Chapter 5

830 22 14
                                        

// Sorry everyooone. I was busy, tsaka writer's block. So here's the update, sorry to keep you waiting. I'll update frequently na since it's summer already. May mga bisita tayo guys! Hahahaha, wait and see!

----------------------

"NABUANG ka na Ma'am?"

Taking me back to reality, "H-ha?"

"E, kanina ka pa nakangiti dyan e, para kang timang." Komento ni Maika. E... talaga? Anong ginawa mo sakin Herminio Jose!

"Sorry, sorry. May bigla lang akong naalala." Pagdadahilan ko na lamang. Hindi madaling maniwala si Maika pero... Lord please.

"In love ka Ma'am no?" Ay ayan na. Wala na akong kawala.

"Ha? Ako? In love? Ikaw siguro tong nababaliw Maika ha." Tumawa nalang ako. Geez, ako tong nalalagay sa hotseat.

"O sige. Sabi mo Ma'am e. Hehehe." With matching tawa pa. Parang nangungutyang tawa. Mygosh naloloka na ako sagad hanggang bones! "Andun na pala si Mr. Concepcion sa table malapit sa may pool area." Pag-iinform ni Maika.

"Sige, sige. Mag-aayos lang ako sandali tapos pupunta na ako dun." Tumango naman si Maika at ako'y dali-dali ng nag-ayos. Konting make-up lang naman. Ayos na naman siguro tong suot ko diba? I sprayed perfume on different spots on me. Sinuklay ko yung buhok ko, my full length wavy hair and I'm done! Bumaba na ako ng pool area to meet Mr. Concepcion. Along the way, may mga waiters na nag-good morning sakin and I also do the same.

"Andito na ba si Mr. Concepcion?" Tanong ko dun sa isang waiter. Tinuro niya yung table na nasa labas. "Thank you." I tapped his shoulder and fixed my hair with my hands. Teka nga ba't ba ako kinakabahan? I took a deep breath at naglakas ng loob lapitan si Mr.Concepcion. May patalikod effect pa to, na-amaze ata sa mga puno.

Trying not to make my voice shaky, I said, "Hello, good morning. Sorry to keep you waiting." Humarap naman ito sa akin. Shet, ang gwapo hmp.

"Same goes to you Ms. Velasquez. Have a seat, have a seat." He offered me to sit down so umupo na rin ako. Tangina ang gwapo! Ang landi hihi sorna.

"All matters had been taken care of by your sister, you and your signature is what I came here for." He said smiling. AHEEEEEE STAPH.

"Sige." I slowly took out my ballpen. Binasa ko muna ang mga nakalagay. Syempre dapat sigurado. Wag papaapekto sa looks, char. After finalizing, I attached my signature to it.

"Then it's all set. Thank you." He offered his hand and we made a handshake. "I gotta go. I have to go back to Manila. Malayo pa ang biyahe." He said fixing his suit. Nakakaloka ang gwapo talaga!

"Oh sure, let me accompany you." Pinayagan naman niya akong samahan siya.

We just walked into the hallway, may maliit na kuwentuhan. We decided to call each other by our names. Reg tsaka Gabs. He's 55 na pala, hindi halata ah. He's still single, no kids nor past wives. Nakakalungkot nga e. He's just that buisness minded daw talaga. Walang spice buhay niya, amboring. But it's his choice, who am I to judge anyway? Malay mo may past pala yung tao. So, sumabay nalang ako sa trip niya. I also made kwento para patas kami. We were amused by each other. Wait err. Ang off pakinggan. Hahahaha. Tsaka nakuha ko din number niya, hihihi.

"Thank you Reg sa pahatid. I will surely be back here." He smiled, saying. Eeeeeeeh.

"Haha, no problem Kuya Gab. Have a safe trip!" Then he went into his car and beeped to say bye. Bumalik na ako sa hotel, specifically sa office.

"Maika, halika na pumunta na tayo ng warehouse." Aya ko sakanya. Gusto ko na kasi matapos lahat lahat ng gagawin ngayong araw.

"Pero mam, mamaya pa yun. Don't you want to have lunch yet?" Ani Maika. "Ay wow self, english yun ah!"

"Baliw! Hahahahaha!" Humagalpak ako ng tawa. Nakakaloka! "May laman na naman tiyan ko, kumain ako ng salad kanina while talking to Kuya Gabs- este Mr. Concepcion." Di naman niya siguro narinig diba, hehehehe.

"Uhm sige po. Tatawagin ko lang yung driver." While she was making a call, nagpabango muna ako syempre. Nabilaran ng araw kanina e. Hahahaha chos. I also drank water to stay myself hydrated.

"Tara na Maam." Lumabas na kami ng office at pagbaba ng elevator sa ground floor, sumakay na kami ng sasakyan. Malapit lang naman dito yung warehouse, mga 10 minutes lang from here. Syempre gusto ni Ate within our reach lang daw.

My phone rang and looked at the caller id, si Ate. Agad ko namang sinagot ang tawag. "Oh Ate, napatawag ka? Kamusta? Ayos lang ba biyahe?"

"Yes, kakarating ko lang. Super traffic. Are you working on your assignments na?"

"Opo. Tapos na ako kay Mr. Concepcion, and now I'm going to the warehouse already." I explained.

"Good. Have you eaten?"

"Hindi naman sa nakakain na, I ate salad kasi kanina while talking to him. Don't worry about me Ate."

"Okay. I have to hang up. Bye Reg, see you soon." Then she ended the call. Parang nagmamadali nga e.

Pinagmasdan ko ang paligid, we're near to our destination. "Ma'am andito na po tayo."  Maika spoke. Bumaba na ako ng sasakyan. Maika automatically handed me the checklist sa mga kailangang ayusin. First, we went to our farmers. Yes we do have workers and such people. We wanted to serve our customers fresh all the time. So we make sure that galing Baguio talaga ang kinakain nila. They apply organic fertilizers para medyo mas mapabilis ang paglaki ng mga halaman. More stocks, good.

We talked to the farmers about the status of their work and they gave us a thumbs up. Ayos lahat, makikita mo naman sa mga tumubong halaman sa paligid that they did well. I checked the box na nag-uugnay doon. We went out the farm already, lumipat naman kami sa mismong warehouse.

A black BMW entered the warehouse. Kaninong sasakyan naman to? A guy wearing a simple v-neck black shirt with his army colored cargo pants got out from the car. Oh my god, really!?

"Hi Reg!"

"Agsieeeeeeee!" I run to him tsaka niyakap siya.

"Agsie? Ambaduy mo kahit kailan." Kakalas ka sana siya sa yakap ko pero pinigilan ko siya.

"Arte mo naman Aga." Humiwalay na ako sa kanya. "Naparito ka?"

"May inasikaso lang." Hmmm, alam ko na ata.

Tumaas aking kilay. "Don't tell me may nalate na namang delivery?"

He sighed. "Sort of. Yung order ng Ate mo na bagong set ng tables and chairs para sa function hall niyo." Kamot-ulo niyang sabi. "E kasi tong si Richard e!"

"Aba, nagawa mo pang mambintang ng iba ha. Ang layo naman ng Muhlach Lining sa Gomez' Poultry!? Hello!?"

"Nakadungog ko sa ngalan sa akong kompanya? Or nasayop ra ko?" (Narinig ko ang pangalan ng kompanya namin? O nagkamali lang ako?) Halaaaaa!

"Chardieeeeee! Andito ka rin pala?"

"Hi Reg. Yup, may delivery kasi ngayon e. Andito ako para sa mga adjustment sa presyo. Yung iba bumaba, yung iba tumaas." He explained. Natahimik naman si Aga.

Hinampas ko siya. "Hoy Muhlach. Gumaya ka rin kaya kay Richard? Hindi puro pagbubulakbol ginagawa mo haller."

"Oo na. Geez. Di mo naman ako lab e." Ngi, nagawa pa netong maglambing. Heh!

"Tigil-tigilan mo nga ako! Pasalamat ka malakas ka sakin!" I joked. Humalakhak naman ng tawa yung dalawa. "Sige na, maginspect ka na miss COO." Tumawa na naman silang dalawa, palakad papalayo. Langya pinagtulungan pa ako! Hmp!

Exactly Where They'd Fall (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon