"HI, ex."
"Gago." Sinuntok ko siya at tumawa ng mahina. I can feel na nanginginig na talaga ako. "Kamusta ka na?"
"Ayos naman."
"Halika, pasok tayo sa office. Do you want anything? Coffee, juice, softdrink?" Pag-aaya ko sa kanya habang papasok ng opisina. Inhale, exhale.
"Water will do."
"Cold?" Tumango naman si Piolo. Tinawag ko si Maika para kumuha ng tubig.
"So, back to buisness. I came here to say sorry sa pagkakamali namin. I also went here to deliver na din yung mga kulang." He explained. Ngumiti nalang ako ng pilit at tumango. Bumalik ulit ako sa pagpipirma ng mga papeles.
"Kamusta ka na Regine?" Napatigil ako sa tanong niya.
Trying my best not to tear up, I broke the ice. "Ano bang klaseng tanong yan." I chuckled. "It's been two years. Don't tell me hindi ka pa nakamove on?" I jokingly said. He just smiled at me, pilit. Phew.
We just stayed silent in a span of 10 minutes. The sight of him makes me weak and teary-eyed, and I don't want that. Hindi ko na namalayan ang pagpatak mg mga luha ko. Labag man sa kalooban kong kausapin siya, but to break the silence, I did.
"Bakit ka nga pala naparito?" And there. He saw me crying. Pinahid ko ng mabilis ang mga luha ko. "Hindi, kasi diba ever since that incident, hindi ka na pumupunta dito. For two years you never stepped on this building, at kung tumapak ka nga ay di kita nakita. Puro mga pinagkakatiwalaan mo lang yung pinapapunta mo dito. Bakit... bakit ngayon..." Napaupo nalang ako at humagulhol. I can't take this anymore.
Napayuko siya. "I'm sorry, I shouldn't have came here at the first place."
"You know, you still have this effect on me. Wala e, masakit pa rin. And I really haven't moved on yet. Please don't blame yourself dahil sa nangyaring ito." I loved him too much, and loving too much can bring so much danger to the both of us–I only realized it now.
"But I was the one who broke your heart." Sa pagbigkas niya sa mga katagang iyon, it felt like somebody pinched my whole being.
"Umalis ka na lang." I replied. "And don't come back again."
"Sorry, Reg." He silently walked away.
What the f*ck was that Regina? Why did you break down in front of him? It made you look like a pathetic b*tch who want him back.
9AM. Erasing my thoughts and wiping up my tears, I called in Maika. "Maika, aalis muna ako ha? Text mo nalang sakin yung location ng resto at ako na ang pupunta."
"Ay ma'am, dito lang po sa hotel daw."
"Ah, okay. I'll just be back here before 12."
Lumabas ako ng office, di maiiwasan ang mga chismoso't chismosa.
"Ba't namamaga yung mata ni Madam?"
"Pinaiyak ni Mr. P?"
"Parang ganun na nga dai."
"Sabi na e may something talaga e."
"Kayo naman, baka buisness matter lang ganun."
Naglakad lang ako palabas ng hotel. Gusto ko lang mapag-isa, yun lang. First day na first day ng pagalis ni Ate ganito ako, hahaha. Such a disppointment self. Pumunta nalang ako sa park malapit dun. Good thing nasa Baguio ako, fresh air tsaka malayo sa ingay.
Napaupo ako sa may swing. Naalala ko yung tatay ko. Dati nung bata pa ako, palagi niya akong dinadala sa playground kakatapos naming gumawa ng gawaing bahay. Ang saya saya namin. Pa, miss na miss na kita. I let out a heartily laugh to supress my tears, but I failed.
Ex ko si Piolo. Naghiwalay kami dahil ikakasal na siya sa iba. Ang masakit kasi, ayos na yung dalawang panig tapos nung party na naganap 2 years ago, may biglaang announcement na nangyari. Plus, alam na ni Piolo, hindi niya sinabi sa akin dahil alam niyang masasaktan lang ako. Kahit anong pagaayaw niya sa parents niya, wala na siyang nagawa. Minahal ko siya ng sobra, siguro first love at first boyfriend din e. Kaya ganun nalang ako ka-affected sa tuwing nakikita ko siya. Masakit man, pero kailangang tanggapin. I think we had the right love, decisions and choices as a hindrance.
Proud din naman ako sa sarili ko. Nadepress man, nakalimutan ko rin siya dahil sa naging busy na sa pamamalakad ng kompanya—ng tinuturuan pa ako ni Ate. Nakatulong din yun para mahimasmasan ako. Not forgetting that he's the unico hijo of the Pascuals. Isa rin siyang stakeholder sa hotel, but he chose not to get close to me during the past few years. Laking bigla ko na lamang nang bigla siyang tumambad sa harapan ko. Maybe I wasn't ready that time. That's why I acted like that din. Hindi mo rin masisisi yung sarili mo Regina. Wala akong nagawa, umiyak nalang ako ng umiyak.
"Miss?"
"Leave me alone. Pretend that you didn't see me." I said between sobs.
"No I can't. Di kaya ng konsensya ko yun." Hindi na ako nagsalita pa. After a minute, he decided to sat on the other side of the swing. Buti nalang may common sense tong taong to.
I felt that he handed me something. I raised my head—panyo. Bumalik nalang ako sa pagkayuko.
"Ba't ayaw mo tanggapin?"
Napaangat ulit ako. "Ayokong maglaba." Pareho kaming tumawa. Nice, naintindihan niya yung humor ko. Kinuha ko na yung panyo ko sa kanya at pinahid sa buong mukha ko.
Nang mahimasmasan, pinisil-pisil ko nalang yung panyo. "Balik ko nalang sayo to, nakakahiya naman." I gave him a reassuring smile.
"No, akin na. Kakasabi mo lang kanina na ayaw mong maglaba."
"Joke lang yun! Ano kala mo sakin, senorita?"
"I insist. Ayos lang talaga." Binigay ko nalang sakanya yung panyo.
"Ayokong ipilit yung sarili ko sayo, kaya di na ako magtatanong kung anong problema mo ha? Ayos na sakin na makita kang okay. Basta, tiwala lang kay God. Malalampasan mo rin yan. Tsaka kung lablayp man yan, hindi pa yun yung tamang tao para sayo. May plans pa si God for you. Have faith." Tumayo na siya sa pagkakaupo niya sa swing. Pastor ba to? O kaya pari? Makapaginspire kay Lord wagas ah. Hindi naman sa atheist pero... wala natutuwa ako hahahaha.
"Kung iniisip mo na pastor ako, hindi." Tumawa siya ng mahina. Hala ang cute. Ay gaga ka Regina. "Secret muna yung ginagawa ko. Anyway, my name is Herminio Jose. You can call me anything you want, wag lang yung mabantot na pangalan. Friends?"
Hindi na ako nagdalawang isip pa.
"Friends."
BINABASA MO ANG
Exactly Where They'd Fall (COMPLETED)
RomanceMeet Herminio Jose Alcasid. A buisnessman but actually a romanticist, born in a stable and happy family. A hundred percent exposure to the corporate world, but still doesn't want to get attached by girls around him. The world turned upside down whe...
