*Angelo POV*
Grabe!Grabe talaga!Grabe ang kaba ko ngayon!Kung kanina e wala naman akong kaba o hiya habang sinasabi ko yon at hindi pa ako nautal pero ngayon parang bumabalik na ang kaba ko.
Bakit ba kasi ako nagbigay ng kondisyon?
Argh!nabaliw na siguro ako!
At lalo akong mababaliw dahil nakatitig lang sa akin si sada—este Dennise pala.
Nakagat ko ang pang ibabang labi ko.
Ano ba kasing pumasok sa isip ko at ginawa ko yon?!Ang tanga ko talaga!
Hay!...
Wala na.Sigurado akong tatangi siya.Siya pa ang inaya ko?e isang nerd boy magiging kaibigan ng isang fearest and scariest and also mysterious girl of school na may kakaibang mata?Mukhang impossible...
Wala na talagang pag-asa.
Bagsak ang balikat kong yumuko at tumalikod na lang.Pero napahinto ako ng magsalita siya...
"Sa lahat ng nerd ikaw ang malakas ang loob" sabi niya na ikinakaba ko."Sa lahat ng nerd na nakilala ko ikaw ang kakaiba"pagpapatuloy niya.kakaiba?
"Sa lahat ng nerd,ikaw rin ang pibaklampa,tanga at baliw.Ikaw lang ang nerd na humamon sa akin at nagbigay ng kondisyon na ganoon" Grabe naman manlait to!
Handa na sana akong itama siya pero nagsalita ulit siya...
"At sa lahat ng nerd,sayo lang ako magtitiwala." Sabi niya.
Ok?anong ibig sabihin niya?
"Sa lahat ng nerd ikaw lang ang nakakilala sa akin kahit hindi tayo close at ikaw lang rin ang binigyan ko ng tiwala at prinotektahan noon na kailanman ay hindi ko ginagawa sa ibang nerd" sabi niya na ikinatigil ng buong sistema ko.
Anong ibig sabihin non?
"Kaunti lang malapit kong tao sa mundo.Si papa sila mama at kapatid ko.Butler,si sky at isa pang babaeng kaibigan ko...akala ko sila lang.Tsk!Mukhang madadagdagan pa ata!" unti unting nanlaki ang mata ko dahil naiintindihan ko na ang sinasabi niya...
Sana tama ako...sana tama ako....
"I can't believe that you're going to be my friend too..." Sabi niya at mahinang natawa.Humarap ako sa kanya at lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa sitwasyon niya...
She is laughing. She looks happy at ngayon ko lang siya nakitang ganyan.
Lub,dub!lub,dub!lub,dub!
"Hoy!ano pang tinutunganga mo dyan?!" Sigaw niya mismo sa mismong pagmumukha ko.Nabalik ako sa realidad at tiningnan siya.Natakpan na ulit ng bangs ang mata niya.Pero kahit ganon,maganda pa rin siya haha.
"Wala,bakit?" Tanong ko.Napailing iling siya sa akin kaya naguguluhan ako.
"Tara na sabi!day dream ka pa!" Sabi niya at naunang naglakad.Teka saan siya pupunta?
"Sandali hintayin mo ako!" Sigaw ko at Tumakbo malapit sa kanya.
"Ang bagal mo!iiwanan kita!" Banta niya.
Tingnan mo to,iwan agad?!
Tumakbo ako ng mabilis at nakasunod lang sa likod niya.Ka babaeng tao ang bilis maglakad.Mas matangkad pa ako sa kanya kaya diba dapat mas mabilis ako?
BINABASA MO ANG
Mysterious Eyes
RandomRed....pag galit siya...yellow..pag Hindi na siya natutuwa sa sitwasyon...green...pag kinakabahan siya... kakaibang Kulay diba? pero ang talagang normal sa kaniya ...Alam mo ba? Kulay Pink lang naman... kakaiba talaga... Babaeng pink ang Kulay ng-- ...