Chapter 5

188 7 0
                                    

Angelo POV

"If x is equal to, then y should be equal to..." Natigil si ma'am sa pagsasalita ng may teacher na dumating.

"Yes? what do you need Ms.Suarez?" Tanong ni ma'am.

"The dean wants to talk to Ms.Dela Vega," ani niya at naglibot ng paningin sa klase. Natigil ang mata niya sa kanyang hinahanap. Maririnig mo ang bulungan ng klase pero hindi namin iyon inintindi. Actually wala akong naintindihan doon. Larang tunog lang ng mga bubuyog. Shshshshsh. Ganyan yun.

"Ms.Della Vega stand up and follow me." tumayo si sadako—este, Dennise at naglakad papunta sa harap ngunit tumigil sa harap ni ma'am na para bang nanghihingi ng permiso. Ngumiti lang si ma'am at tumango kaya nagpatuloy siya sa paglalakad at sinundan si Ms.Suarez paalis.

Ano kayang pag uusapan nila?

Nakapagtataka talaga.

Lumipas ang oras at mga subjects na Hindi bumalik si sadako—este Dennise pala. Pati na rin si angel ay Hindi ko pa makitang pumasok sa anumang subject.

Lumipas ang oras ng mas mabilis at uwian na. Nag ayos ako ng gamit ko at lumabas. Naglalakad ako sa parking lot at halos wala ng estudyante dito

Ganon ba talaga ako kabagal?

Malapit na sana ako sa bike ko ng may biglang may kung anong bagay ang tumama sa ulo ko at halos madapa ako dahil doon.

A-aray!

Hindi pa ako nakakatayo ng may sumipa pa sa akin at sumunod pa hangang magsunod sunod na iyon. Napaigik na lang ako dahil sa sakit.

Maya maya ay may narinig akong nagtatawanan. Mga lalaki at mukhang Hindi lang iyon iisa.

"O, wala pala talaga e! Totoo nga ang sinabi ni boss sa atin!"

"Kaya nga! Duwag nga talaga!"

"Hindi man lang tayo pinagpawisan!"

"Lalaki pa ba to? hahaha duwag!"

Mga rinig kong sabi nila. Nang subukan kong tumayo ay may naramdaman akong tumapak sa likod ko at diniin ako doon. Halos mapasigaw ako sa sakit at napangiwi dahil doon.

"Boy, wag ka ng magtangka. Marami kami isa ka lang. Tsaka inutusan lang kaming gawin sayo ito," at sumunod na tawanan ang narinig ko. Nang tanggalin nila ang nakatapak sa akin ay mabilis kong kinuha ang pagkakataon para tumayo at humarap yun nga lang wrong move.

BOGSHHH!!!!

Halos mapaluhod ako dahil sa mismong mukha ako tinamaan ng isang baseball bat. Malakas na tawanan ang narinig ko ng may humampas muli sa likod ko ng baseballbat. At sumuka na ako ng dugo dahil doon. Nakaramdam na din ako ng pagkahilo. Laking pasasalamat ko na lang dahil hindi naapektuhan ang ulo ko ng sobrang lakas. 

Anong magagawa ko? Hindi ko kayang manakit ng iba at wala akong alam sa pakikipag laban. Totoo nga ata ang sabi nila. Na duwag ako. Hindi ko sila kaya. Napakaduwag ko. Wala na akong magagawa kundi magpabugbog lang.

"Iharap mo nga dito!" May humablot ng buhok ko at pina ikot paharap sa kanila. Sa may hawak ng baseball bat.

"Tingnan mo nga naman. May dugo nang lumabas! Pero diba sabi ni boss ay dapat bugbog sarado? pwes hindi pa sapat yan." ani niya habang pinaiikot ang baseball bat sa kamay niya. Ngumiti siya at nagsimulang maglakad palapit sa akin. Naka amba na siyang hahampasin ako kaya pumikit ako at naghintay.

Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon