This day will be the start of our new journey
We will take our own road baby
You and Me together
You abd Me forever
--- otor
ALYSSA POV
Today, magaganap ang proposal ko. And next is the engagement party sa tambayan. Same day lang mangyayari yun. Hapon ang proposal ko and gabi ang party.
Tulad ng mga nakaraang surprise ko, sa burol ko lang din gagawin yun. Kase yun ang favorite place namin ni denden. Alam kong pumayag na syang mag pakasal, pero iba pa din yung tatanungin ko sya.
Umaga pumasok kami sa hospital, madaming naka schedule na pasyente today and hindi na namin nagawang mag lunch together dahil sa sobrang busy, pinadalhan na lang ako ni den ng food kay amy.
And about nga pala sa pag amin ni ash kay ella. Hindi pa matuloy tuloy, but alam na ng parents ni ella and support naman sila dito. Sabi sa amin ni ash, sa party na lang daw nya tatanungin si ella.
Ang kuripot talaga nun, ayaw gumastos para daw isang handaan lang. Naki sabit lang sa amin eh hahaha.
3 pm tapos na ako sa trabaho ko, kaya dumiretso na ako sa office ni denden. Hindi ko sya naabutan dahil nag rounds na daw ito sabi ni amy. Kaya inantay ko na lang sya sa office nya.
After almost 30 minutes eh naka balik na si den.
Denden: baby, naparito ka? tapos na trabaho mo?
Aly: yes po. Kaya tara na, inaantay na tayo nila mama sa burol. Nag pa handa sila dahil engaged na daw tayo.
Denden: wait lang, mag papalit lang ako.
Aly: okay.
Habang nag papalit si den ay tinext ko na sila mama na mag ready na dahil papunta na kami. Nag okay naman si mama at ready na daw lahat.
Hindi ko napansin na tapos na pala si den.
Denden: sinong katext mo?
Aly: si mama lang, inaantay na daw tayo doon.
Denden: ah sige tara na.
Habang nasa byahe, hindi ako mapakali at napansin naman ito ni den.
Denden: ano ba baby, baka maaksidente tayo nyan. Parang tense na tense ka. Itabi mo sandali at palit tayo ako na mag drive.
Dahil nga hindi rin ako makapag focus eh pumayag ba ako. Ngayon mas smooth ang byahe namin. Hindi tulad kanina na biglang bibilis at biglang babagal.
Denden: bakit ba parang tense ka? may problema ba?
Aly: wala naman. Pagod lang ako, daming pasyente kanina eh.
Denden: pahinga ka na muna, medyo malayo pa naman tayo.
Aly: sige.
Tahimik lang kaming dalawa habang papunta sa burol kung nasaan sila mama. Natetense lang naman talaga ako. Ayaw ko lang sabihin kay dennise dahil nga mag proprose ako diba. Kahit alam naman nating pumayag na sya. Gusto ko pa din ng formal na proposal because she deserves that.
Nakapag paalam na din ako kay dad. At support naman sya sa akin kahit noon pa man. Wala akong sama ng loob dahil sa gimawa nya sa amin. Tatay ko pa din naman sya. And i feel complete sa piling nila mommy, mama at deanna.
After an hour, nandito na kami. Simpleng proposal lang naman ang gagawin ko. Pina una ko sadya si dennise na akyat dahil nandun sila mama na may hawak na cards na may naka lagay na messages ko.
Lahat ng taong importante sa buhay namin nandoon. Mag mula sa parents nya at sa kapatid nya. Ganun din sa parents ko at kapatid ko. Sila lolo dad nandito din. Pati ang bestfriends namin. Kulang lang ay ang mga taga lugar, pero kase nag hahanda sila doon para sa celebration namin.
BINABASA MO ANG
Im inlove with you
Fan-FictionLumaki ako na ate ang tawag ko sakanya, dahil sa mas matanda sya sa akin. Ate ko sya pero hindi ko sya kapatid, dahil ninang nya ang mga magulang ko. Pero habang lumalaki ako bakit ganito, ayoko ng maging ate sya. Nag sisimula na akong magustuhan sy...
