Chapter 11

138 6 0
                                        

*Angelo point of view*

"Bye ma!" sigaw ko at nagpidal na ng bisikleta paalis.

Isang linggo na ang lumipas at nananakit pa rin ang iba kong mga pasa sa katawan.

Wala na mang pinagbago ang school.Ganoon pa rin ang scenario at may nasagap akong balita sa nangyari nung mapunta ako sa clinic.

Nalaman kong sumugod nga si sadako sa cafeteria at pinatumba nung boyfriend ni angel.Ang babaeng yon talaga!

Pero gaya nga ng sabi ko Simula ng umuwi ako ng araw na iyon ay hindi na kami nagpapansinan ni sadako.

Walang kibuan

Parang completely strangers lang kami.

Hindi ko alam kung bakit.

Nahihiya nga akong kausapin siya kasi ang awkward.

Kaya ayon,wala.The end.

Haaaaayyyy

Pero may napansin ako kahapon.

Ang weird eh

Para bang wala ako,I mean parang Nasa tabi nila ako pero para akong multo lang

Parang hangin lang ako in short

Pero ayos na yon kaysa naman sa palagi akong naliligo ng timba ng pasta o kaya itlog.

Ipinarada ko ang bike ko at napatingin sa parking ng kotse ni sadako.Siguro nauna na siyang pumasok kaya sa akin.

Pumasok na pang rin ako at dumiretso sa room.Kaunti pa lang ang tao at tama nga ang hinala ko.Andito na siya.

Naglakad na lang ako papunta sa upuan ko at umupo.Dahil sa pagkaboring ay Paglabas na lang ako ng libro at nagbasa.

Di nagtagal ay dumating na ang teacher.

"Good morning class"

"Gooooddd moooorrnnniiinngg maaaam"
tamad na sabi ng mga kaklase ko.

"Ok,today hindi tayo mag lelesson—" agad naghiyawan ang mga kaklase ko sa sinabi ni ma'am.

"—pero pag uusapan natin ang tungkol sa intrams na nalalapit ng mangyari" pagtatapos ni ma'am.

Agad namang nagreact nung mga kaklase ko

"Intrams?Next week na yun diba?"

"Ma'am pwedeng wag na lang pumasok?"

"Yieehhh!excited na ako sa mga booths!"

"Sasali ako sa Basketball ha!"

At iba pa nalang mga komento..

Pinatigil muna sila ni ma'am bago magsalita ulit.

"Since malapit na iyon.Every classes have to represent a booth.So gagawa tayo ng booth natin.Now,what kind of booth you want?any suggestion?"tanong ni ma'am

Nagtaas ng kamay ang isa naming kaklase

"Yes Ms,Garcia?"

"Kissing booth ma'am!" Masigla nitong sagot.

Ngumiti si ma'am at umiling

"I'm sorry but ganoon na ang booth ng ibang class. Any other suggestion? Nung wala pa ang ibang class at sa tingin niyo papatok para sa klase natin"

Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon