Angelo POV
"And who are you?!" Inis tanong sa kanya ni angel. Habang ako at ang iba rin ay napatulala sa kanya.
Hindi ba talaga siya multo or what?
Sa totoo lang ang weird niya at the same time napaka misteryosa. Nakaharap siya sa aming dalawa at ang bangs niya ay natatakpan ang mga mata niya. Halos hanggang ilong niya na ang bangs niya at halos hindi rin namin makita ang mga mata niya. Ang labi niya ay medyo mapula at ang kutis niya ay napaka puti. Mukha siyang multo in short
"Let go of me!sino ka ba ha?" Inis na sabi ni angel sa kanya at nagpupumiglas. Padarang siyang binitawan ng babae na mas lalong ikinainis ni angel. Uh-oh, smells like trouble.
"H-how dare you! Sino ka para gawin yon sakin ha?!" Inis na sabi ni angel at medyo dinuro pa siya. Haist, kawawa siguro tong babae pag pinagtripan siya ni angel sigurado.
"Hoy! I'm asking you! who are you?ngayon lang kita nakita dito sa school." tanong ni angel sa kanya pero wala pa ring sagot nung babae. Hindi ba siya marunong magsalita?
"Hey! are you deaf? or what? did you hear me? can't you speak?! hahhaha!" at nagtawanan ang mga kaibigan ni Angel dahil sa sinabi niya. Napatingin ako sa babae. Hindi ko alam kung saan siya nakatingin dahil hindi ko nakita ang mga mata niya dahil nga natatakpan ng mahaba niyang bangs iyon. Pero nakaharap siya kay angel panigurado.
"Tabi." nagulat kaming lahat ng magsalita siya at natigil ang tawanan nila angel. Parang may dumaang multo at nagsitaasan ang mga balahibo ko sa lamig. Lamig ng boses niya.
"Look nagsalita na siya! What's your name creepy girl?" Ngising wika ni angel sa kanya na parang bata ang kausap.
"Tabi." ulit ay nakaramdam ako ng panlalamig sa kanya.
"What?Anong pangalan mo?" Kunwari pang nilagay ni angel sa tenga ang sariling kamay na kunwari ay may pinakikinggan. Hindi na magsalita ang babae kaya umayos nalang nang tayo si angel at maarte siyang tiningnan pataas at pababa.
"Fine!kung ayaw mong sabihin, I will give you one nalang..hmmm..." taas kilay siyang tiningnan ni angel mula ulo hanggang paa at ngumisi. "I will call you...Sadako...right guys? From now on this girl will be SADAKO!UNDERSTOOD?!" sigaw ni angel sa room. Tiningnan ko nung babae, wala ba siyang pakialam? oh well. Bahala siya.
"What is happening here?!" parang mga kiti kiti kaming mabilis na nagsipasukan at nagsiupuan sa mga sailing upuan ng marinig ang boses ni ma'am Cortex, teacher namin and adviser.
Napatingin ako sa babaeng malapit sa akin dito sa likod. Isang bakante lang ang pagitan namin dahil wala nalang may gusting umupo palagi dito sa likod.
"Good morning Diamonds." tamad na nag good morning ang Mga kaklase ko doon. Agad napako ang paningin ni ma'am kay sadako—wait, bat ako nakikisadako na rin? nakita naming ngumisi si ma'am na ipinagtaka namin.
"Mind introducing yourself here hija?" ngising sabi ni ma'am pero tipid na umiling lang siya. Tumayo si angel at magsalita. Ayan na naman..
"Don't worry ma'am,we already know her." tumingin siya sa babae at ngumisi. "Right SADAKO?"
Gaya nga ng sabi ko may mga bully talaga sa school at isa doon si angel lahat ng makilala ay binubully at bina bansagan pa.
"S-sadako?" Di makapaniwalang tanong ni ma'am.
"Yes ma'am!!!" Confident na sagot ni angel at umupo. Napailing iling nalang si ma'am at nagturo. Bahagya pa akong sumulyap sulyap kay sadako na deretso lang ang tingin sa harap. Ganon pa rin ang itsura niya. Hindi pa rin namin makita ang mata dahil sa haba ng bangs niya. Bakit kaya ayaw niyang gupitan?. Hindi ko pa nakikita ang mga mata niya. At bakit ko gustong makita? Bakit kating kati akong hawiin iyon?
"OK class, dahil hindi pa natatahi ang Mga uniform niyo ay magcivillian Muna kayo ng isang buwan okay ba yon sa inyo?" Tanong ni ma'am at tumango nalang kami.
"Class dismiss." wika niya bago tuluyang umalis. Napatingin ako sa gawi nung sadako at laking gulat ko ng nakaharap siya sa gawi ko...
***
![](https://img.wattpad.com/cover/182084497-288-k710390.jpg)
BINABASA MO ANG
Mysterious Eyes
RandomRed....pag galit siya...yellow..pag Hindi na siya natutuwa sa sitwasyon...green...pag kinakabahan siya... kakaibang Kulay diba? pero ang talagang normal sa kaniya ...Alam mo ba? Kulay Pink lang naman... kakaiba talaga... Babaeng pink ang Kulay ng-- ...