Chapter 4

196 7 0
                                    

Angelo POV

"Nasan na ba yon?" bulong ko at sumilip silip sa ilalim. Naku hindi ako makakauwi pag wala yon.

Silip doon-wala.

Silip dito-wala.

Silip kung saan-wala.

Nu bayan? nasan na ba yun?

Nasan na ba nung—

Tumayo ako at napabuntong hininga. Saan ko ba huling nilagay iyon? Biglang nawala eh. Siguro dahil sa nangyari kanina. Nahulog siguro.

Napatingin ako kay sadako na akala ko ay nakaalis na kanina. Teka, anong hawak niya...Pamilyar...Aha!

"B-bat nasayo y-yan?!" natataranta kong sabi at lumapit sa kanya. Humarap ang mukha niya sa akin.

"Sayo ba ito?" tanong niya at itinaas ang kamay na may hawak nun.

"O-oo 'bat n-nasayo yang s-susi ko?" tanong ko. Bakit? Bakot nasa kanya? Paano?

"Oh," bato niya sa akin at agad ko naman itong sinalo. "Burara kasi," at tumalikod siya at naglakad paalis. Napatanga ako sa kanya .

Burara kasi....

Burara kasi....

Burara kasi....

Eh?! Hindi naman ako burara ah?!
Nung tinulak ako ni angel kanina nahulog iyon, base sa pagkakatanda ko.

Nagbuntong hininga na lang ako at kinuha ang gamit ko at umalis. Kaunti na lang ang students siguro nagsiuwian na. O baka mga gumala. O kaya naman—ano bang pake ko?! Bakit ko nga ba iniisip yon?!

Dumiretso ako sa parking lot at tinungo ang bike ko. Kinuha ko ang susi at ginamit sa lock ng kadena. Sabi sa inyo, eh, di ako makakauwi pag nawala ito.

Nang matapos ay sumakay na ako sa bike pero may napansin ako sa kalayuan.

Si sadako?

May mamahaling kotse doon at doon din siya mismong pumasok, sa passenger seat pa ah! Wow.

Sinundan ko ng tingin yon hanggang makaalis sila.

Ganon ba siya kayaman?

Wow!

Nagpidal na lang ako paalis at dumiretso sa bahay.

"Hi Baby! how's school?" Bungad agad ni mama sa akin pagdating. Lumapit ako sa kanya at nagmano tsaka humalik sa pisngi.

"Ayos lang ma." kahit hindi, maraming nangyari sa araw na ito.

"Oh really? masaya ba sa school mo?do you already have a friend?" here comes again.

Umiling ako at ngumiti.

"Awwww, baby makipag kaibigan ka sa school mo palagi ka nalang loner," nakapout na sabi ni mama. Ngumiti na lang ako .Wala kasi akong masyadong kaibigan ni isa. Ayos lang naman siguro. Or not..

"Ma ayos lang ako, kaya ko naman ang sarili ko." I guess?

"Kahit na baby, gusto kong magka friend ka man lang. Wala ka pang pinakikilala sa akin. Eh lahat ng friend ni Ella kilala ko na"

Napakamot na lang ako ng ulo. Hehehe.

"Sorry ma."

"Hay, ayos lang anak pero sa susunod maguwi ka naman ng kahit isang new found friend mo dito pwede?" I nooded.

"Okay, promise mo yan baby ah. Sige akyat kana muna at magpalit."

"Yes ma," umakyat na ako sa hagdan. Pero ng mapadaan ako sa kwarto ni ella ay nakita kong naka bukas ng kaunti ang pintuan niya.

Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon