Chapter 9

138 5 0
                                    

*Dennise Monica point of view *

"ahhhh! Sayo na yan!ayaw ko na niyan!ahhhh!!!"

Napatingin na lang ako sa pintuan na nilabasan ng nerd boy na iyon.

Ano bang problema non?Binabalik na nga ang ballpen niya sinisigawan pa ako?

Weirdong baliw

Itinago ko na lang ang ballpen sa bulsa ko at tumayo.Wala nang tao dito bukod sa akin.Great.

Kinuha ko ang bag ko at naglakad Paglabas ng room na ito.Naglalakad ako sa pasilyo ng mamataan ko si nerd boy na may dalang tray ng pagkain.

Galing atang cafeteria....

May ideyang pumasok sa isip ko na talagang mapakikinabangan ko.Tutal gutom na ako...

Nakatungo lang siyang naglalakad habang hawak ang tray kaya humarang ako sa daan niya.Muntik pa siyang matumba at matapos ang tray niya.

"B-bat ka ba nangugulat?" Tanong nito.
Napataas ako ng kilay sa kanya dahil parang naiinis siya.

"A-ano bang kailangan mo sadako?"

Nagbuga ako ng hangin at may dinukot sa bulsa ko.Nung ballpen.

Itinutok ko iyon sa harapan niya na ikinagulat niya at ikina-atras.Animoy takot na takot sa sarili niyang ballpen...

"A-ano ba!a-akala ko kung a-ano eh!"
Bahagya akong napangiti sa sinabi niya.
Mukha siyang Ewan.

Sa tingin ko ay akala niya ay kutsilyo ang itinutok ko kaya ganoon siya.Baliw talaga

"Woy!ilayo mo nga sa akin iyan!Papatayin mo ba ako?!"

Inosente ko siyang tiningnan.Nakatingin siya sa ballpen kaya tiningnan ko rin iyon—oh!kaya pala.Walang takip nung ballpen at mismong pinakatuktok non ang nakatapat sa kanya.Agad kong inayos ang pagkakahawak ko doon.

"Here,binabalik ko na" sabi ko.Napakamot siya ng batok niya at ngumiwi na parang may ibinubulong sa hangin.

"Ano?" tanong ko.Agad siyang umiling sa akin at sinulyapan ang ballpen.

"W-wag na.S-sayo na lang yan sabi ko d-diba?" nakangiwi pa rin niyang saad.

Ibinalik ko na lang ang ballpen sa bulsa ko at tiningnan siya muli.Akmang dadaan siya sa gilid ko pero hinarang ko ang kamay ko doon.

"B-bakit na naman?" tanong niya at nilingon ako.Nilagay ko ang kamay ko sa bulsa ko at bored siyang tiningnan.

"Do me a favor" sabi ko.Agad kumunot ang noo niya sa sinabi ko.

"A-ano yon"

"Go to the cafeteria and buy me some foods" walang pag aalinlangan kong sabi.
Napa-nganga siya sa sinabi ko at kumurap kurap sa akin.

"Bakit hindi nalang ikaw?" tanong nito.

"I don't want to.I'm tired"wika ko.

"Baka kamo 'I'm tamad'"rinig kong bulong niya.

"I'm not tamad nerd boy" ika ko.

Nakita kong nag aalangan ito pero nagbuntong hininga rin.

"Sige na nga" pagsuko niya.Tinapay niya sa akin nung tray na may pagkain kaya Napataas ako ng kilay.

"Ibili mo ako,Hindi ko sinabing bigyan mo ako nayan" Inis kong sabi.

Bahagya siyang nagawa na mas kina-inis ko.Binitawan ng isang kamay niya ang tray at hinawakan ang hinawakan ang wrist ko upang nakuha ang kamay ko.

Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon