Chapter 1

1.9K 30 6
                                        

"MAGANDANG magandang gabi mga kaigan! Eto na naman ang inyong chikadora biritera, Reyna Regina! At, sisisimulan na natin ang ating segment na Dear Pag-ibig." Nagpatunog ako ng mga punch music gaya ng dati.

"Pwede na po kayong tuma- ay ambeleees! Andito na ang ating unang caller!" sinagot ko ang tawag, "Hello hello hello! This is 89.7 Dream Radio ay kayo'y nasa Dear Pag-ibig segment!"

"Hello Reyna Regina?"

"Name please?"

"Ara po."

"Okay, maari ng magsalita dear!"

"Ganito po kasi yung nangyari..." Then I started playing our signature background music pag nag-kukuwento na yung caller. "Nahuli ko po yung boyfriend kong nakikipaghalikan sa ibang babae. And worse, yung bestfriend ko pa. Hindi ko na nilapitan pa sila kasi na-estatwa na ako sa kinatatayuan ko. Should I confront him or what? Please help..."

"Ilang beses mo na ba siyang nahuli?"

"First offense niya pa lang po."

"Pa? Hello, so inasahan mong may mangayayari pa." I shot back at her. Napatigil siya sa pagsasalita.

"Ganito nalang. You should console whoever this guy is. Test him kung talagang wala na ba siyang pagmamahal para sayo. Spill what you saw, straight to the point. Then ibase mo sa reaksyon, sa mga mata, sa mga inusisa niyang salita, and that will conclude everything. Hindi ka naman tanga diba para hindi maramdaman kung ano ang sincere na katotohanan at masakit na kasinungalingan, diba Ara?"

"Hmm. I'll take that advice. Thank you Reyna Regina, you are a savior! More power and god bless to you and your station." I smiled at her voice. Yung para bang nanumbalik yung saya sa kanyang puso.

"You're welcome!" Then I ended the call. "Before we proceed to the next caller, eto muna po ang kantang 'Di na Muli by Janine Tenoso. We'll be right back." I clicked the song at hinubad ang headphones na nakakakabit sa akin. Inilayo ko ang mic na nasa harapan ko.

"Ang jumazing mo dzai!" sabi nung baklang kabayo na may kasama pang palakpak.

"Che! Wag mo nga ako bolahin, meron ako ngayon sige ka." Pagiisnob ko naman sa kanya.

"Ay mamsh, same. Ako din meron." Humagalpak siya ng tawa.

"Baklang to, CR lang ako ha?" Pagpapaalam ko sa kanya, tatayo na sana ako nang nagsalita si Viceral.

"Ha? O sige, bilisan mo daliiii."

Binilisan ko ang lakad at dali-daling pumasok sa cubicle. Pagkalabas ko ay inayos ko ang sarili ko, buti nalang may wipes ako sa bulsa. Nagsuklay ako at bumalik na sa aking pwesto.

"Perfect timing madam, magbabalik na tayo in 30 seconds." Paalala sa akin ni Vice.
Unti-unti ko ng sinuot ang aking headphones. Inensayo ko ng mabilisan ang aking lalamunan. Tinapat ko na ang mic at nagsalita ulit.

"Kayo po'y nakikinig pa rin sa, Dear Pag-ibig! Wag na tayong magpatumpik-tumpik pa, boom shakalaka, itotodo ko na! Here's to our second caller..."

"Hello?"

"Yeees, hello! Ikaw ang masuwerteng napili sa lahat ng mga tumawag dito!" Panimula ko. Pinaplay ko naman ang punch music namin.

"Syempre, maswerte ako sayo." Nabigla ako sa sinabi niya. Teka... familiar yung boses... Ay hala. Patay na ako neto.

"Mr. P?"

"It is, Regine." HALA!!!

Sinusubukan ko pa ring maging masiyahin para sa mga nakikinig. Wag ka papaapekto, ehem. "Hello po Sir! May problema po ba kayo kaya kayo tumawag dito sa hotline namin?"

"Actually oo, ikaw."

Ano!?

"Hala sir, may ginawa po ba akong masama?"

"Oo, sobrang sama."

"Ano pong ginawa ko..."

"Kilala mo yung tumawag sa'yo kanina? Fiancee ko yun! Nakipagbreak siya sakin ng dahil sa mga pesteng ina-advice mo sa kanya. Na-misunderstood niya lang yung mga pangyayari! Alam mo ba yun ha? Alam mo ba yung side ko? Syempre hindi! Iniintindi mo lang yung mga putngng tumatawag sayo! Hindi mo alam na nakakasira ka na ng relasyon! Hindi ko to malalaman na may paganito pala sa radyo kung hindi dahil sa makitid niyang bestfriend. Listeners, stop listening to this woman. She's a relationship-wrecker, kung ayaw niyong masira relasyon niyo, do not believe her words." Hindi ko alam... Hindi ko alam...

"E putngn ka pala e! Ganun naman kayong mga lalake, walang inaatupag kundi pambababae! Hindi marunong makuntento sa isa, naghahanap pa ng iba! Misunderstood? Kasinungalingan. Kaya pala nakipagbreak girlfriend mo sayo e, gag* ka! At isa pa, hindi namin sila pinilit na tumawag dito, kusa nilang ginagawa yun." Natuto akong lumaban kahit sobrang blanko na ng isip ko.

"Even so Ms. Regine, say goodbye to your career."

Exactly Where They'd Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon