chapter three

1.7K 46 2
                                    

Ang pag-ibig ko sayo higit pa sa buhay ko
Maniwala ka man o hindi, iyon ang totoo
Kahit kailan hindi kita sasaktan
Umabot man sa mag pakailanman

--- otor ✌

ALYSSA POV

Bagong umaga, bagong pag asa, bagong araw na mag mamahal sakanya, bagong araw na ako ay aasa. Masarap sa pakiramdam na alam na ng family ko yung tunay na ako. Walang lihim, ay may isa pala. Ang pag mamahal ko kay "ate" den. Hindi ko pa kayang sabihin, natatakot akong magalit sila sa akin. Kase ika nga nila ibang magalit ang mabait, kaya natatakot ako kung anong kayang gawin nila mommy once na malaman nila.

As usual, hinatid kami nila mommy bago sila pumasok sa office. Wala akong baon na sandwhich dahil tinamad si mommy gumawa and ayoko pag si mama ang gumawa alam nyo naman kung bakit.

Hinatid ko si deanna sa harap ng building nila.

Aly: text me deans pag uwian nyo na ah, sabay na tayo.

Deanna: okay okay, enjoy your day ate. I love you.

Aly: i love you too.

Ganyan talaga ka sweet yang bata na yan, kaya ang daming nahuhulog sa kanya eh. Feeling ko may chance din to eh hahaha. Mana mana hahaha.

10 minutes before timw dumating ako, lecture lang naman at report ang ginawa sa buong araw ng klase eh. Di kami sumabay kay den ng lunch dahil, tamad si ella mag lakad sa main canteen.

Pag katapos ng buong araw na klase, oras na ng uwian. Nakatanggap na din ako ng text kay deanna na nasa parking na sya kasama si tito rob. Sinabi kong papunta na ako, bumili muna ako ng makakain sa canteen dahil nagutom ako. Pag dating ko sa kotse, deretso sakay na ako. Inabot ko kay deanna yung food baka gusto nya. Hindi ko alam na kasabay din pala namin si denden.

Aly: deanna, gusto mo? meron akong food dito oh.

Deanna: im full pa ate, si ate denden baka gusto.

Aly: ha?

Deanna: ate den is here, kasabay natin sya umuwi. Sa bahay na muna sya dahil may pinapaasikaso pa si lolo dad kay tito rob.

Denden: okay lang ba?

Aly: yeah, sure. Tara na po tito. Ate food oh.

Denden: im full pa din, kumain kami ni mika bago pumunta dito.

Aly: okay.

Umalis na din kami, hindi naman pala imik si tito rob kaya tahimik lang din kami sa loob. I dont know what to react pag nababanggit nya yung pangalan ni mika. I just dont like it, kami yung nandito pero mika pa din sya ng mika.

Hindi ko din naubos yung food at wala na din akong gana. Pinatabi ko sandali yung kotse at ibinigay na lang sa batang pulubi yung food. Kesa naman itapon ko, buong byahe tahimik lang akong nakikinig sa music sa phone ko sila lang ni deanna ang nag kwe-kwentuhan.

Di naman nag tagal at nasa bahay na kami, since wala naman kaming katulong ang meron lang ay taga laba at taga linis ng bahay pero malinis din naman kami, lingguhan lang kung sila ay pumunta kina lolo dad din naman sila nag tratrabaho eh.

Sa labas na lang ng gate kami bumaba kesa namansa loob pa. Kaya naman namin eh. Ako ang may hawak ng susi pati sila mommy, wala pang duplicate si deanna dahil wala pa syang 18.

Pag unlock ko ng pinto, diretso ako sa kwarto para mag palit ng pambahay. Si deanna naman sa sala at nanood na ng tv kasama si den, ganyan sya pag galing school. Okay lang naman kay mommy basta gagawa syang homework nya after.

Pag baba ko, deretso kitchen ako para mag timpla ng juice at gumawa ng sandwhich may palaman naman dito at marunong din akong gumawa ng sandwhich ni mommy. Gumawa ako ng tatlo syempre para sa amin yun alangan namang akin lang.

Im inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon