chapter ten

1.9K 34 1
                                    

Hindi lahat ng masaya nag tatagal
Hindi lahat ng matagal ay masaya
Hindi nasususkat sa ikli o sa haba
Ang mahalaga pinaramdam mong mahal mo sya

--- otor ✌

THIRD PERSON POV / OTOR's KAARTIHAN

Tapos na ang inuman session, umuwi na ang mag asawa na jana at alex kasama ang anak nilang si laura, kung sino pa ang pinakabata sa goodboys sya pa ang naunang mag asawa.

Si thomas, ayun single pa din di maka get over sa ex nya.

Si kiefer, busy daw sa work/basketball career kaya sigle pa din.

Si jeron, sya ang may girlfriend si janine. Matagal na sila at nag babalak na din mag pakasal nag iipon lang.

Si thirdy, katulad ng kuya nyang si kiefer busy sa games nya as a pro player. Kaya single din.

Si paul naman ay may nililigawan, secret daw muna para hindi maudlot.

Kahit lumipas ang panahon, good boys will still be good boys. Tumanda man sila, sila pa din ang mga kolokoy na nakilala ni bea noong panahon na nag hihirap sya. May lumisan man sa lugar nila, may nadadagdag naman. Kulang na lang si bea ang maging kapitana ng lugar nila hahaha.

Pumasok na ang mag asawa na bea at jho, hindi naman ganun kalasing ang dalawa kaya naman may oras pa sila pa mag harutan wala munang score dahil nasa sala ang mga bata at doon natutulog.

Silang dalawa ang nasa kwarto dahil hindi naman sila kasya doon. May foam na nilatag ang mga bata para komportable ang tulog nila.

Si deanna ang nasa sofa at sila alyssa at dennise ang nasa foam mag katabi sanay naman na sila mag tabi noong bata pa lang sila kaya lang ngayon mas extra special dahil may pag tingin na si alyssa kay dennise.

Kinabukasan, sabay sabay silang sumimba. Kasama ang goodboys at ang pamilya nila ate abi. Nag pasundo lang sila kila robert para makapag simba din ang pamilya nila.

Pag katapos ng simba at kanya kanya sila ng lakad dahil sunday is family day. Papunta ng fast food ang pamilya de leon dahil na miss nila ang pag kain dito. Sabi naman sa inyo diba, simple lang sila kahit na mayaman sila.

Pag katapos kumain ay pumunta sila sa arcade para mag laro. Nag laban laban sila bea, alyssa at deanna si jho naman ang taga announce kung sino ang mananalo. Simple lang ang laro nila, shooting.

Jho: kung sinong matatalo, sya ang mag babayad ng gagastusin ah. Shopping galor tayo ngayon.

Bea: sa wakas, makaka libre na ako ng gastos. Ubos ang pera ko sa inyo eh.

Deanna: you bet mama, hahaha. Kami pa no ate mag papatalo.

Alyssa: yes, ubos pera ka mama today hahaha. Diba mommy?

Jho: oopps, wala akong kinalaman dyan ah. Let the game begins.

Halos pantay ang mga shoot nila pa isa isa lang ang lamang nila sa isat isa. Dikit na dikit ang laban. Sa huling segundo lumamang na si deanna kaya sure na panalo na ito ang mag hahabulan na lamang ay si bea at si alyssa.

Bea: sa wakas, mauubos ang pera mo anak haha.

Aly: di ka sure mama.

10 ...
9 ...
8 ...
7 ...
6 ...
5 ...
4 ...
3 ...
2 ...
1 ...

Deanna - 183
Alyssa - 132
Bea -131

Aly and Deanna: yes, shopping here we go.

Nag apir ang dalawa, mananalo sana si bea pero yung last shot nya hindi pumasok. Kaya ang dalawang bata ay tuwang tuwa, libre shopping nanaman eh.

Im inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon