Dennise POV
"Saang restaurant ba yun?"
"JeyVi Restau..." sagot ko. Malaya na akong nakakapagpatakbo ng mabilis dahil nasa labas na kami ng syudad.
I took a glance on him.Bukas ang bintana sa gawi niya kaya malayang tinatangay ng hangin ang magulo niyang buhok.Nasisikatan rin
siya ng sinag ng araw and its reflect through his glasses and his skin. Mabilis mamula ang mukha niya dahil sa araw. Panay rin ang pagbasa niya sa labi niya kaya mas lalo iyong pumupula.Agad kong itinuon ang mata sa daan nang lumingon siya sa akin.
"May alam akong shortcut."
"Mmm..." tumango ako. Mas mauunahan ko pa ata sila asul. Itinuro nga sa akin ni angelo ang shortcut niya.
"May sarili 'ring sasakyan si francis?" tanong niya. Tumango na lang ako.
"How about you?" tanong ko. Kahit alam ko namang may bike siyang ginagamit. Well, i can't judge him that quickly. Katulad ngayon, hindi ko alam na may ugali siyang medyo wild, crazy, adventurous, despite his shyness.
"May kotse kami...Hindi ko ginagamit kasi malapit lang naman nung school. Tsaka baka mas kailanganin ni mama sa trabaho niya."
See? Mamaya ay malaman ko na lang na anak pala iyan ng presidente. Just joking.
"Dito sa gilid ka dumaan."sinunod ko ang sinabi niya.
"Yung eya, kaibigan mo di'ba?"tanong niya.
"Yup. Why?Gusto mo?"ako mismo ang nakaramdam ng inis sa sinabi ko.
Hindi ko alam kung bakit..."Hindi.Pero–"
"Pero ano? Mahal mo na?"nag init ang ulo ko sa naisip. Ano yon? Na love at first sight siya?!
"H-hindi. B-bakit ka ba ganyan mag isip.."
Bahagya akong nakonsensya sa narinig. Tama nga naman. Bakit ba ganito ang mga naiisip ko?
"Sorry,"
"O-okay. Tinanong ko lang naman. Wala naman akong something doon."
Bahagya akong nakahinga ng maluwag. Atleast...Ugh! What am i thinking? Is this normal? Bakit ako naiinis?Mabilis kaming nakadating sa lugar at ipinarada ko na ang kotse. Lumabas ako at agad sumalubong sa akin ang hangin. Rinig ko rin dito ang alon sa dagat through we're in a railway. I quickly sat on the hood of my car.
Napapikit pa ako sa sarap ng hangin na tinatangay ang buhok ko. This is calming me. The waves, air, nature... I don't know why but it calms my nerves. Parang nasa sarili akong bahay, my own home instead. I can move freely. I can do anything i want. Parang nakalaya ako sa isang kulungan..
"Ahm..."rinig kong sabi ni angelo na lumabas rin.
"Can i ask?" ako na ang nagtanong. Because obviously, naiilang siya. At ayoko 'non. I want him to be comfortable with me.
"Okay.."
"Anong nangyari kanina sa bahay nung anghel?"
Natigilan siya sa tanong ko. Itinaas ko ang shades ko at tiningnan siya. Wala namang ibang tao dito. Sinalubong niya ang tingin ko. Nakita ko ang pag galaw ng adams apple niya.
"A-ano...N-nag pra-practice lang kami...Tapos...Nag-usap sa talent tapos...A-ano.." umiwas siya ng tingin at namula.
Napataas ako ng kilay sa inaasta niya. He seems uncomfortable.
"B-basta...Ano...kasi..Um.."
"Okay. Wag mo na lang sagutin kung ayaw mo."
I just wanted to know why is he dragged by that old man outside of their gate. At mukhang susuntukin pa.
Mabuti na lang talaga at nandoon kami...

BINABASA MO ANG
Mysterious Eyes
AléatoireRed....pag galit siya...yellow..pag Hindi na siya natutuwa sa sitwasyon...green...pag kinakabahan siya... kakaibang Kulay diba? pero ang talagang normal sa kaniya ...Alam mo ba? Kulay Pink lang naman... kakaiba talaga... Babaeng pink ang Kulay ng-- ...