Chapter 14

126 7 2
                                    

*Angelo POV *

Gusto kong tumulong.Gustong gusto!Pero hindi ko kaya.Alam ko sa sarili kong hindi ko kaya...

Mahina ako.Duwag.Mahinang duwag at walang kwenta...

Tiningnan ko si sadako na ngayon ay nakikipaglaban at talagang tinupad niya nung sinabi niya.Walang ni isang kalaban ang nakalapit sa gawi ko.

Gusto kong matuwa pero nagagalit ako.Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko siya magawang tulungan.At the same time nahihiya na rin ako.Dapat sa aming dalawa ako ang nagliligtas hindi siya na babae.

Ang duwag mo Angelo!

Nakagat koang pang ibabang labi ko habang nanonood sa kanya.Kahit hindi siya napapagod,nahihirapan sa pagatake alam kong darating pa rin siya sa puntong iyon at hindi na ako magiging ligtas.

Hininga ako ng malalim at tumingin sa mga kalaban.Kailangan kong lumaban.
Kailangan ko pa rin lumaban para sa sarili ko.At kay sadako.Hindi dapat ako palaging naka-asa sa kanya...Lalaki ako at kahit mahina ako kailangan ko pa ring subukan...

"Argh!" Sigaw ni sadako at sinuntok ang isang lalaki sa mukha...Napayukom ako ng kamao.

Hindi ko siya hahayaang masaktan!

Kinuha ko ang isang baseball bat at mahigpit iyong hinawakan.Tumingin ako kay sadako...

Kung hindi ko kaya gamit ang kamay ko gagawa ako ng paraan!

"Arghhhh!!!!" Sigaw ko at sumugod sa mga lalaki.Agad ko silang pinagpapalo ng buong lakas ko gamit iyon.

"W-what the..." Rinig kong sabi ni sadako.

Sinulyapan ko siya at Nakita kong nakatingin siya sa akin at ramdam ko ang pag aalala niya.Ngumiti ako sa kanya at itinuon ang pansin sa kalaban ko.

Kakayanin ko sadako, dahil binigyan mo ako ng lakas at paniniwala...para sayo kakayanin ko...

~•~•♠•~•~

"A-ARAY!,sadako naman e!" Angil ko ng sipain niya ako sa balikat.

"Di ba sinabi ko sayong dun ka lang?!ang kulit mo talaga no?!" Sabi niya.

Napatingin ako sa mga mata niya na ngayon ay nakalitaw.

Red...

Galit na nga siya talaga.

"Oh anong nangyari?!E di nasugatan ka tuloy?!" Sermon niya.Napanguso na lang ako sa kanya.

"Wag kang ngumuso!Sisipain ko yan!"
banta niya kaya umayos na lang ako.

Tapos na kaming makipaglaban.Kaya ngayon e nagagalit naman sa akin tong isa.

"G-gusto ko lang naman tumulong e" sabi ko.Mariin siyang napapikit mata.

Lagot,ito na naman po tayo..

"Paano kung natuluyan ka ha?!Paano pag nabalian ka ng buto?!Hindi mo ba nakikita ang katawan nila kesa sayo?!Tapos mga fighter yang mga yan!E ikaw?!Saan mo ba nakuha yang baseball bat na yan ha?!Bakit ka sumugod ha?!Alam mo namang hindi mo kaya pero makulit ka talaga!Hindi ka nakikinig!If i said just stay there,stay there!I can protect you!wag kang makulit at susuwayin ang utos ko!" Galit niyang sabi.

Mysterious EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon