Chapter 10

148 11 0
                                    

*Angelo point of view*

"You idiot nerd boy.Napakabigat mong bwisit ka.Hindi ka ba marunong mag exercise. Kainis." rinig kong bulong ng kung sino.Nerd boy?hmm,mukhang si sadako.

Teka.

Ano bang nangyari?

Bakit ako nakahiga?

"Hoy, wake up" rinig kong sabi niya ulit.
Nanatili lang akong makapikit.Malay mo may sa sabihin siyang maganda at may malaman ako diba?

Narinig ko ang pag buntong hininga niya at pagbukas ng pinto.

Teka paalis ba siy—

"Is he already awake now?"

Teka sino yon?boses ng lalaki.

"Not yet!Nakikita mong nakapikit diba?wag ka ngang tanga" natawa ako sa isip dahil sa sinagot ni sadako.

Baliw talaga.

"Masyado kang high blood demon.Try mo itong cake oh"

Demon?

Ano yon?tinatawag niya si sadako na demonyo?bakit naman?tsaka sino ba siya?

"Shut up.I don't like cakes.And you know that."

"Weird mo talaga demon.May tinda dyan sa cafeteria ng gusto mo.Bili kita?"

"No thanks.Just buy me a mineral bottle"

Narinig ko muli ang pagbukas at pagsara ng pinto.

"Isa pa yong baliw na lalaki." Sabi ni sadako.

Naramdaman kong umupo siya sa katabi ng kama ko at nagbuntong hininga.

"Wake up idiot"

Nanatili akong nakapikit.

"Hey,I know your awake" ngek!kanina pa pala niya alam?Pero paano?????

Hayy.Tuloy mo nalang Angelo.Tulog pa more...

"Talagang hindi ka gigising ha?"

Tulog nga diba?

"Matigas ang bungo mo ha..." Malamang may bungo bang malambot?

Nagulat nalang ako ng may biglang humawak sa magkabilang balikat ko at sod non ang pag yugyog sa akin ng malakas!

Ahhhhhh!!!!!

Parang nasa roller coaster ako sa lakas non!

Minulat ko ang mata ko at tama ang hinala ko!

Si sadako,niyuyugyog ako!

"T-tama na a-ano ba!" Pilit kong sinasabi dahil umiikot na ang paningin ko.Tumigil
naman siya agad.

Medyo umiikot pa ang paningin ko habang umuupo at napahawak pa ako sa ulo ko.

Grabe,nag roller coaster ako.

Feeling ko naalog lahat ng laman loob ko lalo na ang brain ko.

"Edi gumising ka rin"

Nag maging maayos na ang paningin ko ay pumikit muna ako ng mariin bago imulat ulit iyon.Tumingin ako kay sadako na nakatayo habang nakangisi sa akin.

"Grabe ka naman sa akin.Masakit kaya!" Inis na sabi ko sa kanya.

"So?kung dumilat ka sana edi hindi mo
naranasan na mag roller coaster ng libre" sarcastic niyang sabi.

Ngumuso ako at umiwas ng tingin.

"Bakit ba?e big deal ba yon?" nakanguso kong sabi.Nagulat ako ng pitikan niya bigla ang noo ko ng sobrang lakas.

Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon