Mga Tauhan:
Nakatatandang kapatid na lalaki
Nakatatandang kapatid na babae
Ang kambal
Ang Ama / Carlos
Amo
Mui mui
Taganayon1
Taganayon 2
Ina
Kapatid
Tagapagsalaysay
TAGAPAGSALAYSAY: "Kadalasan, inilalarawan ng mga bata ang kanilang ama bilang mapagmahal, responsable, at mapag-alaga ngunit hindi natin batid na sa kabila ng perpektong pananaw na ito, mayroon rin palang madilim at kagimbal-gimbal na sikreto. Sa isang malayong lugar na tinatawag na Singapore, may isang pamilya. Isang ama at ina kasa-kasama ang kanilang anim na anak. Tunghayan ang kwento nila sa pagsasadulang ito na pinamagatang "Ang Ama."
UNANG GANAP • UNANG EKSENA
(Sa bahay)
[Papasok ang Ama, mayroon itong dalang supot na punong-puno ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay.]
AMA: Ah! Ang gutom! [Ito'y mag-iinat, uupo at tuluyang kakainin.]
AMA: Mmm, sarap! [Pupunasan niya ang kanyang labi sabay lalabas sa entablado.]
[Papasok ang mga bata at pagkakaguluhan ng pagkain, mahuhuli ang ina.]
MGA BATA: Pansiiiiit!
INA: [Pabulong siyang sisigaw] Shhh! Magsitabi muna kayo! Hahatiin ko muna yan.
[At hahatiin nga ng Ina ang pansit at ibabahagi ito sa anim niyang anak.]
TAGAPAGSALAYSAY: Natatandaan pa ng mga bata noon, ang dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti. At ito'y hindi na naulit pa.
(Kinabukasan, sa bahay parin ng pamilya)
AMA: [Umuwi itong sumisigaw at nagda-dabog habang may bitbit na bote ng alak.]
INA: C-Carlos, m-may pera ka ba?
AMA: [Lalapitan ang kanyang asawa at kekwelyuhan ito.] Ikaw ha! Kita mo na ngang mainit ulo ko, dinadagdagan mo pa! Ang [suntok] kulit [suntok] mo! [suntok]
[Sa isang sulok, magsisiksikan ang mga bata habang bahagyang humihikbi.]
(Gabi na, sa bahay pa rin ng pamilya)
TAGAPAGSALAYSAY: Kapag umuuwi ang ama ng madaling araw at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila'y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kaniyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga patse, gayong pauli-ulit siyang pinagbabawalan ng ina.
NAKATATANDANG KAPATID 1: Wag mo ngang tutuklapin yan!
NAKAKATANDANG KAPATID 2: Nakakainis ka talaga! [sabay kurot sa tagiliran ni Mui mui]
[Uuwi nanaman ang kanilang ama kagaya noong nakaraan niyang kalagayan.]
AMA: Nakakainis! Di ko naman kasalanan yun! [Naghu-humyaw habang sinasabunutan ang kanyang buhok]
MUI MUI: [Magsisimula nanamang humahalinghing] Nagugutom na ako!-
IBANG MGA KAPATID: Mui mui
Shhh!
Tumahimik ka nga!
AMA: Ano ba naman kayo ha! Ang kulit-kulit niyo!
[Mabilis niyang susugurin si Mui mui at agad-agad itong susuntukin.]
[Agad-agad na magsisilabasan mula sa bahay ang ibang bata. Si Mui mui ay matutumba at mananatiling walang malay nang ilang sandali. Pagkatapos na pagkatapos, hihimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng pagpupunas ng malamig na tubig rito.]
TAGAPAGSALAYSAY: Pagkaraan ng dalawang araw, namatay si Mui mui at ang ina lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon na may isang kilometro ang layo roon sa tabi ng gulod. Ilan sa taganayon na nakatatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay.
AMO NG AMA: [Lalapitan niya ang nakaupo ngunit nakatulalang ama at magbibigay ng abuloy] Carlos, tanggapin mo ito. Nakaka-awa ang anak mo. Nakikiramay ako sainyo. Maari kang bumalik ulit sa lagarian kung kalian maayos ka na. Mauna na muna ako ha?
AMA: [Iiyak bigla] Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak! [Itutukod ang mga siko sa tuhod at hihimasin ang mukha.]
[Habang si Carlos ay nagse-sentimento, paguusapan naman siya ng mga dumalo at nakiramay na ngayo'y pauwi na.]
TAGANAYON 1: [Bubulong siya sa kanyang katabi] Maaring lasenggo nga siya at iresponsableng ama, pero tunay na mahal niya talaga ang bata.
TAGANAYON 2: [Hahampasin naman niya ito pabalik] Ay naku, sang-ayon ako sa'yo mars!
TAGAPAGSALAYSAY: Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo. Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kaniya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya gagastusin sa alak. Hindi na kailanman.
[Sa kabilang parte ng entablado ay mayroong mesa kung saan nakalagay supot ng ubas at isang kahon ng biskwit. Papasok ulit ang ama sa entablado, kinuha ang malaking supot at dire-diretsong lalabas sa entablado.]
[Ngayon ay iba nanaman ang tagpuan. Siya'y papunta sa isang nitso na kakahukay pa lamang at siya'y sinusundan din ng kanyang limang anak nang hindi niya nalalaman.]
AMA: [Luluhod, hihiyaw, at magmama-kaawa ng malakas na malakas] Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito! Sana'y tanggapin mo! [Isa-isa din niyang ilalapag ang mga laman ng supot sa nitso]
[Pagkatapos nang ilang sandali, lalabas ang ama sa entablado.]
TAGAPAGSALAYSAY: Kagyat namang pagakakaguluhan ng mga bata ang mga yamang kanina pa nila pinagmamasdan. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang 'di nila mararanasang muli.
MGA PROPS NA PWEDENG GAMITIN:
Kurtina (Malaki't mahaba, kahit anong kulay)
Lamesa
Isang bote ng serbesa
Selopeyn
Papel na kulay dilaw (Para magsilbing pansit)
Nilukot na papel (para magsilbing itlog)
Papel na kulay berde (Para magsilbing gulay)
Anim na silya
THE END
YOU ARE READING
Duh!
Ficțiune adolescențiEach people have different ways of reacting to various circumstances. Some people receive blessings then they celebrate. Others get insulted then they just weep all day. And there are those who encounter worst conflicts their whole life - yet does n...