"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHH! Wag po sir huhu waaaaag!"
"Regine! Regine! Huy Regine gising!"
"Ayoko po! Importante sakin tong trabahong to, please po huhu sorry na!"
"HOY REGINA ENCARNACION NANANAGINIP KA!"
Ha?
Hindi yun totoo?
Talaga?
As in?
Omg?
Hinay-hinay kong idinilat ang mga mata ko. Yung lugar na to, famillar. Kinusot-kusot ko yung mata ko para umayos yung paningin ko. Nasa bahay pa pala ako. Ang weird ng panaginip ko ha, ayoko na tuloy maging DJ jusme. Erase na yung pangarap na yun!
"O hala. Ano pang tinititigan mo dyan? Bumangon ka na nang makapag-agahan na." sambit ni Ate Sharon papalabas ng kwarto ko. Bumangon na ako at inayos ang sarili. Sinuklayan at tinalian ang buhok, nanghilamos at inayos ang higaan.
"Ay, good morning Mamsh!"
"Good morning Viceral!"
"Kakain na po,"
"Yes, bababa na."
Lumabas na ako ng kuwarto at bumaba sa sala. Napapaisip pa rin ako sa panaginip ko kanina. Ay ewan ko ba.
"Good morning Ate Sha!" Niyakap ko si Ate ng mahigpit. Mabilis namang winakli ni Ate yung kamay ko.
"Hmmm? Ano na namang kailangan mo ha?"
"Ngek. Eto talagang si Ate napakamalisyosa. Nag-good morning nga lang e." Umupo na ako sabay ayos ng table napkin na nasa mesa.
"Alam ko na yang mga lumang galawan mo kaya please, wag ka ng magpalusot." Sabay hain niya sa corned beef at itlog na niluto niya, umupo na rin siya.
Uminom muna ako ng tubig bago sumubo. "Hmm, ate pagkatapos nito, ako na bahala dun sa hotel."
"Syempre sino pa ba? Let me guess, hindi mo alam na Friday ngayon ano?" I bit my lip. Oo nga, luluwas nga pala si ate ng Maynila.
"Oo nga no, hehe sorry. Mga ilang araw ka dun Ate?"
"Mga isang buwan siguro, I'll just see depende sa ginawang kabalastugan nitong si Martin." She scoffed. Si Kuya Marts kasi yung CEO ng company namin, e ayan medyo tumagilid kaya to the rescue muna si Ate. Eto ding si Kuya Martin wala din masyadong pagmamahal at pag-aaruga sa kompanya kaya ayun, waley. "Alagaan mo yung hotel, okay?"
"Opo, ako pa? Kakanta din ako mamaya, alam mo naman pag Friday ate." Nakangising sabi ko sa kanya. Singing was always my passion din. Maganda naman boses ko so voice isn't a problem. Tinuruan ako ni Papa noon, si Ate na nauna sa akin at di na ako nakahabol sa kanya sa industriya dahil sa namatay si Papa at wala ng maiiwan sa negosyo niya.
"Yung kasunduan natin ha." Napatango nalang ako. Hays. Kapag kumakanta kasi ako, palagi akong nakamaskara. Ayaw ni Ate na may makakilala sa akin, ewan ko din kung bakit. Pero kailangan ko yun sundin kasi gusto ko talaga kumanta. Kahit yun na lang...
Pagkatapos niyang kumain, tumayo na si ate. "Ikaw na bahala dito Regine ha? Tsaka yung mga suppliers pala nung Pascual Distillery, may mali sa pinadala nila satin, di ko na naasikaso kahapon kaya ikaw nalang ha? Tsaka sa ano-"
"Alam ko na po ang gagawin ko, tatanungin ko nalang po si Maika, kaya umalis na kayo and promise! I won't give you any headache." I smiled.
"Hays. Okay then. Ingat ka dito ha? I love you." Ate Sha kissed me on my forehead. "Ruben, pakihanda na yung sasakyan." Agad namang kumilos ang driver. Ate went to the couch to get her bag and then drove off.
Tinapos ko ng mabilis yung pancakes na inihain ni Ate kanina. "Viceral, ikaw na bahala dito sa bahay ha?"
"Opo, mamsh!"
Umakyat na ako at pumunta sa kuwarto ko't naligo at nagbihis na rin. Simpleng t-shirt, ripped jeans at sneakers lang yung sinuot ko since siguro maglilibot-libot lang ako sa hotel. Mas kumportable na rin to, at least di sasakit paa ko kakalakad. Kinuha ko yung iPhone ko na nakacharge.
