Chapter 16

133 6 0
                                    

Angelo POV

"Okay so magbibihis lang ako." anunyo ni angel nang makarating kami sa bahay nya.Umakyat sya sa hagdan at ako naman ay nililibot ang tingin dito sa sala nila.

Ang ganda ng bahay nila.Malaki sa labas ay mas mukhang dumoble ang laki kapag nasa loob ka na.Marmol ang sahig at halos lahat ng gamit mamahalin.Ang eleganteng tingnan at may fireplace pa.Tapos sa taas non may malaking picture.Lumapit ako doon at nakita ko ang mommy at daddy niya.Tapos may dalawang babaeng kasama na sa tingin ko ay kapatid ni angel.

'Pero bakit wala si angel dito?'

Tiningnan ko ng mabuti nung picture frame at nasiguro ko ngang wala sya doon.Bakit...

"Ehem!"

Gulat akong tumingin sa likod ko at nakita si angel na naka-cross arm at mataray ang tingin sa akin.

"A-ah,angel..."

"Doon tayo sa garden mag pa-practice,
ibaba mo muna dyan ang mga gamit mo." utos nya at pasimple naman akong sumunod.Sinensyasan nya akong sumunod sa kanya at yun naman ang ginawa ko.Pumunta kami sa kitchen at dumaan sa back door don.

May pool doon at may umbrella at malawak na garden na may nakapaligid sa gilid na maraming bulaklak.

"So,ayoko nang patagalin pa ito nerd.
Ngayon maglakad ka nga." utos nito at sumilong sa may umbrella.

Naglakad naman ako tulad ng sabi niya pero napahinto at napangiwi nang sumigaw sya ng matinis.

"What the hell is that?" inis nyang sabi.

"Alin ba?" tanong ko naman.Umirap sya sa akin at pinagsadahan ng tingin ang kabuuan ko.

"That!Anong klaseng lakad yan?!Para kang zombie na—argh!Hideous!" tili nito at nagpapadyak sa kinatatayuan.

Napakamot na lang ako ng ulo at naglakad ulit.Nung medyo maayos-ayos pero...

"I don't want it!Hindi ganyan!Dapat maglakad ka nang pang model!Full of confidense!My gosh!" sabi niya at pinalapit ako.

"Here.Watch these." sabay pakita nito sa akin ng tablet at may video doon.

Ah...

Mahigit 10 minuto ata ang tagal non at napagtanto ko naman kung ano nung gusto ni angel...

"Now,walk."itos nito at pumwesto naman ako mula sa malayo.Huminga ako ng malalim at naglakad tulad ng nasa video.

"Wait!"

"Ano?" tanong ko.Inis syang lumapit sa akin at nag cross arm.

"Bakit ba nakayuko ka?!Remember!Chin up!Straight body!And always feel confidence with yourself!" sabi nito.

"P-pero—"

"Argh!Angelo,we can't win when you're acting like that!Hindi ka pwedeng maglakad ng ganyan sa stage kundi matatalo tayo at ayaw ko yong mangyari!" sabi niya at umirap. "I want our section to be the winner okay?So ayusin mo ang sarili mo at umulit ka!Again!" sigaw nito at aligaga naman akong sumunod...

"Repeat!" sigaw muli nito matapos kong maglakad ulit.Sumunod naman ako...

"Again!Ayusin mo angelo!" seryosong sabi nito at naglakad ulit ako...

"I don't know why aren't you doing my command." nagbuntong hininga ito at lumapit sa akin.Itinaas nito ang baba ko."Chin up,Kapag naglakad ka wag na wag kang yumuko okay?" hinwakan nito ang likod ko at dibdib ko at inayos ako sa pagkakatayo.

"Straight body at huwag kang lalamya lamya na parang lantang gulay!" sabi nito at may diin pa.

Tumango naman ako at sumulyap sa kanya.Makikita mo sa mata nya ang inis sa akin at pagka seryoso sa pagtuturo.

Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon