko kasi sila. *****Do not steal my stories..... Plagiarism is a crime****