"Vice, tutuloy na ako!" Pagpapaalam ko.
"Oks po, babye!"
Sumakay na ako ng sasakyan. "Nile, sa hotel tayo." Tumango naman yung driver.
So, yes, may inaasikaso kaming hotel ni Ate Sha. It is a five star hotel that is famous dito sa Baguio, naming Sonrisa Hotel. You can say na mayaman kami, pero lumaki kami sa hirap. That's why we really value our workers sa hotel, mapa manager, waiter, or janitor man yan. We never turn our backs sa pinaggalingan namin.
Lumaki kami sa piling ni Papa. Ang alam namin sa Nanay namin nung mga bata pa kami ay nagtatrabaho umano sa malayo. Eventually, kinalimutan na rin namin siya. Napagalaman naming may iba na pala siyang pamilya because of some connections na rin sa negosyo. Papa died because of heart attack, knowing the truth for almost 3 decades of his life.
That time si Ate Sharon, she rose onto popularity. Naging artista siya, pero hindi naman nagtagal dahil walang magaasikaso ng lahat ng itinayo ni Papa. So she decided to step down the limelight. At ako naman, nasa 3rd year college ako nun sa MassCom, patapos na ako nung namatay si Papa.
Since then, medyo maliit pa yung Marketing Company ni Papa, pinalago ni Ate yun. By her connections sa showbiz noon, napayaman niya ang kompanya. After 2 years of hardships, Sonrisa Hotel rose in Baguio at dun na kami nagstay. Ay, si Kuya Martin, close cousin namin yun. Siya ang ipinagkatiwala ni Ate Sha sa kompanya sa Maynila. Magaling na leader din yun, ewan ko kung anong nangyari sa kanya ngayon kaya ayun to the rescue si Ate. First offense pa lang naman to, pero magaling talaga si Kuya.
Sa kasalukuyan, ako ang COO ng Sonrisa. Medyo mahirap kasi wala akong background sa buisness, pero natuto ako sa mga galaw at pagiisip ni Ate Sha. Tinrain niya ako hanggang sa pagkain, kalinisan at diskarte. Nung nafeel niyang ready na ako, inassign na niya ako sa posisyong gusto niya para sakin. Ngayon, medyo nasanay na ako. Mabait naman yung mga trabahador kaya nakakasabay naman ako sa kanila. Yun yung turo sakin ni ate e, kung gusto mong maging efficient leader, kailangang makinig ka at makisabay sa mga follower mo. Hindi yung puro ka kamalditahan sa harap nila.
Naramdaman kong papasok na kami ng basement. Medyo di naman kalayuan yung hotel namin sa mansion. Suggestion yun ni Ate kasi kapag in case of emergency, malapit lang kami. Madali lang ma-rreach ganon. Nakarating na kami sa may entrance at bumaba na ako. Pinagbilin ko sa driver na tatawagan ko nalang siya para sunduin ako.
"Maika?" tawag ko sa assistant ko.
"Hello po Ma'am Regine, good morning!"
"Yes, goodmorning din. So anong gagawin for today?" Sabi ko habang naglalakad papasok ng elevator at pinindot ang 6th floor.
"Aasikasuhin po natin yung sa Pascual Distillery since mali po yung naideliver nila satin. Pupunta dito si Mr. P para asikasuhin yun personally. Second po, ngayong 10 AM, may meeting po tayo with the Board Of Directors. 12 NN, lunch meeting with Mr. Concepcion and after that, maglilibot nalang po tayo sa hotel, yun po yung bilin ng Ate niyo sakin." Bumukas na yung pintuan, timing. Tumunog yung cellphone ni Maika, lumabas na kami ng elevator at sinagot niya ang tawag.
"Andito na daw si Mr. P!"
"Ha? Talaga? Omg!"
"Shet andito crush ko huhu."
"Baklang to, kay Madam Regine lang siya!"
"Ay yeeees, bagay sila!"
"Feel ko di naman gusto ni Madam yun e."
"Hmm, siguro nga."
Binalewala ko nalang lahat ng mga sinasabi nila.
Tumunog ulit yung elevator.
A man with a white longsleeve and black skinny pants came out from the elevator. As usual, gwapo pa rin yung loko.
"Hi, ex."
BINABASA MO ANG
Exactly Where They'd Fall (COMPLETED)
RomanceMeet Herminio Jose Alcasid. A buisnessman but actually a romanticist, born in a stable and happy family. A hundred percent exposure to the corporate world, but still doesn't want to get attached by girls around him. The world turned upside down whe...
