Chapter 19

24 3 0
                                    

Angelo POV

To Angel:

Nasa harap na ako ng gate niyo.

Mabilis kong itinago ang cellphone ko sa bulsa habang tumatanaw sa pinto ng bahay nila.Maya maya lang ay nakita ko na siyang palabas at naglakad patungo dito upang buksan ang gate.

"You're always early in school pati ba naman dito?" gusot na mukhang sabi niya habang naglalakad kami papasok.

"A-ah hehe,para matapos agad." sagot ko.Dumiretso kami sa may tabi ulit ng pool at nakita kong may nakahanda doon pagkain na mukhang pang almusal niya.Bahagya akong na-guilty dahil mukhang naabala ko pa siya.

"S-sige kumain ka muna.Sorry."

"Uh no.Join me." ngumiti siya na ikinagulat ko.Pasimple kong tiningnan ang pagkain.

Sausage,bacon at rice.May gatas pa.Okay lang naman ah.Bakit parang may nakain siyang kakaiba at naging mabait sa akin?

"What?Ayaw mo?Don't worry hindi ko pa nakakagatan yan."

Umiling na lang ako.

"Kumain na 'ko.Salamat na lang."

Nagkibit balikat siya at nagsimula ng kumain.Habang ako naman ay naglilibot ng tingin sa paligid.

"May practice tayo sa school bukas."

"Ah okay." pero sa loob loob ko nag papanic na ako.Practice sa school.Ibig sabihin maraming makakakita...

Okay kalma.

Hindi magandang kabahan ako.
Siguradong hindi maganda ang kalalabasan at magagalit si angel at mapapahiya ang buong grade 9.

Mas lalo akong nanlumo sa naisip.

"May isusuot ka na ba?" tanong niya.

"Oo.May maliit na business si mama na tungkol sa mga...Damit.Siya na daw ang bahala." sagot ko.

Naalala ko pa nung sobrang tuwa niya nang ipaalam ko nung saan ako kasali.
Nagtatatalon pa sila ni ate at kung ano ano ang mga naisip na mangyayari.

"Anong sports attire mo?"

"Soccer." tipid kong sagot.

"Volleyball ang akin.Oo nga pala...May talent portion doon.Hindi ko alam kung anong trip nila at nilagyan pa ng ganoon.So..Anong gagawin mo tungkol don?"

Talent portion?

Lagot.

Anong gagawin ko?Sasayaw?Kakanta?Tutula?Magra-rap?A-Acting?Magma-magic?

Aaaaahhhhhh!Bakit may ganoon?!

"I think mas magandang sumayaw na lang ako.How 'bout you?"

Kaya kong maging estatwa doon.

O sige subukan mong gawin yan angelo tingnan natin kung hindi ka bugbugin ng buong grade 9.

"Do you know how to sing?"

Umiling ako.Wala akong pag asa dyan.
Mas matindi pa sa uwak ang boses ko.

"How about dancing?I think i saw you dancing in a video somewhere?" sandali akong natigilan.

Oo medyo marunong akong sumayaw pero dati yun.Nung elementary pa dahil pinilit ako ni ella para sa school project nila na video daw ng bonding ng magkapatid.Ang alam ko ka school
mate ko rin ata si angel noon.

Pero kung sasayaw ngayon...Hindi ako sigurado.Baka mabali lang ang mga buto ko na matagal nang nanahimik ng payapa.Hindi naman kasi ako mahilig sa sports at medyo may kapayatan ako pero aaminin kong meron ako nung tinatawag nilang abs dala na rin siguro ng kaunting exercise at dahil rin iyon sa pamimilit ni ella.

Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon