*Angelo point of view*
"Ma Ali's na po ako bye!" ani ko at mabilis na hinalikan si mama sa pisngi.
"Ok baby.Ingat ka ha?Baka maaksidente ka sa saan and oh!ayusin mo yang kwelyo mo nga!" lumapit sa akin si mama at inayos ang kwelyo ko na ikinalukot ng mukha ko.
"Ma!" Maktol ko pero pinanliitan lang niya ako ng mata.
"Na-ah,baby.Kailangan mag mukha kang presentable sa kaibigan mo remember?Babae pa naman siya!"
"Ma,Hindi kami magkaibigan.
Classmates lang kami."mahinahin kong sabi.Umirap lang si mama at nginiwian ako."Doon rin ang punta non baby.At Malay mo!baka lumagpas pa roon ang mangyari"ani ni mama na parang kinikilig.
Napasampal na lang ako ng noo ko at hininga ng malalim.
"Sige ma,alis na po ako" bagot kong sabi.
"Ok ingat baby!" lumabas na ako ng bahay habang dala ang bike ko at sumakay Tsaka tinahak ang saan patungong school
"Haay,si mama talaga!" bulong ko habang nagpipidal.Lumipas ang ilang minuto at nakarating na ako sa parking lot ng school.Ipinarada ko ang bike ko at nilagyan ng kadena as usual.
Tumayo ako at hahakbang na sana ng Nakarinig ako ng tunog ng sasakyan.
Tiningnan ko ito mula sa malayo.Iyon ang sasakyan ni sadako.Tandang tanda ko iyon.Bumukas ang pintuan non
At lumabas si sadako.Ganon na ulit ang itsura niya,nakatakip ang bangs sa mukha at mukhang multo pa rin.Napailing iling na lang ako habang mahinang natatawa bago humakbang papasok.
Masyado pang maaga ngayon.Marami pang students dito sa labas at nakikipagkwentuhan.Huminga ako ng malalim bago naglakad patungo sa garden sa likod ng building namin.
May puno dito at walang katao tao.Umupo ako doon at isinandal ang katawan sa puno tsaka pumikit.
Pero sa hindi ko inaasahan ay pumasok sa isip ko ang itsura ni sadako nung oras na Nasa hagdan siya kagabi.
Maputla ang balat niya at masasabi kong maganda siya.Lalo na ang natural na mapupula niyang labi na parang-
Mabilis kong iminulat ang mata ko at umayos ng upo.Napa hawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito.
Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?
Ipinilig ko ang ulo ko at tumayo na lang.
Hindi maganda kung ipagpapatuloy ko pa ito.Nagtungo na lang ako sa classroomPagpasok ko ay ingay agad ng mg kaklase ko ang nangingibabaw.Pumasok na lang ako at naglakad papunta sa upuan ko.Muntik pa akong masubsob sa maalikabok naming sahig nang may pumatid sa akin.Buti na lang at naitukod ko ang isa ko pang paa.
Nginisian nila ako na para bang nangaasar.Hindi ko na lang sila pinansin at pumunta sa upuan ko at tumingin sa bintana.
Napatingin ako sa upuan ni sadako.Wala pa siya.Pero merong mga sulat nung desk niya.Gawa siguro ng mga classmates namin.Dumukmo nalang ako sa desk ko at hinintay ang teacher namin.
Lumipas ang minuto ay namayani ang katahimikan.Wala na akong naririnig na nag iingay at antahimik ng classroom.
Baka andyan na ang teacher

BINABASA MO ANG
Mysterious Eyes
RandomRed....pag galit siya...yellow..pag Hindi na siya natutuwa sa sitwasyon...green...pag kinakabahan siya... kakaibang Kulay diba? pero ang talagang normal sa kaniya ...Alam mo ba? Kulay Pink lang naman... kakaiba talaga... Babaeng pink ang Kulay ng-- ...