"Salamat neng." Sagot niya naman. Kinuha ko ang cupcake na binili ko sa tindahan kasama ang isang maliit na kandila. Sisindihan ko sana ito nang kuhanin niya ang posporo at siya na ang nagsindi. "Baka kung mapaano ka pa, nakakapaso pa naman ito." At siya'y tumawa. Nginitian ko naman siya.
Tinitigan ko ang aking lolo. Nakukulay-uban na ang kanyang buhok at bakas na rin ang tanda sa kanyang mukha.
Hindi kami mayaman. Kaya dito lamang sa maliit na kariton naming ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan. Katatapos lang naming mangalakal at ang nakuha naming pera ay ipinambili ko ng handa para sa kanya. Kaya naman kahit madungis ang itsura namin ay hindi ako makakapayag na hindi kami magdadaos. Ilang taon na rin naman namin itong ginagawa. Nakasanayan na.
Gabi na ngayon at nasa lugar kami kung saan tanaw ang malawak na dagat pati ang bilog na buwan at mga bituin.
"Hapi Bertdey lolo, hapi bertdey lolo, hapi bertdey, hapi bertdey...Hapi bertdey lolo!" kanta ko. Mahina siyang tumawa saka pumikit para humiling kay Papa Hesus. Kita ko ang sunud-sunod na pagpatak ng luha niya. Hinipan niya muna ang apoy bago nagpunas ng mukha.
"Lo, ba't ka po iyak?" Tanong ko sa kanya. Tinulungan ko rin siyang magpunas.
"Masaya lang ako."
"Ano po hiling niyo?" Abot ngiti kong wika habang pahaplos-haplos ang kanyang kamay sa mahaba kong buhok.
"Hiniling ko na sana matagal pa tayong magsasama. Na magsasama tayo bawat kaarawan ko." Ani niya.
"Lo, huwag ka alala. Di kita iiwan. Pag po nakatapos na ko aral, bibilhan kita ng malaking, malaking, malaking keyk! Tapos dito lo, maglagay tayo ng payrworks para mas makulay!" Sabi ko na may pakumpas-kumpas pa. Kami'y humalakhak muna saka nagyakapan.
"Ikaw talaga neng. Pangako mo yan ha?"
Dumilat ako mula sa alaala noong walong taong gulang pa lamang ako. Tinuyo ko ang basa kong mukha at saka inilabas ang cupcake at birthday candle na ako mismo ang bumili.
Sinindihan ko ito sa parehong lugar kung saan namin ipinagdiriwang ang huling kaarawan ni lolo.
"Lo, kamusta na po kayo diyan? Tignan niyo oh. Isa na po akong magaling na doktor. Natupad ko na po yung pangako ko sa inyo. Nakapagtapos na po ako ng pagaaral." Sambit ko sa pagitan ng bawat hikbi. Hindi matigil ang patuloy na pagagos ng aking mga luha.
"Miss na miss na po kita."
Hinipan ko ang apoy ng kandila kasaboy non ang pagarangkada ng mga makukulay na fireworks sa kalangitan.
"Happy Birthday po lo. Babantayan niyo po ako diyan sa taas ha?Mahal na mahal ko po kayo. Di ko po kayo kakalimutan. Lolo, pangako."

YOU ARE READING
Duh!
Dla nastolatkówEach people have different ways of reacting to various circumstances. Some people receive blessings then they celebrate. Others get insulted then they just weep all day. And there are those who encounter worst conflicts their whole life - yet does n...